Chapter 1

22 0 0
                                    

-~*~-

Kath

Kinuha ko yung alarm clock ko mula sa bedside table ko. 10:36. What!? Maaga naman akong natulog ah! Hays, siguro napasarap ako ng tulog. Err, late na pala ako 8:40 kase ang first class ko eh...meaning two subjects na ko absent.

Umupo ako sa Kama ko. Di ko pa rin makalimutan yung napanaginipan ko. Totoo ba yun? Wait, Alexander ang pangalan niya but I don't know his surname! Bahala na...

Pumunta na ko ng cr, wala na rin pala si Dahrliene. Roommate ko kasi siya dito. Actually, nasa loob lang ako ng university. Boarding school kase to, and yeah roommate ko ang bestfriend kong si Dahrliene, tapos si Vanessa at Sheena naman ang roommates.

After kong maligo, nagbihis na ko ng uniform. Kahit na absent ako sa two subjects ko, there's no way na hindi ako papasok.

Di na rin ako kumain at nagsuklay. I just went at the locker room to get my books at TLE. Yun kase ang next class ko eh.

Pagkalabas ko ng locker room...

"Kath! Akala ko di ka na papasok!" Si Sheena pala.

"Oo nga eh, late na pala ako nagising. Pagkagising ko kasi wala na si Dahrliene sa dorm eh," sinabayan na niya ko maglakad. Teka, class time pa ah. Nag ditch kaya to?

"Oy, di ako nag ditch. Nag restroom ako, nakita kasi kita eh. Sa susunod, hinaan mo yang pagsasalita mo sa isip mo ah?"

Ay, napalakas pala^_^hehe

"Sige na bumalik ka na sa klase," lalayo na sana ako kaso hinila niya ko pabalik.

"Pumasok ka!! Ten minutes late ka lang late sa English, pwede ka pang pumasok," naka pamaywang na sabi ni Sheena. OK po, papasok na po. Tss.

"Oo na!"

Naglakad kami papunta sa classroom, malapit lang naman yung classroom ni mam Judy sa locker room eh.

Pagpasok ko, nakatingin silang lahat sa kin.

"Mam Judy sorry po na late kasi ng gising si Kath eh! Pero eto na po siya oh, pakokopyahin ko nalang siya ng notes," paliwanag ni Sheena kay mam. Sana di magalit si mam.

Binalingan lang ako ng tingin ni mam Jean. "Sige, go sit on your chair now Kath. You too, Sheena!"

Umupo na ko sa upuan ko, katabi ko si Vanessa, tapos sa tabi ni Vanessa si Dahrliene. Naka hiwalay sa min si Sheena, nasa boys section kasi. Di ko alam kung bakit dun siya pinaupo ni mam Rachel, yung dati naming adviser.

Nakinig lang ako sa lessons, medyo wala kasi ako sa mood makipag dal dalan kay Vanessa ngayon eh. After ng lesson, free time na.

"Kath, samahan mo ko! Punta tayo sa star section Dali!!"-Sheena.

"Pupuntahan mo nanaman si JC?" Tanong ni Vanessa. Si JC lang naman ang crush na crush ni Sheena mula elementary. Ang dami na niyang boy best friends pero ni hindi man lang uli siya na fall. Loyal!

"Oo hihi, may bibigay lang!" -Sheena.

"I isnobin ka lang nun,"-Dahrliene.

Nag pout si Sheena.

"Dali na kasi Kath! Libre kita sa canteen mamaya," kinulit pa ko ni Sheena. Hays, sige na nga. Ililibre niya rin naman ako eh, sabi niya.

"Sige na nga! Saglit lang ah, tapos ilibre mo ko!" Napatalon sa tuwa si Sheena. Grabe, ganito pala mag ka crush to?

"Yey!! Dali halika na!!" Hinila ako ni Sheena, umakyat kami sa fourth floor. Andun kasi yung homeroom namin eh, katabi nung star section. Sinilip niya muna kung may tao, tapos nung wala hinila niya ko papasok.

Pumunta siya sa upuan ni JC tapos sinilid niya yung toblerone sa loob. Teka, san niya yan nakuha? Wala namang Ganyan sa canteen eh, hmm.

"Ayan tapos na. Tara na!!" Hinila uli ako ni Sheena papunta sa garden. Andun na sila Dahrliene at Vanessa.

"Nahuli kayo?"-Dahrliene.

"Hindi!!"-Sheena.

"Uy Sheena, libre mo din kami!"-Vanessa.

"Oo na!! Uy ten minutes nalang TLE na, Tara na!" Hinila naman ni Sheena si Vanessa. Ang lakas manghila nito. Tapos si Dahrliene naman, ang tahimik. Ano kayang problema nito? Pagkadating namin sa room ni mam Mariel, umupo kami sa seats namin. Si Dahrliene ang seat mate si Vanessa tapos seatmate ko si Sheena.

"Good morning class!"

"Good morning mam!"

"Before we start our lesson, may ipapakilala muna ako. He's a transferree(correct me if I'm wrong😂) from Manila. Please enter!"

At nung pumasok yung transferree..

.

.

.

.

.

S-siya?

-~*~-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Panaginip Lang PalaWhere stories live. Discover now