(Play The Truth Untold)
Tug-tug. Tug-tug. Tug-tug.
Mas malakas pa sa dagundong ng musika ang kalabog ng puso ko. Sa bawat sulap at titig mo ay siyang lalong nagpapabilis ng tibok nito. Parang ako lang ang nakikita mo at pinaghahandugan ng tinig mo.
Nanunuot sa akin ang bawat salitang kumakawala sa bibig mo. Ramdam na ramdam ko ang emosyon, ang pagmamahal sa bawat notang kinakanta mo. Parang isinulat talaga iyon para lang marinig ko.
Sumasabay sa himig ng kanta ang pagragasa ng damdamin ko para sayo. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Alam kong wala nang hihigit pa sa pagmamahal ko sayo.
Ngunit, nang matapos ang kanta, naibalik ako sa realidad. Realidad na walang tayo, walang magiging tayo. Walang ako sa mundo at buhay mo.
Kasabay ng pagbabalik ng mga tili at sigaw nila sa pangalan mo sa mundong nabuo ko ay siyang pagkawala ng maiinit na luha sa mga mata ko. Patuloy kang nagpapasalamat sa suportang ibinigay nila, namin sayo.
Napangiti na lamang ako ng mapait habang patuloy na dumadaloy ang mga butil ng luha galing sa mga mata kong kanina pang titig na titig sayo.
"Oo nga pala, Fan mo lang ako."

BINABASA MO ANG
Fan: My Letter To You
Fanfiction"I'd rather live in a dream than to face reality that you and I are just not meant to be." -Fan