Chapter 7

231 7 7
                                    

Chapter 7

Jane's POV

GREAT. JUST GREAT. Kapag siniswerte ka nga naman, yung hambog na sapien na yun pa ang magiging 'amo´kuno ko.

Pagkatapos sabihin yun ni Mrs.Rocher ay pinabalik niya na ako rather KAMI sa classroom.  Yea. Kami kasi kaklase ko rin siya.

Dumiretso na ako sa upuan ko at ung hambog ay  pumunta sa dulong upuan mukhang kakilala niya ang heartrob kuno ng university.Kaklase ko ung mga yun at sa kung tingin niyo swerte yun para sakin pwes hindi.

  

Dumukmo nalang ako sa desk ko para matulog.

"Pst!"

"Pst!" tae. Sino ba yun!?

"Pst!" nyeta. Tinaas ko ang ulo ko at tinignan ang sitsit ng sitsit na yun.

"Sino ba yun!?" napatingin ako sa katabi kong upuan at naka-peace sign ang lokong ito.

"Sino ka naman?" tinaasan ko nga ng kilay. Paepal e.

"I'm Jed dela Cruz" nakangiting sagot niya sakin

"tapos?" cross arm kong tinanong

"Tapos  na" nakangiti niya pa ring sabi.

"Psh, pwede ba wag kang magsisisitsit dyan." saka dumukmo uli ako sa armchair ko. Inaantok ako.

"Pst!" Aba't! Di ko na pinansin

"Oy! Pst!" Lintek! Tinaas ko ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Isa pang sitsit mo dyan hihilahin ko yang dila mo palabas!" saka ko umayos ng upo at dumukmo uli

"Sungit naman. Itatanong ko lang sana kung ano pangalan mo para di ako sitsit ng sitsit dito" rinig kong sabi niya kaya tinaas ko uli ang ulo ko

"Jane. Jane Reyes kaya pwede manahimik kana?" nawalan na ako ng balak matulog pa dahil sa damuhong to.

"Hmm. Hi Jane, I'm Jed dela Cruz" sabi niya ng nakangiti. Dimples. Tsk.

"Paulit-ulit?" sagot ko naman

"Tsk. Baka kasi nalimutan mo agad. Sunget sunget" hininaan niya pa ang pagkakasabi sa sunget sunget rinig ko naman.

"Anong tingin mo sakin? May alzheimers disease?!" leche to.

"Hindi ah. Ikaw nagsabi nyan. Hahahhaha" at tinawanan pa ako!

Inirapan ko nga at nakinig sa prof namin. Kakapasok palang ng prof namin ang pinakamaaga sa lahat ng prof namin kung pumasok. Akalain mong 10 minutes nalang break na. Aga niya diba? -,-

------------------

Tumayo na ako't nag-ayos ng gamit. Break na kaya naman pupunta na kami ni Rein sa cafeteria.

"Waaaaaaaaaaaa! Janeeee! Nadagdagan na naman ang mga heartrob ng Rocher University. Kayaaaaaaaa! Ang swerte talaga natin kaklase natin silaaaa" nakatakip tenga ako nyan ng sinasabi yan ni Rein. Pakshet! Ang sakit sa tenga nang boses niya. Ung maliit tas matinis! Chipmunk voice ba? =_______=

"Tae. Ang ingay mo Rein. Pwede wag kang tumili dahil katabi mo lang ako?" naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria tas ingay ingay nitong si Rein sa daan.

"Mwehehehe, sorry Jane. Kinikilig lang" nakapeace sign pa siya nyan.

Pagdating namin sa cafeteria ay mas lalong maingay.

"KAYAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

"WAAAAAAAAAAAAAA! AMPOGI TALAGA NI REEEEN!

"ANG HOT MO KIEEEEL!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey You! Trespassing GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon