Chapter 2
Nakalabas na ako ng tuluyan dun sa papasuk na yun,di ko alam ang tawag kayo na mag-isip.
Papalapit na ako sa bench at andun na ang aking munting kaibigan.
"Bhesss!" - tawag sakin ng babaeng may sapi sabay yakap sakin.
"Sino ka? Pakisabi nga kung kilala ba kita?" -_^ pagtataray ko
"Bhess! naman ei. Ako to! ang dyosa mong bes...." - bago niya pa pagpatuloy sinasabi niya ay binatukan ko na siya
"Aray! Makabatok ah!" - pagrereklamo niya
"Kulang pa nga yan ei! Alam mo bang sinundan kita sa loob para hanapin ka tas makikita kita ngayon na nandito na!!! Wala rin lang akong napala muntik pa akong mapahamak!!!" =___=
"Ayt. sorry na bhess! Ei pagpasok ko kasi dun nagtanong ako dun sa isang ate sinabi kung di ko makita yung cr, sinabi niya naman kung asan atska di naman niya nahalata na sibilyan ako. Ang tanga nga nung ate ei! Hahahha! :D -
"Baliw ka! - natatawa kong sabi dahil sa panglalait niya, sabay sabi ko na...
"Ei kasi baka napagkamalan kang isa sa mga janitress! Janitress na di alam kung asan ang C.R" XD
"Sama mo talaga prend! Sa ganda kong to? Janitress? baka siya ang mukhang janitress alam na alam niya kung asan ang CR ei." - panglalait pa ni Rein
"Hahahha! Oo na lang!" - sabi ko nang may mapangasar na ngiti
"Tsk!" - umismid nalang si Rein sa sinabi ko
(A/N: Ambait ni Rein noh? Ano pa si Jane na wagas makapanlait sa kaibigan no? XD)
******
Bumalik na kami sa bench ni Rein. Sinalubong agad kami nang isa pa naming kasama
"Oi! Jane at Rein! hinahanap kayo ni Maam Santiago!" - sabi ng isa pa naming kasama
"Bakit daw?" - tanong ni Rein
"Malay ko.." - kibit balikat niyang sabi
"Asan si Maam?" - tanong ko
"Alam ko andun siya sa..... - nagisip pa -,-
"Ayun!!" - sabay turo niya
Napatingin agad kami dun sa tinuro niya at andun nga si Maam Santiago na may ginagawa.
"Ah sige. Salamat" - sabi ko nalang
Pinuntahan nalang namin kung asan si Maam.
"Maam Santiago" - tawag ni Rein
"Oh Rein, Jane andyan na pala kayo, hinahanap ko kayo kanina di ko kayo mahagilap!" - sabi ni Maam
"Ah may pinuntahan lang po kami, bakit po ba Maam?" - tanong ko
"Ah kasi kelangan niyo nang makuhaan ng litrato ung mga players na susunod na maglalaro ng maglalabang university" - pagpapaliwanag ni Maam
"Ah. ganun po ba? Oh sige Maam kami na po bahala!" - sabi ni Rein w/ her hyper voice
"Oh siya sige gandahan niyo ang kuha ha!? Ang gagwapo ng mga players na maglalaban kaya ayusin niyo. - sabi ni Maam ng nakangiti
"Opo" - yan nalang nasabi namin ni Rein
~~~~~
"Landi ni Maam!" - sabi ko nalang nang makalayo na kami at papunta na sa assigned area namin, natawa nalang si Rein.
~~~~~
Tinawag na ang mga players ng bawat koponan bale andito ako sa kaliwang koponan kumukuha ng shots ito kasi ang unang koponan na inintroduce habang si Rein naman ay sa kanang koponan.
BINABASA MO ANG
Hey You! Trespassing Girl
Ficção AdolescenteHellooo~ This is my first story so hope you like it. Follow me on Twitter @miludiy :)