Paano ba masaktan ang manhid? (One-shot)

14.1K 221 70
                                    

Yooow, :""> HAHAHAHA :D Hope you like it. Dedicate ko toh sa lahat ng tao na nasaktan.

___________________________________________________________________________________

Manhid daw ako. 

Ako, manhid? 

Siguro- oo.

Pero hindi naman kasi ibig sabihin nun na hindi ako nasasaktan. Sa katunayan niyan, mas nasasaktan pa ang mga manhid. Hindi lang nila pinapakita.

Walang manhid na tao.. may magagaling lang mag'tago ng kanilang nararamdaman. 

Parang ako.

Kasi ayoko masaktan.

Kasi ayoko ipakita na mahina ako, na may pakialam talaga ako.

Yes, I'm cold. But that's just the way I am. 

Simula ng masaktan ako three years ago.

Walang pinanganak na manhid. Adik you?

Lahat naman tayo nakakaramdam eh. Lahat tayo, pag tinusok ng krayom, masasaktan. Pag hindi kumain, nagugutom. Pag nadapa, nagdudugo ang sugat. Inuulit ko, walang taong manhid. 

Kung inaakala niyo na manhid ang taong minamahal mo, mag'isip ka ulit. Huwag mo siyang sabihan ng manhid- kasi hindi mo alam kung ano yung pinagdaanan niya, kung gano kasakit yung napagdaanan niya kaya mas pinili na lang niya maging ganyan.

Bakit ko alam?

Ganyan kasi ako.

Ako nga pala si Kelly. Laging tinatawag na manhid dahil lang ayokong masaktan.

Three years ago..

Masayahin naman talaga akong bata eh. xD Until the day that I first fell in love.

Si Gino, ang unang taong minahal ko. Sabi niya mahal din daw niya ako. 

Tuwa naman ako. First time nga kasi dba.

HAHAHAHA tanga kasi ako. 

Madaling mapaniwala.

Madaling magtiwala.

Madaling mapangiti.

Madaling mapasaya.

Kaya ayun, madaling naloko.

 Nalaman ko, pinagpustahan lang pala ako.

Pinagpustahan ako ng taong minahal ko ng sobra. Para saan? Wala lang. Para mapatunayan niya na ang babaeng walang pakialam sa mga lalaki ay mamahalin siya. 

Alam niyo yun? Masakit kasi na hanggang dun ka lang pala. Na hanggang pustahan ka lang. 

"Ang ganda ni Kelly, pare." Sabi ni Doniel

"Oo nga eh, nagka'boyfriend na ba yan?" Tanong ni Gino kay Doniel habang nakaupo at tinitingnan si Kelly na tumatawa.

"Hindi pa. Walang pakialam yan sa mga lalaki eh." Sabi ni Doniel.

"Ah." Yan lang nasabi ni Gino, kakaiba pala si Kelly.

"Hoy Doniel, pustahan tayo." Gino

"Ano?"

"Pag yan nagkagusto sakin.." Gino


Ayan, ako nga pala si Tanga. Naniwala sa lahat ng pinakita niya.

Gino's P.O.V

Gago ako. Alam ko, hindi ako nagiisip. 

Paano ba masaktan ang manhid? (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon