TATLO
“jasmine , kamusta ka na dyan? Sana sinama mo na lang ako dyan para naman hindi ako na iistress dito “
“ anne, trabaho ang ipinunta ko dito , madami akong kailangan asikasuhin, maraming pinapaayos si ser!”
“kahit papaano ay mababawasan naman ang stress mo dyan , balita ko maganda ang lugar na yan , may mga beach , tahimik hindi kagaya dito daig pa ang megaphone sa lakas ng boses ni ma’am Vangie”
Laging tumatawag si anne para mangamusta, lagi siyang na papagalitan ni ma’am vangie yung supervisor namin. Sa huli lagi din niyang sinasabi na sana ay isinama ko daw siya dahil gusto niyang magbakasyon .
“ganun naman na talaga ang ugali niya anne hindi ka pa nasanay “
“kung alam mo lang jasmine ,ako lagi ang napapansin, napapagalitan , naku kung hindi nga lang ako matatangal sa trabaho , matagal ko ng nasungitan iyon “
“anne , wag mo na lang patulan , anong balita dyan?”
“si Philip , laging nandito sa office hinhanap ka , ang sipag talaga ng manliligaw mong iyan “
“bakit daw ?”
“ano pa nga ba baka yayayain ka nanaman makipag date , bakit ba kasi ayaw mong sagutin “
“ anne alam mong wala akong panahon para dyan , busy ako sa trabaho,”
“alam mo payong kaibigan lang , jasmine kung ako sayo maghahanap na ako ng boyfriend ang lungkot mag isa , saka gusto mo bang tumandang dalaga? Sana ngayon sinusubukan mong makipag date para magka boyfriend ka na , paano ka mag aasawa? Sige ka baka ma menopause ka na , ikaw din mahihirapan ka ng mag kaanak”
Laging ganito si anne , masyadong malawak ang imahinasyon, ang daming iniisip na mga bagay , laging nagmamadali
“anne , hindi lahat ng bagay minamadali isa pa , asawa? Anak? Seriously anne saan mo ba napupulot yang mga yan , asawa ? anak agad? Eh ! kahit boyfriend nga wala ako anne “
“ kaya nga sinasabi ko sayong maghanap kana , kung ayaw mo sagutin mo na lang si Philip “
“ ewan ko sa iyo anne sige na , may gagawin pa ako , I call you next time bye”
Si anne yung tipo ng tao na nakaplano ang lahat ng gagawin niya sa buhay mga pangarap niya , may mga listahan pa nga siya ng mga uunahin niya at ihuhuli niyang gawin.
Nagbihis ako at inayos yung mga dadalhin ko sa site ngayon kasi ang punta ko sa site .
Naabutan ko si kuya na umiinom ng kape at hawak ang dyaryo pero nasa t.v naman ang tingin basketball kasi ang palabas .
“ good morning kuya !” saka ko siya hinalikan sa pisngi
“morning princess , how is your sleep?”
“ medyo naninibago ako, sanay kasi ako sa kam ko sa manila , pero maganda naman ang tulog ko dahil siguro sa pagod sa byahe “
“tapos na yang game na yan kuya diba?”
“oo, hindi ko napanuod last time, nasa work ako , may pupuntahan ka ba ngayon?”
Saka tinignan ang suot kong damit
BINABASA MO ANG
Wounds Of The Past (ON-HOLD)
General FictionNapakaperpekto na ng lahat para kay Jasmine Michelle Salvador. Wala na siyang mahihiling pa. She has the beauty, money perfect family and a perfect relationship. Pero ang sabi nga nila, Walang perpekto sa mundo lahat may hangganan walang nakakaalam...