DALAWA : A Piece of Trash

16 3 0
                                    

DALAWA                           

                                             A  Piece  of  Trash

 

“ jasmine handa na  ba lahat ng dadalhin mo ilang araw ka ba doon?”  

“ nay! Mga tatlong linggo ho, pero baka matagalan pa nandito na man po si kuya Samuel kaya may makakasama naman ho kayo”

“basta mag iingat ka ha ! tumawag ka palagi , “

“nay! Hindi naman  ho ako pupunta ng abroad nasa pilipinas parin ho ako , wag na kayong masyadong mag alala “

“alam mo namang hindi maiiwasan yun anak , oh sya sige tatawagin ko lang si kuya samuel mo sa baba para maihatid ka niya .”

“sige ho “

Napabuntong hininga na lang ako   sigurado akong isang nakakapagod na mga arw ang mangyayari sa zambales , puro trabaho sana lamang ay magkaroon ako ng konting oras para makapamasyal roon,

Balak ko sana ay umuwi dito sa bahay agad ayoko magtagal  roon, siguradong malulungkot si  nay Ana

Lagi iyong nag aalala sa amin ni kuya  lalo lang iyong hindi makakabuti sa kanya medyo may edad na ito ayoko siyang masyadong  nag iisip ,

Hindi si nay Ana ang biological mom  namin ni kuya  , matagal na palang may sakit si mom noon  pero kelan lang naming nalaman  hindi niya  sinabi siguro ay dahil sa ayaw niya kami mag alala pa  may leukemia si mom  alam  niyang  malala na yung sakit niya kahit anong gawin niya noon , hindi na talaga kaya pang patagalin pa ang buhay niya ,

She passed away  five years ago  , wala pang  isang taon noon nung nawala si mom ,  na aksidente  naman si dad  sabi  ng mga pulis talagang  si dad daw talaga ang target ng mga sindikato  nung mga panahong yun kami na lang ni kuya ang natira hindi naming alam kung paano magsisimula ,

Simula nun si nay Ana na ang nag alaga sa amin  pangalawang nanay na ang turing naming sa kanya 

Wala namang pamilya si nay Ana dahil hindi ito nakapag asawa .

Natigil ako sa pag aayos ng mga gamit ko ng may narinig akong mga katok

“bukas yan!”

“Jas , ok na ba lahat ako na ang maghahatid sayo  may aasikasuhin rin naman ako doon , “

“tungkol ba sa itatayo mong restaurant  doon akala ko ba ok na ?”

Wounds Of The Past (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon