Ganun siguro talaga dadating sa point na makakaramdam ka na lang ng aloof feelings sa lahat.
Yung tipong masaya ka naman pero parang hindi mo nararamdaman yung saya.
Hindi ka malungkot pero naiiyak ka.
Buo ka naman pero parang may kulang, may nawawala.
Dadating sa point na ang dami mong nararamdaman pero pag tinanong ka ng "Kamusta?", Tanging mabibigkas mo eh "Ito, ayos lang. Masaya pa din naman." 🙃
