Madalas may mga bagay o taong dadaan sa buhay natin. Mga taong magpapasaya, magpapalungkot, bubusog, magpapatawa, magpapaiyak, magpapasakit at kung ano ano pang pakiramdam, ngunit sa kabila ng lahat ng yun, sila yung mag iiwan satin ng lesson para maging mas malakas pa sa pagharap sa mga darating pang daluyong sa ating buhay. Sila ang susubok sa ating katatagan, kung hanggang saan at kelan natin kayang lumaban. May mga pagkakataon mang nabigo ka at nasaktan, magiging baon mo naman ito at pananggalang sa pagharap sa kinabukasan. Mga armas na magagamit sa pagharap sa bawat bukas ng buhay.
