To all the readers,
Please do find some time in your busy sched to read my second story. And please hit that follow and vote buttons. Leave your comments and suggestions too I'll be happy to read it. :)
Love lots,
Lhees Lie
Si Rebecca Garcia ang kaibigan nya na nagdidiwang ng kaarawan ngayon. Libre ang schedule niya kaya nakapunta siya. Matagal na siyang niyaya nito gumimik at gumora kung saan-saang lugar pero dahil lage siyang nag bubusy busyhan lage siyang tumatanggi dito. Pero ang totoo talaga isa siya sa maliit na porsyento ng mga babae na allergic sa public o madaming tao. At swerte mo kapag sumama ako sayo at madadala mo ako sa mga ganong lugar. Masyado kasi akong mahiyain you know hindi kasi ako ma PR at takot din ako na ma OP ako lalong lalo na kung di ko kilala ang mga nasa paligid ko at kakarampot lang o nag iisang tao lang ang kasama ko. Pero dahil special day ito at birthday ng kaibigan ko exemption to dahil halos lahat ng mga kaibigan niya kaibigan ko din so walang OP factor.
“Hi guys thank you for coming here sobrang naapreciate ko yung pagpunta nyo lalo ka na Lhi alam ko namang sobrang busy ka bwahahaha. Let’s enjoy the night every one” Pahayag ng kaibigan na si Rebecca.
“Loka-loka ka talaga syempre ikaw pa kaibigan kaya kita. Kaya isiniksik ko ang araw ng pagiging matanda mo sa sched ko.”
“Hiyang- hiya naman ako dyan sa schedule mo buti nalang pinakawalan ka pa for the mean time ng sched mo.”
“Aba! Atleast pinayagan niya ko. My mutual understanding kami eh wahahaha.”
“Sus, hopeless romantic pati schedule iniimagine mo ng jowa mo.”
“I know. Aminado naman ako. Eh sa hindi ko pa makita ang future love ko.”
“Speaking of future love sa next invite ko sayo gumora ka agad may ipapakilala ako sayong Adonis.”
“Hmmm.. okay we’ll see. “
“Pumunta ka kundi kakalbuhin kita!”
“Ayoko nga magpromise. I’ll try my best.”
Matagal na din simula nung huling nagmahal ako ng husto at nasaktan ng husto. Handa na ako pero hindi ko mahanap ang lalaking tama para sakin. Hopeless romantic na nga ako dahil lagi kung kinukulit ang mga kaibigan ko na hanapan ako ng boyfriend pero sa tuwing may ipapakilala naman sakin sablay.
“Lhi, I want you to meet Jake Asuncion. “ Sagot ng kaibigan si Ynna over the phone.
“At sino namang hinayupak yan?” with high voice and mega high kilay.
“Chill Lhi. Check mo facebook niya, binigay ko na din facebook mo so any time ia-add ka niya accept mo kaagad ah? He’s a friend of one of my friend. So in short, a friend’s friend. “
“Fine.” Medyo patamad niyang sagot.
“Try mo lang wala namang masama mag try eh di ba? Malay mo naman okay.” Pangungunbinsi ng kaibigan.
“Owkay. Sige sabi mo kasi eh.”
After ng usapan nila agad-agad siyang nagbukas ng facebook at oo nga inadd agad siya ng lalaki. Inaacept niya na din to sa pag asang baka ito na nga. Halos oras-oras mag kausap sila. Nagsimula sa pagpapakilala sa sarili at pag kwento ng kanya-kanyang life experiences halos isinasabay na siya nito sa trabaho. Pero ako kasi ng tipo ng babae na di basta-basta marahil dahil naloko na din ako ng sobra-sobra. So nag research ako sa web ng mga tanong na pwedeng itanong sa mga lalaki. Kunti lang naman mga 200 questions at oblige siyang sagutan to ng seryoso at tama. Dun palang malalaman mo na talaga kung seryoso ang lalaki o hindi. Alam kong hindi sila mahilig dun pero isa yun sa sukatan ko. So ayon so far nasagutan niya naman lahat. Patuloy pa din ang pag uusap nila, dumating na nga sa point na planado na ang meeting eh. Until one day I checked his facebook wall.
BINABASA MO ANG
The Promise
Romance“Finding the right person but at the wrong time. Loving each other and later on knowing that right person will have to go. Would you keep him? Or would you let him go? What if he promised you this “I’ll come back to you. I promise.” They say “Promi...