It's been a long time since huli kami nagkita ng lalaking yun, at kung sakaling mag kita man kami hindi ko na din alam kung ano pa ang dapat kung sabihin sakanya o kung dapat ko pa bang kausapin siya. Isang laro lang ang lahat at nagpaka assuming lang siya alam mo na hopeless romantic. May mga bagay pala na mahirap ipaliwanag kahit nakikita mo na kasi kadalasan bulag tayo sa katotohanan. Paano nga ba kung bumalik siya? Ano naman sakin? diba? Pakiramdam ko niloko ako pero di ko alam kung paano dahil sa dami ng dahilan ni isa wala na akong matandaan. Mali ko dahil umasa at umaasa ako. Sa mga panahong yun, isa lang narealize ko bumalik man siya tama na siguro yung kahibangan yun.
"Lhi, may balita ako sayo, bumalik na siya."
"So ano ngayon? ikakayaman ko ba yun?"
"Ano ka ba naman! ayaw mo bang mag usap kayo?"
"Para saan? wala naman kaming dapat pag usapan diba?"
"Meron at alam nyo yun."
"Ano ka ba naman Becca, hanggang ngayon pinaniniwalaan mo yun? Isang kasinungalingan!"
"Lhi naman, malay mo naman!"
"Becca, kung umpisa palang niloko ka na lolokohin ka pa rin niya hanggang huli. Ang taong manloloko gaano man kaliit ang panlolokong ginawa niya, panloloko pa din yun at nakakasakit pa din yun!"
"So ayaw mo na ba?"
"Ayaw ang alin?"
"Makita siya, makausap siya or mag explain siya sayo."
"Wala naman talagang dahilan na."
Natapos ang usapan namin ng kaibigan kong yun. Mapaglaro nga naman talaga ang tadhana. At dahil dyan wala akong masabi sa mga lalaking ganon. Hayaan ko nalang siguro.Mabilis ang pag lipas ng panahon, hindi ko na namalayan ang mga pangyayari. Katulad pa din ng dati, itinuon ko ang sarili ko sa pag tatrabaho at mga kaibigan higit sa lahat sa pamilya ko. Mas masaya kaysa magkaroon ng karelasyon walang masyadong stress sa buhay.
Isang tawag ang aking natanggap mula sa kaibigan ko.
"Lhi, nag message sakin si Gheo, Sorry daw."
"Sorry saan?"
"Aba! malay ko, basta pinapasabi sorry."
"Ahh ganon ba, sige hayaan mo na."
Duon lang at natapos na ang usapan. Sorry para saan? para sa pakikipag laro? hindi naman dapat humihingi ng sorry kung intensyon niya talaga yun in the first place. Kinalimutan ko na ang lahat ng tungkol sa kanya pero parang multo kung magparamdam, bumabalik lang. Dapat ba kong magalit? o ano ba dapat ang maging reaksyon ko? Hindi ko na dapat pa inaasahan ang mga bagay na yun. Hayaan nalang siguro.
SA MALL..
Habang naglalakad, ay biglang may nakabundol sakanya at naglaglag ang cellphone na gamit niya."Aray ko naman! Dahan dahan naman po at tumingin din kayo sa nilalakaran nyo." Habang pinupulot ang takip ng cellphone at battery nito na natanggal.
"I'm sorry miss, hindi ko sinasadya."
Bigla siyang natigil sa sa pagpulot dahil kilalang kilala niya ang boses na yun. Ayaw ng isip kong lumingon pero tuluyan pa din siyang lumingon sa muka nito at tama nga talaga siya.
"Gheo." pag banggit niya sa pangalan nito habang patayo siya hawak hawak ang cellphone niya.
"Oh my God! Lhi! Kumusta ka na?" tuwang tuwa na tanong nito sakanya.
"Okay lang." matipid niyang sagot. Sa pag kakataong yun bigla siyang nakaramdam ng inis, galit at pag kamiss sa lalaking to. Gusto niyang sapakin ang muka nito pero mas pinili niyang maging tahimik at magkunwaring walang alam at walang kwenta sakanya ang nakaraan.
"Lhi, namiss kita sobra! Sorry talaga! Sorry."
"Sorry saan?" pag mamaang-maangan niya.
"Sa nangyari dati."
"Alin yun?" kunwari wala siyang maalala pero sariwang-sariwa lahat sa utak niya ang tinutukoy ng lalaki. Pinipigil niyang maiyak dahil nasa harapan siya ng lalaki pero yung sakit ng dibdib niya parang sasabog na sa halo-halong emosyon.
"Sa nangyari nung umalis ako, yung may gf ako di ko nasabi agad at sa lahat." mahinahon na pag explain sakanya nito.
"Huh? yun lang un.. bakit ka naman mag sosorry? Wala naman yun." (Pero kung alam mo lang kung gaano ako naapektuhan sa simpleng bagay na akala ng karamihan wala lang.)
"Tara, busy ka ba ngayon? may pupuntahan? gala sana tayo, nood sine, kain sa labas just like the old days."
"Ahhh.. uhmmm.. sige." Ayaw ko sana pero mas malakas ang sinasabi ng puso ko kaysa isip ko pero alam na alam ko kung saan hahantong lahat ng to.
Sa araw na yun bumalik ulit kami sa nakaraan na parang walang nangyari, na parang hindi siya umalis na parang kami nalang ulit ang tao sa mundo. Hinayaan kung tangayin ako ng nararamdaman ko sakanya. Hinayaan kong bumalik kami sa nakaraan, hinayaan kung maramdaman ang gusto maramdaman ng puso nung oras mismong yun. Naglalakad kami magkahawak kamay ulit, sweet ulit.. mga pangyayaring tinakpan ang katotohanan at sadyang nakalimutan kung ano man yung mga sakit na nadulot ng ginawa niya sakin.
"Lhi, wala na akong gf, pwede na tayo.. pero mas maayos na ngayon. Hindi na kita iiwanan pa, ikaw na talaga habang buhay."
"Huh? Sandali.. ang bilis yata ng lahat. Anong nangyari sa gf mo?"
"Wala na, iniwan ko na siya. Matagal ko na siyang dapat iniwan. Pero ayaw niya. Ngayon maayos na ang lahat. Magsimula ulit tayo hindi ko na uulitin lahat ng ginawa kong panloloko sayo."
"Pero, Gheo, hindi ito ang tamang panahon. Kailangan mo muna dumaan sa proccess yun yung moving on. Hindi ka ba nalungkot ng mawala siya sa buhay mo? Hindi ka ba naging masaya kasama siya?"
"Syempre sa umpisa masaya pero nung tumagal hindi na."
"Hindi naman talaga perpekto ang relasyon diba? Dumadating talaga sa point na hindi na kayo mag kasundo pero dapat walang sumusuko."
"Pero wala na, nakipag hiwalay na ako hindi na ako masaya hindi ko na siya mahal."
"Ganon lang ba yun?"
"Hindi mo naman dapat pinipilit yung sarili mo kung di mo na mahal diba?"
"Oo pero lahat may process."
"Okay na ko, ikaw ang pinili ko, ikaw ang gusto ko makasama."
"Pero...." may pag aalinlangan talaga ako, oo gusto ko siyang kasama pero yung ganito kadali lahat iba ang pakiramdam. Pero ito dapat ang gusto ko noon pa pero bakit iba ang pakiramdam hindi masaya.
"Ayaw mo ba? tatanungin kita ngayon, mahal mo ba ako Lhi?"
"huh? uhmmm.. oo naman noon pa mahal na kita." pero ang mga sagot na yun may halong takot at pangamba. At alam ko kung saan hahantong ang lahat ng ito.
Pero sa kabila ng pangambang yun hindi ko sinayang yung panahong yun, kinalimutan ko na alam kong bandang huli masasaktan ako at maaring iwanan niya ULIT. Hindi ako nakahanda dun lalo na yung puso ko pero mas pinili ko ang pansamantalang kaligayahan kahit ang kapalit nito pag kamatay ng puso ko.
BINABASA MO ANG
The Promise
Romance“Finding the right person but at the wrong time. Loving each other and later on knowing that right person will have to go. Would you keep him? Or would you let him go? What if he promised you this “I’ll come back to you. I promise.” They say “Promi...