Epic Love Story

74 0 0
                                    

Nung makilala kita akala ko katulad ka lang ng mga naging ex ko, akala ko hanggang sa salita ka lang, akala ko hanggang sa pagpapakilig ka lang, pero pinatunayan mong mali ako, pinatunayan mo na interesado ka talaga sa akin, na kaya mong panindigan yung mga pinapangako mo, na hindi ka tulad ng iba.

Naalala ko pa kung pa'no mo ako ligawan 4th year highschool pa lang tayo nun, nalala ko kung pa'no mo ako araw-araw na pakiligin, kung pa'no mo ako araw-araw na dinadalhan ng mga paborito kong bulaklak at pagkain, kung pa'no mo suyuin ang pamilya ko para lang mapalapit ang loob nila sayo, kung pa'no mo ako araw araw na hinahatid sundo galing school, kung pa'no mo ako pinupuntahan araw araw sa bahay para lang pakiligin mo ako. Araw araw yun ang routine mo, hindi ka nagsasawa kahit gusto ko nga sabihib sayo na "oo, pumapayag na ako, tayo na" pero natatakot ako, natatakot ako kasi baka, baka lokohin mo rin lang ako, na baka iwan mo rin lang ako sa ere na baka paiyakin mo lang rin ako, masyado ba akong demanding? Takot na takot na kasi akong masaktan at iwan ng mga taong minahal ko, kahit sobra pa sa sobra ang ipinakikita mo para suyuin ako.

2nd year collage na tayo. 2nd year collage na tayo pero still di ka parin nagbabago. Ginagawa mo parin yung mga ginagawa mo, kahit sobrang tagal na di ka parin nagsasawa sa pagsuyo sakin and by that time ng nahuli mo na talaga ang loob ko, ng tuluyan na talaga akong sumuko, ng bigyan ko ulit ng pagkakataon yung puso ko para mag mahal. Birthday mo.. nang ininvite mo ko na magdinner sa labas yes! I accepted that as our first date. Kumain lang tayo nun sa isang restaurant but take not mamahalin na restaurant. Tinanong pa nga kita nun kung bakit dun pa tayo kumain, eh pwede naman sa isang simple at murang foodchain na lang at ang sagot mo "hinding hindi ko papakainin ang babaeng espesyal para saakin sa isang cheap at mumurahing restaurant lang, di parang pinakita ko na rin na isang cheap at mura ka lang?"  Those words of you make my heart melt. At nagkusa na ang bibig kong sabihin ang matagal ng isinisigaw nitong dibdib ko. Sobrang saya mo nun, na halos ipagsigawan mo na sa buong mall na napasagot mo na ako. Ganun rin naman ako sobrang saya ko din nun dahil finally nasabi ko na rin na "Mahal din kita Alex"

1Month. 2Month. 3Month. 1years. 2years. 3years and so on. Since naging tayo pero still sweet at caring ka parin sakin kung pano mo ako suyuin nung nililigawan mo palang ako mas inigihan mo pa nung naging tayo naalala ko pa nga rin nung nag 1st Anniversarry tayo, akala ko kinalimutan mo na, akala ko talaga susuko ka na Bwisit ka! Napaiyak mo na ako nun, akala ko kasi iiwan mo na talaga ako, pero may inihanda ka lang pala na surprise party para sa anniversarry natin ang laki ng ginastos mo dun. Then that night din ng mangyari ang firstkiss natin, that was a romantic passionate kiss. Bawat galaw ng labi mo sa labi ko nararamdaman ko yung love and care na sinasabi nila. Ansaya saya ko sobra! Ilang taon na nga ba tayo? 5 years? 5 years na tayo pero wala ka paring pag babago, ikaw parin yung mapagmahal, maaalalahanin at maalaga na Alex Cruz na nakilala ko nung highschool pa lang ako. Araw araw mo sakin pinapaalala at pinakikita kung gaano mo ako kamahal at kung gaano ako kahalaga sa buhay mo, Mahal na Mahal na talaga kita alex hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pag nawala ka pa hindi ko kaya.. pero siguro naman hindi tayo darating sa time na yun, hindi tayo darating sa time na mag-gogoodbye sa isa't isa.

Graduate na tayo. Ang saya lang kasi eto na ang umpisa ng totoong buhay natin, naalala ko pa kung paano tayo mangarap, at bumuo ng masasayang pamilya sa mga imahinasyon natin naalala ko pa kung ilan yung gusto mong maging anak natin, nakakaloka ka nga eh gusto mo pa akong gurangin sa panganganak. Nurse ako at Doctor ka. Grabe kahit ang gusto mo talaga ay ang engineering mas pinili mong kunin ang pagdodoctor para lang mas makasama ako. Sabi mo kasi kahit ilang minuto pa lang tayo nag hihiwalay feeling mo ilang taon na ang lumipas.

April 10 2011 your 24th birthday and Supposed to be our 7th year anniversarry, sa isang yate lang tayo nun dinner date ang cute nga kase talagang inarkila mo pa yung buong yate akala ko simpleng date lang yun at celebration ng party akala ko tayo lang na dalawa pero ng isa isang dunating ang mga waiter, may mga dala sila na parang dish na kakainin natin that night nagtaka nga ako kasi parang ang dami ng pagkain na iseserve sa aming dalawa. Pero ikinagulat ko ng isa isa nila yung buksan at tumambad sa mukha ko ang mga salitang "will you be my Mrs. Cruz? Will you be my forever? Will you be the mother of my child? Will you marry me Riaden Aragon?" Yun na nga, ng ikaw na mismo ang magsabi, ano pa nga ba ang maisasagot ko kung hindi "yes, yes i will" then i cry. Tears of joy sa pitong taon ng relasyon natin kahit minsan hindi ikaw ang naging dahilan ng kahit isang patak ng luha ko. Pinatunayan mo na mahal na mahal mo ako. Pinatunayan mo na worth it ako para mahalin bawat minuto pinararamdam mo na mahal na mahal mo ako. Pinatunayan mo na hindi lahat ng lalaki manloloko na hindi lahat ng lalaki paasa at hanggang sa salita lang.

Natapos ang gabing yun. Sobrang saya nating dalawa, akala ko happy ending na tayo akala ko ikaw na ang bubuo sa mga pangarap ko. Naalala ko pa yung huling text message mo sakin bago tayo matulog.

"I Love you Ria sobrang mahal kita, at sobrang saya ko na minahal mo rin ako ng higit sa inaakala ko, hindi ko kayang mangako sayo, pero gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ka, para bigyan ka ng isang masaya at malusog na pamilya na puno ng pagmamahal nating dalawa, mahal na mahal kita, words can't describe how much i loved you, ilove you, ilove you, ilove you, goodnight my future Mrs. Cruz sweetdreams, tulog na wag mo ng replyan toh, alam kong masyado kang napagod ngayong gabi, basta tandaan mo na mahal na mahal kita <3" kinilig at napangiti na lang ako. Sabi mo wag na kitang replyan, masunurin lang ako sa taong mahal ko. Kaya parang timang akong nakangiti at natulog na.

Nang magising ako yung ngiti ko bago ako matulog nabalutan lahat ng takot at pag iyak. First time toh, first time toh na umiyak ako ng ganito ng dahil sayo hindi ko alam, wala akong ideya pero natatakot ako, paulit ulit na nagriring yung phone ko yung mama at papa mo yun naririnig ko na rin sila mama na kumakatok at umiiyak sa labas ng pinto ng kwarto ko, ayoko! Ayokong marinig yung sasabihin nila, hindi ko kaya, hindi! "ANAK! LUMABAS KA NA DIYAN TANGGAPIN NA LANG NATIN KAHIT ALAM NATING MASAKIT! WALA NA SIYA RIA, WALA NA SI ALEX! HINAHANAP KA NA NG PAMILYA NIYA RIADEN WAG KANG GANYAN! DAHIL HINDI RIN MATUTUWA SI ALEX KUNG NAKIKITA NIYANG NAGKAKAGANYAN KA!" Kahit ayokong marinig, pero wala, wala ka na talaga. Tuluyan mo na akong iwan .

Namatay ka raw dahil sa car accident, papunta ka raw ng ospital nun para pumasok pero nawala ka ng preno at nabangga at ang worst nasaksak ka diresto sa puso ng isang tubo. Hindi ko kaya halos mamatay na rin ako. Dyusko naman alex sobrang bilis naman parang kailan lang ng ayain mo kong magpakasal. Pero ano to? Ba't.. ba't andali mo kong iwan? May mga pangako ka pa diba? Tutuparin mo pa yun! Ayoko! Alex ayoko ng ganito? Kung isa lang tong trip mo para isurprise mo ko please! Please itigil mo na! Hindi na ako natutuwa diba sabi mo ayaw mong nakikita akong umiiyak? Oh eto umiiyak na ako hagulgol pa nga eh, so please bumangon ka na diyan para tumahan na ako ! Hindi ko maimagine ang buhay ko ng wala ka. Ng walang alex cruz!

Wala ng tumatawag at nag tetext sakin para lang palalahanan ako na mahal na mahal niya ako. Nakakainis lang kasi hindi pa nga natatapos yung happy ending ng storya natin kinuha ka na agad sakin. Iniwan mo na agad ako? Paano na natin itutuloy yung kasal ng wala ka? Hindi naman pwede yun ng walang groom. Sabi mo forever na tayo pangako mo pa nga  yun eh, well sabi nila promises are meant to be broken at isa na ako sa mga naniniwala .

--End

An Epic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon