Special Chapter 2 (Edited) ✔

2.8K 30 0
                                    

If Samantha Was Saved

January 1

New Year Special

Bagong taon ngayon at madaming handaan ang nangyayari. Nandito si napaka bait kong best friend na si Allianna kasama ang kanyang asawa na si Hunter at ang mga anak nila na sina Ally at Hany, hindi yung binibili sa tindahan na peanut butter ha?

Dito nila naisipan na mag bagong taon nung hindi pa sila nakaka alis sa New York, amerikano kasi tong si hunter pero marunong naman mag tagalog...

"Agugu gaga..." sabi ng bunso nilang anak na babae na si Hany. Hay nako gusto ko na talagang mag ka anak... Simula nung nag propose saakin si Adam feeling ko parang may kulang... Parang gusto ng kamay ko na laging may hawak ito...

Binuhat ko si Hany mula sa upuan nyang stroller at hinele para patulugin. Natutuwa ako sa tuwing may nakikita akong baby at na iinggit din at the same time. Pramis mag babago na ako basta mag karoon lang ako ng anak.

"Gumawa na kasi kayo para may binubuhat kana din..." sabi ni Alli mula sa likuran ko. Nakakainis talaga tong babae na to kung saan saan sulpot ng sulpot! Mamaya baka bumalik yung sakit ko sa puso nyan eh!!

"Ano ka ba! Hindi pa nga kami kinakasal baby kaagad!?" Pag tataray ko sa kaibigan ko. Ginagawa naman kasi talaga namin ang lahat para makabuo. Halos araw araw na nga namin yun ginagawa eh.

Kasi nga lang, hindi pa kami kasal kaya hinay hinay muna kaming dalawa ngayon. Lagot na kapag tuluyan na akong mabuntis, hindi mag kakasya saakin ang mermaid wedding gown ko!!!

"Bilian nyo na kasi mag pasakal- este magpakasal! Gusto ko nang maging ninang oh!!!" Pag aapila nitong bruhang to. Well sabagay para madaming pera ang makuha ang anak ko.

"Sige ba, basta kada birthday at pasko bibigyan mo ng 10 thousand ang mga magiging anak namin?" Paghahamon ko dito sa bruha na to. Tignan lang natin...

"O- osige... Basta friend wag masyadong madami ah? Baka hindi kayanin ng budget ko!" Sabi nya na ikinatawa ko. Tinamo!? Atat na atat na maging ninang pero waley naman sa birthday at pasko!

"Samantha!" Tawag saakin ng isang pamilyar na boses. Humarap ako sa tumawag saakin at laking gulat ko nung napag tantong iyon ang lola at lolo ni Adam.

"Mamita!" Masayang bigkas ko sa tawag ko sakanya. Ayaw nyang lola ang tawag ko sakanya dahil feeling nya daw ay gurang na sya, bakit hindi ba? CHAROT!!!

"Samantha my dear how are you? Nabalitaan ko na nag propose na sa iyo ang magaling kong apo?" Takhang tanong ni mamita saakin. Hay nako, ambilis namang kumalat ng balita.

"Opo mamita, nung mismong pasko po." Masayang sabi ko sakanya. Matampuhin to si mamita kaya dapat akong mag ingat sa mga sasabihin ko at galaw ko.

"Ganon ba? Eh kailan nyo kami bibigyan ng apo? Siguro mga 5 okay na." Sabi nya na nakapag panganga saakin.

"Mamita hindi ba't napaka dami naman ng 5 na anak? At saka hindi pa kami kasal ni Adam." Sabi ko kay mamita at nakita ko ang pag kawala ng ngiti nya.

"Nako Samantha, 5 ang pinaka mababang numero pag dating sa mga anak sa pamilya namin. Merong akong 6 na anak, ang isa kong anak ay merong 7 ang isa naman ay 8 ang isa naman ay 5 ang isa naman 9 ang isa naman ay 11 at lastly ay ang ama ni Adam. Merong 12 na kapatid si Adam na nasa iba't ibang bansa na ngayon ay may sari sarili nang mga pamilya."

Mahabang litanya ni mamita. Napa sign of the cross tuloy ako ng hindi oras. 5!? 6!? 7!? 8!? 9!? 11!? 12!? Jusko! Paramihan ba sila ng anak!? Nangangamba tuloy ako sa sarili ko, baka mamaya magasgas na ang matres ko sa panganganak!

"Ah sige po, pag bubutihin po namin ni Adam." Bigla kong sambit na ikinabigla ko. Maski si mamita ay nabigla din at ngumiti ng napaka tamis saakin.

"Aasahan ko yan hija." Sabi nya at pumunta na sa ibang bahagi ng mansion para mabati ang ibang kasama namin dito. Palihim akong nanalangin na sana ay wag magasgas ang matres ko.

"Honey, are you alright?" Biglang pag sulpot ni Adam sa likuran ko.

"Jusko naman Adam! Wag ka ngang pasulpot sulpot! Nagulat tuloy ako!" Naiinis na sabi ko sakanya. Ayoko pa naman ng ginugulat ako.

"Sorry na, na miss lang naman kita at nakitang parang nananalangin ka pagkatapos kang kausapin ni mamita." Mahaba nyang sabi.

"Pano ba naman ay nanghihingi na kaagad si mamita ng apo mula saatin. Tapos ikinuwento nya ang family tree nyo. Jusko halos himatayin ako dahil sa numbers na nalaman ko."

"Nagkaroon kasi ng hamunan sa pamilya namin. Na kung sino daw ang may pinaka maraming anak sa mapapangasawa nila, walang mistress ay sya ang mag mamana ng kompanya ng mga grand parents ko and so my dad won."

Naka ngiti nyang sabi. Nabahala tuloy ako kung on parin ba yung hamon sa loob ng pamilya nila. Syempre dapat kong malaman, soon to be Mrs. Jimenez na ako no! Kung alam ko lang na merong makabasag matres pala na deal dito sa pamilya nila ay nako! Ako na mismo ang mag mamakaawa kay Stephanie na sagasaan ako.

Hinila nya ako sa dining hall dahil kakain na daw. So ako nakatulala lang dahil hindi parin ako maka get over sa mga numbers na nalaman ko mula kay mamita.

"Okay ka lang ba hija?" Tanong saakin ni mamita kaya napatingin ako sa direksyon nya. Tipid akong ngumiti at pinagtuunan ang putahe na inilagay ni Adam sa pinggan ko.

Napa kunot noo ako nung naamoy kong ambaho ng pagkain napa takip tuloy ako ng ilong ko.

"What's wrong?" Tanong nya saakin kaya sinamaan ko sya ng tingin na ikinapag taka nya ng husto. Hindi ko alam pero parang gusto ko syang sapakin buong gabi.

"Alisin mo yang pinggan sa harap ko ambaho!" Masungit kong sabi sakanya na ikina kinot noo nya.

"But this is your favorite food." Sabi nya. Totoo naman kasi kaso lang naninibago ako ngayon dahil parang ayoko nito.

Biglang naramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko na ikinatayo ko bigla at tumakbo papuntang CR ng mansion. Kasunod ko si Adam at sumunod din yung iba.

"Are you okay? Fuck! May sakit kaba!?" Halata ang pagkabahala at pag aalala sa boses ni Adam nung binigkas nya ang mga salitang yan.

"Sa tingin mo!? Nakita mo nang nag suka tatanunhin mo pa ako nyan! Umalis ka nga naiinis ako ngayon!" Masungit kong sabi sa future hubby ko. Ang weird ko today...

"Bestpren, buntis ka ba?" Sabi ni Allianna na ikinasimangot ko ng husto.

"Anong buntis?" Naiirita kong tanong.

"Kasi ang sungit mo tapos nabahuan ka sa pagkain mo kanina tapos nag suka kapa. Ganyan kasi ang karanasan ko nung nagbubuntis ako." Mahinahong sabi nya.

"What a pleasant surprise!!! That was our topic awhile ago! This is a blessing!" Masaya at napalakpak pa si mamita.

A/N
As you can see po ang mga special chapter ko ay puro lang nasa special occasion. So hanggang Valentine Special lang po ito hanggang dun nalang po.

▪❤▪

End of Special Chapter 2

More Chapters To Come

-BeautifullyTragic_01

Regret [COMPLETED-2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon