Prologue

1.3K 15 30
                                    


TWO hardest things in life: letting go when all you really want is to stay and making someone stay when you know they really want to leave.

    True. Akala ko no'ng una, totoo 'yong mga napapanood ko sa teleseerye. 'yung tipong kapag iiwaan ka na ng mahal mo, magmakaawa ka lang sa kanya o lumuhod habang humahagulgol ay 'di ka na niya iiwan. Mali pala. Basta gusto nang umalis ng tao, wala ka pala talagang magagawa.

     "Gail."                                                                                                                                                                              

     Napatigil ako sa pagmumuni-muni ko. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na seryoso ang tingin sa akin. Kasalukuyan naming tinatahak ang daan ngayon papunta sa ST. Peter's HIgh kung saan kami nag-aaral. First day ngayon at nasa grade 11 na kami. kanina pa excited itong mga kasama ko habang ako wala sa mood pumasok.

     "Ganyan ata talaga 'pag  brokenhearted eh." Napatingin kaming lahat kay Czeck na ngumunguya sa isang sulok nitong van. Nawala ang tawanan. kahit 'yung ngiti ko nawala. Czeckarias Monte, ang best example ng happy-go-lucky person. Guwapo sana kaso isip-bata.

     Three months ago nang makipaghiwalay sa akin ang one-year boyfriend ko na si Marion. Dahilan? Away ng angkan. Magkallaban kasi ang pamilya namin sa business industry. At dahil  hindi naman kami 'yung tulad ng mga bida sa TV na 'pag tinutulan ng magulang o ipaglalaban ng lalaki 'yong babae o vice versa, ayun nakipag break siya. Ilang beses ko siyang kinausap na maaayos pa namin ito pero siya na mismo ang umayaw. That's why ayaw ko ring pumasok ngayon.

     "Don't tell us hindi  ka pa nakaka-move on at umaasa ka pa ring babalikan ka niya?" 'Di ako nakasagot sa tanong ni Florence Monte, isa sa pinakamasungit pero caring na lalaking nakilala ko. Kakambal ni Czeck pero total opposite sila. Para ko na silang dalawang kapatid dahil sa sobrang close namin.

     Totoo. Hindi biro ang isang taong relasyon kaya umaasa pa rin ako na may Marion Alvaro na sususyo sa akin, makikipagbalikan, makikipag-usap at makikipag-ayos. Pero three months  na ang nakakalipas, wala pa rin.

'''Wag ka nang umasang babalikan ka niya. In the first place kung mahal ka talaga niya, 'di ka niya pakakawaln."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missjersy17's Complicated LoveWhere stories live. Discover now