hi I'm Jezelle at isang akong high school student masayahin, mapagbigay, mapagmahal ngunit sa kabila ng mga salitang ito ako ay isang baliw, baliw na naghahanap ng sagot na meron namang sagot sa mga libro ngunit pag binuklat ko naman ang libro hindi ako naniniwala mas naniniwala ako sa mga bagay na nahuhula ko ewan ko ba kung bakit naniniwala ako sa mga bagay na hindi naman totoo alam niyo bang naniniwala ako sa mga alien ngunit ano ang napala ko naging baliw dumanas ng matinding depression bakit ko ba kasi paniniwalaan ang mga bagay na alam ko namang hindi totoo yun nga lang walang akong magawa kasi ganito ako pero alam niyo ba hindi ako naniniwala sa mga sinabi ko kasi alam ko naman na may magagawa ako kaya kung magbago yun nga lang madaling sabihin mahirap naman gawin.
ano ba jezzelle ayusin mo nga ang sarili mo mag kang makinig sa mga bulong wag mong pansinin mas lalo lang yan lala tapos ano masasaktan ka nanaman iiyak tatahan dahil mawawala naman ang mga bulong pagkatapos makikinig ka nanaman alam mo nato jezzelle paikot ikot lang ang nangyayare masasaktan at masasaktan ka parin hindi ko alam ngunit gusto ko namang umiyak hindi ko kasi akalain na maghihirap ako ng ganito.
"jezelle matulog ka na gabi na,ininom mo na ba ang gamot?"tanong ni mama
"opo ma matutulog na ako"sabi ko sa kanya at pumunta sa aking aparador para kunin ang gamot ko, pagkatapos kong inumin humiga na ako sa aking kama hinintay na pumikit ang mga mata.
liwanag ang aking nakikita pagkatapos may nakita akong isang pigura ang paligid ay may dilaw at asul nang lumapit mas lalo kung nakita ang pigura isa siyang babae na may mahabang damit na kulay gray at may suot siyang kwentas na puno ng bato tiningnan ko nang mabuti ang kwentas at merong mga nakaukit sa bawat bato, nang tingnan ko ang kaniyang mukha siya ay makinis parang porselana mapupulang labi mahahabang pilik mata at kumikinang at tuwid na mahabang buhok.
sunod na nangyari ay merong sumulpot na pigura at magkasing katulad sila, ang pinagkaiba nga lang ay yung isa ay walang kwentas, hinubad ng taong may kwentas ang kanyang kwentas at isinuot sa taong kaharap niya pagkatapos ang nangyari ay sumigaw ang taong sinuotan ng kwentas.
RING RING...
nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock kahit na nanghihina ako dahil sa gamot pinilit ko paring bumangon para makapag ayos para pumasok sa paaralan kahit na meron akong depression kahit pinipigilan na ako ng aking mga magulang pursige parin akong mag-aral hindi ko hahayaang hindi ako makapagtapos ng pag-aaral.habang nagaayos naalala ko ang aking napaginipan yun nga lang kahit isipin ko na diyosa yun at merong pihahihiwatig alam ko naman sa sarili ko na merong scientific explanation(subrang emotion) yun
nang makapag ayos na ako at handa nang pumasok humalik na ako aking ina at nagpaalam at pumunta sa garahe dahil naghihintay doon ang aking ama.
nang makarating na kami sa paaralan humalik ako sa aking ama at nagpaalam
"mag ingat ka"ngumite naman ako sa aking ama dahil sa kaniyang pagaalala
pumasok na ako sa paaralan binati ako nang aking mga kaibigan pagkatapos ay ang mahabang oras para sa pag-aaral.
2 days ago
hindi ko alam pero ito lang ang masasabi ko ngayon ang hirap nang pinagdadaanan ko hindi ko alam kung parte lang ito sa aking sakit o iba na paano ba naman nakakalanghap ako nang mga bagay na aking naiisip at ang masaklap naamoy ko ang amoy ng isang bangkay kaya ang ginagawa ko nilalanghap ko ang mga pagkain at prutas ngunit hindi maiiwasan na sumagi sa isipan ko ang mga bangkay kaya umiiyak ako hindi ko akalain na ganito ang paghihirap dadanasin ko minsan nag papasalamat ako dahil nawawala rin ang mga amoy at sa tuwing nawawala, ang sakit ng aking ilong siguro dahil parati kong naaamoy ang mga bagay bagay.
3 weeks ago
mabuti narin dahil nawala na ang sniffer yun ang tawag ko dahil yun ang sabi ng aking hallucination at kahit papaano nakakatulong ang aking sakit at dahil nakokontrol ko ang aking sakit, at meron akong mangilan ngilan na natuklasan na hindi ko akalain na nangyayari sa normal na buhay.
walang pasok ngayon dahil sabado at nagpapasalamat ako dahil walang pasok dahil minsan meron kaming pasok tuwing sabado.
at kung kamusta na ang aking pakiramdam ayun maayos naman unti unting nawawala ang aking depression gumagaling na ako parang unti unti ko naiintindihan na ang mga bagay hindi katulad noon na iba iba ang aking pananaw sa buhay.
at masasabi kong nagpapasalamat ang aking mga magulang dahil sa aking recovery. Ngayong araw pupunta kami sa hospital para sa follow up check up nang makarating kami sa hospital nakita kong meron aquarium sa gilid lumapit ako para tingnan merong ibat ibang uri nang maliliit na isda maganda rin ang landscape hindi ko napansin ito noon siguro ngayon lang ito inilagay, hindi ko alam pero nakarinig ako ng tunog ng musika hinanap ko kung saan ito nanggaling wala naman akong nakitang may nagpapatugtug kahit na mahina ang aking pagkadinig alam kung instrumento iyon parang tunog ng flute
"Jezellle ano ba ang ginagawa mo diyan halika ka na rito"tawag sa akin ng aking ina habang nasalikuran niya ang aking kapatid na lalaki na walang alam kundi ang maglaro ng psp
nang makarating kami maraming mga patient na nagaantay wala naman bago tuwing pupunta kami rito maghihintay pa kami ng mahabang oras
a minutes ago
habang nakaupo kami at naghihintay bigla ako nakaramdam ng pagkahilo at parang nagsoslowmotion ang mga tao nawala rin ito kaagad nang may naring akong nagsasalita hindi ito pangkaraniwan lamang dahil iba ang kanilang boses ang cute pakinggan.Alam kung para na talaga akong baliw dahil sa naiisip ko paano ba naman naiisip ko na mga isda ang aking nariring tiningnan ko uli ang mga tao sa paligid kung may naguusap hinanap ko talaga kung kaboses ng mga naririnig ko ngunit sawi ako kaya wala akong nagawa kundi pakinggan gusto ko rin sanang isumbong na ito sa doktor ngunit natatakot ako na baka kung ano ang gawin nila sa akin bakit ba kasi ang lawak ng imahinasyon ko kaya hindi ako makapag sumbong dahil laging may dahilan akong naiisip at mga posibleng mangyari sa amin lalo na sa kin.
------------------------------------
ang masasabi ko lang sana ito ang una kong storya na matatapos.