Chapter 5

1 0 0
                                    


nagising kami ng maaga at inihanda ang aming sarili upang magpatuloy sa paglalakad dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito sumusunod lang ako palagi kung saan man silang tatlo daaan.

nadaanan na namin ang masukal na gubat at ngayon naman nakatayo kami sa dulo kung saan may bangin at kung saan mo makikita ang tanawin na hindi mo talaga maaasahan dahil napakaganda ito mayroong nagliliparang mga makukulay na ibon at sa tingin ko ay mayoong mga mababangis na ibon dahil dinig ko ang mga alulung ng mga hayop sa ilalim may roon ding malawak na dagat at sa dulo noon ay makikita mo ang dilim at nakakatakot puntahan dahil dito palang sa aking kinatatayuan alam kung maraming trahedya dahil sa lakas ng kidlat at maririnig mo ng mahina ang mga kulog.

"doon tayo pupunta"sabi ni Aaron

"sigurado ka ba?"tanong ni mel sa malumanay na tinig simula palang ng makita ko si Mel talagang mahinhin na ang kaniyang boses makikita mo talaga sa kaniyang pisikal na katangian na mabait siya kaya hindi ako nababahala dahil alam kung hindi sila masama

"nasisiguro kung nandoon ang lungga ng mga dark wizard"sabi ni Aaron na hindi inaalis ang kaniyang tingin sa kabilang isla

"kung gayon tara na"masiglang masigla na pagkasabi ni Criza

nauna si criza sunod si Mel ako at si Aaron nakita kung nilingon ako ni Aaron ngunit hindi ko ito pinagbigyan ng malisya alam kung sa tingin niya ay sinasabi niyang wag ako gagawa ng anumang masama kundi...

"whaa whaaa"nagsisigaw  na nahuhulog si Criza sa isang naguhong lupa kaya dali -daling tumakbo si Aaron para abutin si Criza ngunit hindi niya ito nasulo o nahawakan man ang kamay

kaya sumunod siyang tumalon kung saan nahulog si Criza habang kami ni Mel ay 

naiwan. Nabigla"Whoa" ako ng umangat ako sa ere, natanto ko nalang na nasa loob ako ng bolang transparent hindi ko napansin na nag cast ng spell si Mel dala na siguro ng pagkataranta kaya hindi ko na siya napansin at ito pala ang kaniyang mahika kaya niyang gumawa ng lumilitaw na bola.Sumonod kaming pumasok, dinaaan namin ang maugat na bangin hanggang sa dumating kami sa dulo kung saan sila Aaron at Criza

nakita ko si criza na nakadikit ang katawan sa isang web ng gagamba at papalapit  na ito sa kanila kung saan tinutulungan ni Aaron si Criza na alisin sa web ngunit mahigpit ang kapit nito.

maganda sana ang gagamba dahil pinaghalo itong white purple at pink na nakaspiral sa kaniyang katawan ngunit nakakatakot dahil nangangain at makikita mo sa ilalim ng  puting web ang mga buto, laman at tuyong dugo. 

kaya ito ang nangyari gumawa ng force field si Mel ngunit hindi nagtagal unti-unti itong nasira

palapit na nang palapit ang mga gagamba at nagsisigaw narin si Criza dahil sa takot wala naman akong magawa dahil lahat ng alam ko ay hindi naman makakatulong alangan naman magsisniff ako o kaya mga invisible*thing*paano kaya ko gamitin ko ang invisible para hindi kami makita matagal man nila kaming ngunit hindi rin iyon magtatagal dahil mahahawakan naman nila kami bago ko pa man magawa ang spell nagkaroon ng malaking apoy at nasunog ang web kasama na ang ang gagamba nang makababa kami dali dali kaming tumayo para umalis dahil marami pang gagamba.

nakasabit sila loob at gilid na kweba kung titingnan mo sa labas nasa gitna ang web at ganoon pala sila maghuli ng makakain

natataranta kami dahil lumalabas ang mga gagamba hanbang pinipigilan naman ni Aaron gamit ang mahika niya apoy unti-unti naring humihina ang apoy at alam kong nanghihina na si Aaron

kaya ginawa ko na ang kanina ko pa sana ginawa"envizib"pag cast ko nang spell agad ko silang  tatlo hinogot papalayo habang nalilito ang mga gagamba kung saan na ang kanilang pagkain

nang makalayo kami binitawan ko sila sa harap ng batis na kasing linaw ng krystal lalo pa at natatamaan ng sinag ng araw kaya kumikinang ito.

lumuhod  sila upang uminom ng tubig  at sa tingin ko ay nasasarapan sila kaya tinikman ko ito

wow nang matikman ko ang tubig hindi ko alam na ganito ang lasa matamis tamis at kay sarap sa ginhawa para kang hihiga at matulog nang kaytagal tagal at dahil sa lamig na parang gagaling ang anumang sakit mo sa baba at lalamunan. Nagpahinga kami para bumalik ang aming lakas at nang masiguro naming bumalik na ang aming lakas tumayo na kami at bumaoon ng tubig sa batis habang si Criza pinalitan niya ang tubig na kaniyang dala ng tubig sa batis. at tuwa tuwang tinitikman parang walang nanyari sa kaniya kanina.

"masaya pala dito sana dito nalang tayo habangbuhay maganda at iba sa mundo kung saan tayo ipinanganak"

kinuha ni Aaron ang kaniyang gamit at inayos saka umalis 

anong nanyari doon hindi man lang kami hinintay dali dalim kaming tatlo na ayusin ang mga gamit at hinabol siya para makasabay dahil hindi ko alam kung ano pa ang mga kakaibang bagay dito dahil hindi ko pamilyar dito sinabi o sa kanila na wag basta basta tikman ang mga mukhang pagkain dahil baka nakakalason ito.

nagpatuloy kami sa paglalakad nadaaanan namin ang mga hayop na pamilyar sa akin dahil napapaniginipan ko sila at masasabi kung mababait sila dahil yun ang sabi ng mga bumubulong saakin mayoong mga hayop na magkatulad sa aso mabalahibo at kumikinang ang bawat hibla ng buhok at mukha rin itong chubby nilapitang nga ito ni Criza at parang unan na niyakap yakap

hapon na at naririnig na namin ang mga malakas na alulung ng mga hayop malayo narin kasi ang nilakad namin at nag-iiba narin ang mga  halaman at hindi na masyadong malinis ang tubig nag hanap kami nang matatayuan ng tent nang makanap kami sinimulan narin namin magsindi nang apoy ginamit pala ni Aaron ang apoy noong isang araw kaya pala ang bilis nila magsindi ni Mel 

magdidilim na at nakaharap kami sa apoy kumakain ng canned goods wala kasi akong dalang pagkain maliban sa maliit na bag na ang laman ay yung kutsilyo  mabuti nalang maraming dala si Criza kaya binigyan niya ako. 

Pagkataps naming kumain nagkwentuhan kaming mga babae tungkol sa nangyari kanina  habang si Aaron ay doon sa malayo, sinabi sa akin ni Criza na ganoon daw ang ugali niya at sinabi niya ring sumama raw si Aaron dito para malaman kung ano ang mga binabalak ng mga dark wizard pagkatapos noon babalik na kami.

nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan at tungkol kay Mel at hiya hiya namang napapangiti si Mel dahil sa pinagsasabi ni Criza 

at nabangit ni Criza ang mga alamat dito at napagusapan namin yun.

___________

Upon a Magic: The ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon