tinawag ko ang aking anak na si jezelle kinausap ko siya tungkol sa kaniyang kalagayan alam niyo bang naaawa na ako sa aking anak hindi niya dapat pinagdadaanan ito kung meron man akong maitutulong ginawa ko pero alam ko namang mahirap gawin lalo na ito ay mundo ng mga tao ngunit hindi ko makakayang makita ang anak kung naghihirap kaya ang ginawa ko hinaplos ko ang buhok ng aking anak at hinalikan sa noo kasabay non ang mahikang ibinibigay ko sa kaniya para maibsan ang kaniyang karamdaman.
"matulog ka na anak maaga ka pa bukas"pinainom ko muna siya ng gamot bago nilisan ang kaniyang kwarto.
________________
maaga akong nagising para ipaghanda ng almusal ang mga minamahal kung mga anak at ang nag iisa kong asawa.
nang matapos na ang aking nilulutung special sinangang na ang sangkap ay itlog hotdog at bacon at margarine inihanda ko na at inihapag sa lamesa at pumunta sa kanikanilang kwarto para gisingin
nang lumabas na sila agad kung nakita ang ekspresyon nang aking bunsong anak
"wow sinangang" nagtatakbong anak kong si rex
habang si jezzelle naman ay inaamoy amoy
"Ma, ang bango"komento ng aking anak na babae
"kumain na kayo dahil maaga pa kayong papasok"sabi ko sa kanila
tiningnan ko sila isa isa habang kumakain hindi ko akalain na sa lahat ng desisyon ko ay may nagawa akong tama yun ay ang lumayo sa gulo
naninirahan kami noon sa tagong lugar ng mamatay ang aking pamilya nagpasiya akong umalis at iwan sila tumungo ako kung saan at napadpad ako sa urban na bayan doon ko natagpuan ang itinadhana sa akin na si Rod.
__________
nang matapos kung asikasuhin ang aking mahal na pamilya pumunta ako sa bayan para mamili ng mga gulay,prutas at mga kakailanging sangkap para sa dessert
kinuha ko ang isang hinog na mangga at pinisil ko ito kung ito ba ay sariwa pa
habang namamalengke alam ko sa sarili kung may nagmamasid sa akin hindi naman ako gumawa ng bagay na ikakapahamak ko kaya kunwari hindi ko ito napansin para hindi niya ako paghinalaan alam kung malakas ang kaniyang salamangka at kaunting maling galaw ko lang mapapahamak ako lalo na may celebrasyon sa bahay ayaw ko naman itong sirain kaya sinikap kong magtago at patay malisyang namamalengke
maaga akong umuwi dahil mabilis rin lang naman akong namalengke at para narin maaga kung maihain ang mga niluto
pagsapit ng dilim at handa na ang lahat narinig kung tumunog ang doorbell at masaya ko naman itong binuksan at kumanta ng happy birthday, birthday kasi ngayon ni rex ang anak kung lalaki na umaangkas pa sa balikat ng kaniyang ama "thank you mama"ngiti-ngiti pa niyang sabi ibinaba siya ng kaniyang ama kaya lumapit ako sa kanya at pinaghahalikan sa pisnge"tama na ma tama na"itigil ko naman saka ko sinabi na pumunta sa mesa tumatakbo naman itong umalis hinarap ko naman ang asawa kong nakasimangot at hinalikan saka ipinasok sa loob ng bahay kasunod naman namin ang anak kong babae nilingon ko ito at nginitian at ngumiti rin siya.
nang makapagbihis na ang lahat masaya kaming umupo sa mesa at nagdasal pagkatapos non kumain na kami
sa kalagitnaan narinig naming may nagdoorbell tinignan naman ako ng aking asawaa atsinabing may inembeta ba ako itinaas ko naman ang dalawa kung balikat saka tumayo at pinagbukasan
bumungad sa akin ang pamilyar na mukha hindi pa naman ako makapag salita binati na niya ako
"hi Criz ang tagal na nating hindi nagkita ako ito si Mea" at doon ko lang siya nakilala siya pala ang kababata ko
tila hindi ko maintinditan alam ko kung ano siya at alam kung kilala niya rin ako at hindi siya dito pupunta na walang dahilan at paano niyang nalaman na dito ako nakatira seniyasan niya naman ako na mamaya na at saka itinuro ang loob ng bahay
naunawaan ko naman siya pinapasok ko siya at ipinakilala sa aking pamilya nagkwentuhan lang kami habang kumakain mabuti nga at alam niya kung paano makisama kaya nagkakatuwaan kaming lahat marami kasi siyang kinukwento tungkol sa akin nung mga bata pa kami.
nang matapos kaming kumain tinulungan ako ni Mea magligpit saka nagkwentuhan kami hanggang sinabi niya na nga ang kaniyang ipinunta at dahil sa kaniyang sinabi halos mabitawan ko ang baso kung hinuhugasan
unti-unting may nabubuong galit sa aking puso hindi pa pala sapat ang ginawa namin para mailigtas ang aming sarili at ang aming lahi kailangan palang maraming buhay ang magsakripisyo marami kaming napag-usapan tungkol sa mga dark wizard at pagalagala gala nito sa mortal world at sinabi niya ring kailangan kung pumunta doon dahil isasagawa namin ang plano