Chapter 6

39 2 0
                                    

❇❇❇

Sabado na ngayon at ang ibig sabihin lang non ay ngayon kami aattend ng reunion. Excited na akong nag eempake ng mga damit ko. Konting mga damit lang naman ang dala ko dahil 1 day lang naman kami dun.

"Drake tapos kana bang mag impake?" Tanong ko kay Drake na tinititigan lang ako sa pag eempake ko. Tumango naman siya bilang sagot.

"Are you sure na free ka talaga ngayon? Pwede kang mag back out hanggat nandito pa tayo" I said calmly. Tinignan naman niya ako bago ngumiti. Oh gosh, hustisya naman oh, ba't sobrang gwapo niya.

"Luv don't worry ayos na ang sched ko" lumapit siya sakin at sinapo ang mukha ko. Hindi ko pa rin maiwasan na mamula pag ginagawa niya 'to. Ano ako high school para kiligin ng ganito. Pero wala ei sa gwapo ba naman ng boyfriend ko, sinong hindi mahihimatay sa kilig.

"O-okay" sabay iwas ko ng tingin. Ang lapit lapit na kasi ng mukha niya sa mukha ko.

"Aww your so cute Luv" Sabay pisil niya sa pisngi ko, kaya napanguso ako. Palagi na lang niyang pinag tritripan ang pisngi ko, ang mga inosente kong pisngi na walang kamalay malay.

"Awtch ang pishngi ku Luv" Daing ko, agad naman niyang binitawan ang pisngi ko, nakita ko na naman ang pag aalala sa kaniyang mga mata.

"Are you okay Luv? Masyado bang napapisil? Sorry sorry Luv ko" agad niya akong hinila sa mga bisig niya at niyakap ng napaka higpit na akala mong takot na baka mawala ako sa kaniya.

"Okay lang ako luv, medyo napapisil ka nga pero okay lang" Pag katapos kong sabihin yun ay may biglang may sumigaw sa likuran namin, kaya napabitaw kami sa isa't isa.

"Oy tama na yang lampungan na yan!" Sigaw niya sa amin, tapos sumipat pa siya sa kaniyang relo sa bisig "9:30 na ng umaga! Aba baka gusto niyo ng bumaba at kayo na lang ang hinihintay" naka pameawang na saad ng maarteng si Aliah.

Pinaikutan ko naman siya ng mata baka sumagot "Opo nanay wait lamang po" Inirapan niya muna ako bago umalis sa may pintuan. Siguro bad mood na naman ang isang yun at wala na naman sa hulog.

"Luv lakad kana dun, kunin mo na ang mga gamit mo at baka magalit na naman ang isang yun" Humalik muna siya sakin bago tumango.

"Antayin mo'ko ah" Ngiti lang ang isinukli ko sa kaniya bago kinuha ang bag ko at binitbit palabas ng condo. Hindi naman siya sobrang kabigatan dahil kakaunti lang naman ang laman. Hindi ako tulad ng ibang mga babae na akala mo mag aaout of the country kung makapag dala ng maraming gamit.

❇❇❇

"Oh my gosh besh! Ang ganda ganda dito sa Batangas" Agad nag tatakbo si Aliah na parang bata sa may labas ng van. Tama nga siya napaka ganda dito. Agad kasing sumalubong sa amin ang tirik na araw ng batangas ngunit preskong hangin. Tapos kulay puting mga buhangin.

Parang tila ayaw ko ng umalis dito sa Batangas dahil ang aliwalas ng panahon dito, tapos ang sarap sarap langhapin ng preskong hangin. Hindi tulad sa Manila na puro usok at pulusyon na lang ang nalalanghap ko.

"Ang ganda dito luv" masayang saad ko kay Drake na katabi ko na ngayon. Tumango naman siya at ngumiti.

"Oo my luv kasing ganda mo" Kinurot ko naman siya sa tagiliran, kasi ang hilig niya mambola. You know naman na marupok ako.

"Ikaw ah wag kang mambola jan! Alam mo naman na marupok ako" Nakanguso kong saad sa kaniya. Kinurot niya naman ang pisngi ko. Hwuahh ang kawawa kong pisngi huhuhu namurder na naman.

"Pisngi ko Drake huhuhu"

"Ang cute mo kasi ei, sarap mong ikiss" kumindat pa ang loko sa akin. Kala mo ikinagwapo niya, ei matagal na naman siyang gwapo.

I Love You ForeverWhere stories live. Discover now