Chapter 7

52 2 2
                                    

"Sigurado ka bang ayos na ang pakiramdam mo Marcus?" Nag alaalangan tanong ko. Ngumiti naman siya sakin bago sinabayan ang apple na binalatan ko kanina.

"Huwag kang mag alala Elise, maayos na maayos na ang pakiramdam ko, tingin mo ganon ganon na lang ako kahina? Mas malakas pa ata 'to sa kalabaw noh" Sabay pakita ng dalawa niyang muscle sa braso. Puro sugat na nga ang mukha nagawa pang mag mayabang.

Sa totoo lang naaawa ako sa kalagayan niya ngayon kahit pinapakita niya na ayos lang siya. Putok na putok ang kaniyang labi, paga ang mata at mayroong black eye sa mag kaparehas na mata, may pasa rin siya sa kaniyang mag kabilang pisngi at ang kaliwang kilay niya na may sugat.

"Che! Kumain ka na nga lang jan" Inirapan ko muna siya bago ipag patuloy ulit ang pag babalat ng apple. Ayaw niya daw kasi ng may balat, maarteng lalaki eh nandon nga ang sustansiya.

"Elise ayos ka lang ba?" Napaangat ang tingin ko kay Marcus na ngayon ay seryoso ng nakatingin sakin. Ang totoo niyan hindi ako ayos, sa tuwing maaalala ko ang malulungkot na mata ni Drake ay parang dinudurog ang puso ko, dahil ako ang may gawa non sa kaniya. Napaka walang kwenta kong girlfriend, hindi niya deserve ang lungkot na nadarama ngayon.

"Oo naman, bakit naman ako hindi magiging okay?" Ngumiti pa ako sa kaniya, kahit sa totoo lang ay nasasaktan na ako dahil sa ginawa ko kay Drake.

Tumango na lamang siya sakin bago muling ibaling ang atensyon sa kinakaing apple. Nakaramdam ako ng gutom kaya nag paalam muna ako kay Marcus na manananghalian muna ako, nakalimutan ko na tuloy kumain dahil sa nangyari kanina.

Nag pumilit si Marcus na samahan ako, pero ako na ang tumanggi. Hindi pa maayos ang kaniyang kalagayan, alam ko yun, pinipilit lang niya ako na okay na siya pero sa totoo lang hindi pa. Bakas naman kasi sa kaniyang natamong mga sugat. Para siyang binugbog ng limang tao.

Lumabas na ako at dumeretsyo sa isa sa mga restaurant dito. Umorder lang ako sa counter ng ordinaryong pananghalian at kinain na ito ng maiserve na sakin. Susubo pa sana ako ng may marinig ako na boses na pamilyar na mukhang papasok dito.

"Drake ano ang gusto mo? Ako na ang oorder alam kong hindi mo pa kaya" Malanding saad ni Malandy kay Drake, habang nakalingkis ang mga kamay ni Malandy sa braso ni Drake.

Oh~talaga nga namang walang pinipiling lugar ang mga ahas, mapa beach pala ay merong ahas. Habang nakatingin ako sa kanila ng matalim ay biglang napalingon si Drake ko direksyon ko. Bigla niyang inalis ang kamay ni Malande este Malandy sa kaniyang mga braso. Biglang lumakad sa direksyon ko si Drake kaya agad na akong tumayo at napag desisyunan na hindi na tapusin ang aking pananghalian.

Hindi pa ako nakakahakbang ng tatlo ay biglang humarang sa harapan ko si Drake. Walang mababakasan na emosyon ang kaniyang mukha pero ang kaniyang mga mata ay nag susumigaw sa dami ng emosyon na naroroon.

"Mag usap naman tayo Luv oh" Lumambot ang kaniyang mukha ng sinabi niya ang mga katagang iyon. Pinilit ko na wag maiyak sa harap niya at panatilihing ang blanko kong mukha.

"Wala na tayong dapat pag usapan pa, kitang kita ko na nag papalandi ka diyan sa babaeng malandy na yan, naisip ko tuloy na ako ba ang gusto mo o ang malande na yan? Sabagay paaanhin pa ang ilang years nating pag sasama kung may mga malalande naman diyan sa paligid diba?" Walang emosyon ko pa ring saad. Please luha wag na wag kang tutulo pakiusap.

Lalagpasan ko pa sana siya pero hinigit niya ako at muling hinarap sa kaniya. Galit ngayon ang mababakasan sa kaniyang mukha. Napangiwi ako dahil sa mahigpit na hawak niya saking braso.

"Eh ano yung nakita ko kanina ha?! Nung mag kasama kayo ng hayop na Marcus na yun?! Hindi ba pag lalandian din ang tawag dun?! Isa ka din naman palang malan--" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sinampal ng malakas. 

Ang kapal ng mukha niya na sabihan akong malandi! Eh siya nga lang ang mahal ko.Tsaka hindi ba pwedeng namiss ko lang ng sobra ang matalik kong kaibigan? Yan naman talaga ang problema sa mga tao eh, nanghuhusga agad eh hindi naman nila alam ang totoo. 

Yung sa panghuhusga ko kay Malandy ay totoo simula ng naging kami ay nilalandi niya na talaga si Drake.

Agad tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata. Napabitaw naman siya ng pag kakahawak sakin ng masampal ko siya. 

Nakabaling pa rin ang kaniyang mukha sa kanan. Para siyang nanigas na lang sa kinatatayuang iyon.

"Anong karapatan mo na tawagin akong malandi ha?! Tangina naman Drake ikaw lang ang mahal ko at hindi ako nag papalandi sa iba?! Hindi ba pwedeng namiss ko lang yung tao dahil sa tagal naming hindi pag kikita?! Alam mo naman na kaibigan ko siya diba? Ipinaintindi ko naman sayo dati. Pero ba't ngayon? Parang ako pa ata ang mali? Ako malandi? Tangina Drake baka gusto mong ipamukha ko sayo na kayong dalawa ng hayop na Malandy na yan ang MALANDI!"

Biglang nag bagsakan ang sandamakmak na luha ko. Mabilis akong tumalikod at tumakbo palabas ng restaurant. Hindi inaalintana ang mga taong napapatingin sa gawi ko.

Mabilis aking dumeretyo sa Cavin na kinuha ko kanina. Sana mag kaparehas kami ng Cavin pero dahil nga sa nangyari nag kaiba kami. Sina Harris at Aliah hindi ko alam kung nasan, bahala muna sila.

Sumubsob ako sa may kama at dun nag iiyak. Ako pa talaga ang malandi? Tangina ang sakit! Yung taong mahal mo sasabihan ka ng malandi? Sana nabingi na lang ako para di ko naririnig ang mga sinabi niyang yun, sana bulag na lang ako para di ko sila nakikita ni Malandy na yun.

Ang sakit! Parang sinisibak sa sakit ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko.

Ayos lang  Elise, cheer up magiging maayos din ang lahat. Sana nga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You ForeverWhere stories live. Discover now