Prologue of AP

7 0 0
                                    


"Ang pogi!" nakakahiya talaga itong kaibigan ko. Pang ilang beses na
nya iyang sinabi at parang yelo na natutunaw sa upuan nya.

"Pwede ba? Laiza manahimik ka nga gad! Ang sarap mong sabunutan" napapahilamos na lang ako ng mukha dahil sa ginagawa nya.

Kanina pa ako naiiyamot dito sa katabi ko and sa ilang mga babae na kanina pa din nakatitig sa limang lalaki na nasa kabilang table.

The heck? Mga walang taste. Nasabsabi ko sa sarili ko at napapa-iling.

"Lia enjoy kaba?" dumating sila kuya Lio at ang girlfriend nyang si ate Mixia. Sinagot ko lang ito ng "what do you think you couple?".

Tumawa pa ang couple dahil sa balik kong tanong sa kanila. Halata naman kase siguro na naiirita na ako kanina pa sa mga babae dahil sa NAPAKAlagkit na binibigay nilang tingin sa mga unggoy sa kabilang table kung nasan ang limang lalaki.

"Okay guys! Are you enjoying the party?" tanong ni ate Mixia. Nagsisigawan naman ang mga babae ng "oo" samantala ako matapos nilang sumigaw at wala ng ingay ay sumigaw din ako. Yun nga lang kabaliktaran ng mga sinigaw nila "its not enjoying ate Mixia! There so many monkey here!" tsaka ako tumingin sa table kung nasan ang limang lalaki.

Sana naman makaramdam sila na sila yung tinutukoy ko.

"Joker ka talaga kahit kelan Lia hahahah" fake nyang tawa.

Duh! Pano ba naman kase magiging masaya ang party kung ang atensyon ng mga babae ay nandun sa limang lalaki.

I thought this party is held because of kuya Lio and ate Mixia? Pero ang nagiging center of atension ay ang limang unggoy.

Speaking of this party, biglaan lang talaga ito. I really don't know the meaning of this party. Basta ang sabi nila mag-paparty at sa mismong party na nila sasabihin kung bakit sila nagpaparty. So yeah! Yun lang ang inaabangan ko sa araw na ito, sa party na ito.

Nakakapagod kaya kung ikaw ang mag-ayos ng biglaang party!. Ang sarap sarap ng pagkakasilay ko sa crush ko kanina sa office ng bigla akong tinawagan ni kuya para dito, sana lang maganda ang reason kung bakit may pabiglaan silang party.

"Psst! Give me that" sabi ko sa waiter na may dala dalang isang bose ng red wine. "Sorry ma'am pero dadalhan ko na lang po kayo sa kabilang table po kase ito eh hehehe" sabi ng waiter.

"I. Dont. Care!" tinarayan ko na lang yung waiter at kinuha na yung wine. Nag-sign pa akong umalis na siya and he did.

Hay! Nakakatamad na dito sa party. Ako na lamang ang nandito sa table dahil lahat ng mga tao ay nasa may dancefloor para sumayaw. Medyo malabo na ang paningin ko pero kaya ko pa naman.

Wala pa naman sa kalahati ang naiinom ko ah?! Tanong ko sa sarili ko. Tsk!

"Gusto mo na bang magpahinga Lia?" nag-sign lang ako kay kuya lio ng hindi ng tanungin niya ako umalis din agad ito at bumalik sa girlfriend nya.

I know na medyo malabo na ang maga ko pero kaya ko pa naman ang sarili ko. I'm not the type of person na pagka-inom deretso sa utak, di ako baliw para gawin yun, alam ko na hanggang tyan lang dapat ang alak.

Ugh! Ayoko ng uminom..

Nakapalumbaba ako sa table habang isa isang pinagmamasdan ang mga tao. Ang saya saya ng lahat. Sana all!. Kahit yung kaibigan ko abot langit ang ngiti pero ako heto lumagpas sa lupa ang kainisan sa lahat ng bagay pati dun.... Sa limang unggoy.

Speaking of limang unggoy. Tumingin ako sa table nila pero tanging iisa lamng ang nandun. Yung pinaka-may itsura sa lima at pustahan tayo yan din ang pinakamasungit, tahimik at masama sa lima.

Hahaha! Natatawa na lamang ako sa sarili ko dahil sa panghuhusga ko sa lalaki.

I stared at him. Naka-titig lang ako sa kanya ng makita ko syang tumingin din sa akin. I didn't avoid his eyes, instead mas lalo ko syang tinitigan.

His eyes.... I can't see or feel any emotion. I can't sense anything. Tsk! Ang galing nyang magtago. Sa lahat ng taong nakatitigan ko sya pa lang ang unang taong hindi ko mabasa ang mata. He's so secretive. Good for him, no one will know his how he feels.

Umiwas ako ng tingin ng makita ko syang mag-smirk.

I'm not interested to you dude! Sabi ko sa isipan ko.

"So guys can I have your attention please?" si ate ang nagsasalita sa may stage malapit sa dancefloor. Nagsitingan ang mga kanina pa sumasayaw tsaka tumahimik. Kahit ang nag-iisang unggoy sa table na katabi ko ay natuon na ang tingin kay ate Mixia.

Yan na siguro ang gusto nyang i-announce. Tsk! Mula sa ngiti nya parang alam ko na ang gusto nyang i-announce. Natutuwa pa ako sa naiisip kong gusto nyang i-announce. I should prepare their wedding now tsk!.

"Lio and I decided to........ Break up"

"Fuck!" nasigaw ko dahilan para mapatingin sa akin ang mga nandito. Hindi yun ang inaasahan kong sasabihin ni ate Mixia.

Nagloloko lang naman sya diba? Tanong ko sa isipan ko pero hindi. Totoo ang sinabi nya. Nakikita kong tumitulo na ang luha nya pero pinipilit nyang kumalma at ngumiti.

Gusto pang magsalita ni ate Mixia pro hindi niya kaya. Gad! Where is kuya Lio? Alam ba nya toh? Oh yeah for sure they decided to break up nga eh.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin si kuya. And there, in the dancefloor I saw him crying. Nakatingin ito kay ate Mixia at nakangiti ng peke.

Lumapit ako kay kuya, tumakbo pa ako at inis na inis na nakipag-siksikan sa mga tao na nakapalibot kay kuya. "Fuck! Tumabi nga kayo!" sigaw ko. I don't care kung galit sila sa akin basta gusto ko syang puntahan.

Nasa tapat ko na si kuya. He looked at me with his eyes full of tears. Agad ko syang niyakap. I don't know kung paano ko sya mapapatahan. "Everything will be okay" sabi ko tsaka tumingin kay ate Mixia na hindi mapigil ang pag-iyak

"Everything is okay" napatingin ako sa nagsalita. Fuck him! How can he say na okay ang lahat kung umiiyak ang dalawa?

"Stop crying gago. You don't look innocent to me even you're crying tsk! Your bad at acting" dagdag ng lalaki. Ngayon medyo nakilala ko na sya. Isa sya sa mga unggoy at ang nakatitigan ko pang unggoy.

Aesthetically PlannedWhere stories live. Discover now