I Just Loved Again- My reaction
Hi Miss Jhing! Ako yung nag-tweet kanina na gustong magbigay ng long reaction sa IJLA. Kasi sobra sobra yung feels. Sobrang apektado ako. HAHAHAHA Pero natatakot ako kasi 'di ko alam kung may sense ba 'yung sinasabi ko. Ayaw ko namang masabihan na react ng react 'di naman alam yung depth ng story. Hahaha. Pero gagawin ko pa din kasi haaaaaayyyy, di na kinaya ng puso ko. LOL
------------------------------------------------------
This reaction may not be so long. But I'll try my best to have some sense here. Hehehe. I'm sorry if there will be disappointments.
Before IJLA, there's IJL or I Just Loved. Yung generation ni Jazz, Toby, Femi, Rico and Gale. Na napakagulo ng barkadahan. Si Jazz na may gusto kay Rico. Si Rico na may gusto kay Gale, na naging best friend si Femi. Na si Femi na may gusto kay Rico. Na si Gale na may gusto kay Toby na biglang nagkagusto kay Rico. Na si Toby ay may gusto kay Jazz. Hay ang gulo. But I was really entertained by that. Ayun pa yung time na nabasa ko yung pumunta silang island na sabi magpapagawa o magpapaayos daw ng bahay si author (di ako sure kung ayun pa yung nakasulat sa IJL ngayon). Syempre, isa lang ang mapagbibigyan sa kanila. Sabi nga sa bawat 10 tao na nagmamahal, dalawa lang ang nagiging masaya. At si Gale at Rico yun. Then, nagkaroon na din ng story si Femi with JT. And Jazz with my fafa Kent (sorry puma-fan girl). Later on, nagkaroon din, sa wakas, ng story si Toby. Although kay Toby yung pinakamasakit para sa'kin sa kanilang barkadahan.
Then nagkaroon ng I Just Loved Too. Happiness. Yes! Second generation na ito. Sobrang light lang ng story. As in puro kilig lang. Hindi naman 'puro kilig' pero alam niyo yung ang light lang talaga. Yung kapag magbabasa ka nito tanggal ang badtrip mo. Kilig kay Hans. Kilig kay Ken. Kilig din ng medyo kay Paris. Yung kahit may problema, masaya pa din naman. Sabi ko pa nga na si Ken at Ahn ang cutest couple in the making. Tapos yung kay Iya na, maiinlove sa hindi niya inaakalang tao, which is Hans. Then, the Epilogue came. My heart just shatters.
Bali kasi hindi ko pa natatapos ang IJLT nung nakita ko sa newsfeed na may 'I Just Loved Again' Na-curious tuloy ako. Akala ko bagong generation. (Lolo na ata Kent nun pag nagkataon. HAHAHA) Haayyy. My own curiosity kills my heart. Fast forward to three years later na pala yon! Nakakaloka! Nabasa ko na yung unang apat na chapter bago ko basahin yung mga huling chapters na hindi ko pa nabasa sa IJLT. Naiyak talaga ako nun. It was Sunday as far as I can remember na nabasa ko ang IJLA. Sobrang sakit.
At first, I was like. What the heck happened? Iba pala talaga. Life brings us turns in life. Yung akala mo, masaya na hindi pa pala. Magugulat ka na lang na ganon pala. It was a nice ending by the way. That was just soooo unexpected. Sabi ko nung nagbabasa ako 'Shetness! Ang galing talaga ni Ate Jhing.' Yung akala mo happy ending, ENDING lang pala! Walang happy. Although, happy ending ang kay Iya and Hans.
Then nagsimula na ang pagiging masokista ko. Inulit ko siyang basahin nung nasa school ako at nagkaklase kami. Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin at nagbabasa ako habang nagkaklase. Mabuti na lang at nasa dulo ako. At naluluha talaga ako.
So enough of my feelings, wala namang may pake. HAHAHA. I wanted to react about Ken's action and also with Ahn. Syempre, totoong masakit na ma-reject ka after ng ilang taon mong pagsuyo. Yung pakiramdam mo na pinaghirapan mo, pinagtuunan ng pansin at pinagugulan mo ng panahon, sa dalawang salita biglang magbabago. The words 'I'm sorry' is really not enough. Tama naman don si Ken. Syempre nasaktan siya. Dahil alam niya sa sarili niya na ibinigay naman niya lahat ng effort, at yung pagmamahal niya kay Ahn. The good guy became a jerk. And it was Ahn's doing. Partly.
Pero 'di ba, may karapatan naman talagang tumanggi ang mga babae kapag nililigawan? Hindi naman sinabi na kapag niligawan ka ng lalaki ay may kasiguraduhan na sasagutin mo ito? That's just my opinion kasi base sa actions ni Ken, para sa'kin medyo unfair. May kasalanan si Ahn, yes pero kasi si Paris wala. Unfair na magtanim siya ng galit kay Paris. Dahil wala naman talagang kasalanan si Paris. For Ahn, nagbigay siya ng motibo kay Ken na gusto niya rin ang Kuya nito. Hindi naman siya pine-pressure ng mga taong nakapaligid sa kanya, dahil bata pa siya. Pero hindi ba kapag gusto mo o ayaw mo sa isang tao ay magbibigay ka ng motibo na ayaw o gusto mo sa kanya? For Ahn's case, she gave Ken hope that hopefully some day, at her right age, they will be together. But things turn out just not right.
At nalulungkot ako sa mga nangyayari ngayon, Ken is making Ahn feel like she's worthless and cheap type of a woman. Nainis ako doon sa chapter na pumunta sila sa motel saying Ken that he will forgive Ahn if they have sex. Hindi ako makapaniwala. And of course, si Ahn na nagmana ata sa Tatay niya na tinitiis lang ang lahat ng masasakit na salita mula kay Ken. I mean, may kasalanan si Ahn pero hindi naman tama na ganoon, Ken. Kahit na sinaktan ka niyan, you should still respect her. At ngayon pa na kinasal sila at yung latest update pa na dadalaw si Jazz at Kent sa kanilang dalawa. Haaayy.
But I wonder what will happen kung hindi ni-reject ni Ahn si Ken? Edi walang IJLA. HAHAHA. joke.
Kung um-oo si Ahn kay Ken tapos may feelings pa si Ahn kay Paris, 'di ba parang cheating na rin ang tawag dun? With Ahn's side, she's just being honest with her feelings. And with Ken syempre nilalabas niya lang lahat ng sakit na naramdaman niya. He's not aiming for getting even (I hope so), he's aiming to know what she really feels. Baka naman.. Malay naman natin...mahal pa naman talaga nila ang isa't isa. Ken's heart is just clouded with his pride.
Maybe I am over reacting but I can't contain my emotions anymore. Wala naman kasi akong ka-kwentuhan tungkol sa IJLA. Ako lang ang nasasaktan. Hahaha. Ako lang ang nababaliw na tweet ng tweet. Pero hopefully, silang dalawa talaga. I hope Ken will realize his faults before it's too late. Baka kasi mamaya sumuko na si Ahn kay Ken. Baka ma-realize ni Ahn, that Ken will never forgive so she will decide to give up her feelings too. Haaaayyy...
I hope for a great ending, no matter what. Hehehehe. Umpisa pa lang naman 'yan. Sabi nga dun sa isang quote sa 'The Fault In Our Stars Movie', "If you want to see the rainbow, you have to deal with the rain". Kaya naman, if we want a happy ending for them, let's savor their pain first. (Tapos malungkot pa rin pala yung ending? LOL. Wasak ang puso.)
Anyway, I really admire you Miss Jhing. Hahaha Thank you for creatng such wonderful story. Yung nasasaktan na nga ako sa binabasa ko pero pinagpapatuloy ko pa din. Hahaha. I don't know what flattery words should I gave to you kasi hindi mo na po kailangan yun. Natural na talaga ang talent mo.
So ayun lang po. Hindi ko alam kung paano pa ieexplain ang nararamdaman ko ngayon sa IJLA. Yung tipong matutulog na lang ako, aalalahanin ko pa si Ahn kung kumusta na ang puso niya?