Naglalakad pauwi sa bahay nila si Clyde, nakasimangot siya at sinisipa ang malilit na batong nakaharang sa dinaraanan niya, nakayuko siya dahil pinagtitinginan siya ng mga tao.May nangyari kasi kanina sa Quadrangle ng eskwelahan nila kanina. Niyaya siya ng kanyang girlfriend sa gitna at biglang sinabi na, “Listen everyone,itong lalake na 'to. Hindi ko naman talaga minahal e pinaglaruan ko lang siya at pinerahan, uto uto ang lalakeng ito! Isa siyang poor guy na nagpapanggap na mayaman.” Sabi ng babae, napatahimik si Clyde at namumula na sa sobrang hiya.
"Tapos na tayo poor boy, kilala mo ba ang anak ng may-ari ng School na ito? Siya talaga ang totoong boyfriend ko. Umalis ka na sa harapan ko, NOW!" Sigaw pa ng babae sa harapan niya.
Tinapos lang ni Clyde ang klase niya bago naglakad pauwi, kapag dumadaan siya ay nagbubulungan ang mga tao.
Dere-deretso lang siya sa paglalakad ng mapadaan siya sa isang malaking puno na may maraming bulaklak.
"Hi CLYDE MATTHEW HOWARD.." Sambit ng isang babae na nasa harapan niya, natulala si Clyde na nakatingin sa babae.
"K-Kilala mo ako?" Nakakunot noong tanong ni Clyde, tumango lang ang babae.
"Bro, narinig ko ang nangyari kanina, totoo ba yun?" Tanong ng kaibigan ni Clyde kaya napalingon siya dito.
"Oo bro, saklap nga e masakit." Sagot ni Clyde sa kaibigan niya, "Miss, ano nga'ng panga–" Napatigil siya sa pagsasalita ng makitang wala na ang babae, kinilabutan si Clyde.
"Paanong? Saan na yun nagpunta kaagad? Imposible namang nandoon na yun, ang bilis naman niya maglakad." Nagtatakang tanong ni Clyde sa sarili bago siya nagpatuloy sa paglalakad.
— gytearah 🎸

BINABASA MO ANG
Mysterious Girl Of My Life
Fantasy[COMPLETED] ✓ Every blink of a firefly's light say's... believe. She's all about mystery, adventure and risk. And her heart was wild and full of magic. Na inlove siya sa isang babaeng nakilala niya ng hindi sinasadya, isang babaeng hindi niya alam...