CHAPTER 4

63 6 1
                                    

CHAPTER 4

CLYDE MATTHEW'S POV

Nakayakap pa din siya sa akin habang nagsusulat ako , naramdaman kong basa ang damit ko , ibig sabihin ay umiiyak siya. Tiningnan ko siya , nakapikit lang siya pero alam kong gising pa siya dahil lumuluha siya.

Ang sakit tingnan na umiiyak ang babae , parang nakakadurog ng puso, pinunasan ko ang luha niya gamit ang daliri ko , napamulat siya.  

" Ngiti ka naman oh. 'wag ka na umiyak , makakabalik ka rin sa kaharian niyo at mayayakap mo ulit ang pamilya mo. " Sabi ko at niyakap siya.

" Thank you Mat Mat. Thank you so much. " Sabi pa niya at niyakap din ako.

Tinapos ko na agad ang assignment ko dahil medyo malalim na ang gabi. Nakatulog na din si Kaye habang nakayakap sa akin. Dahan dahan ko siyang binuhat at inihiga sa tabi ni Cindy.

Hindi na ako nakatulog hanggang umaga. Tuwing pipikit ako ay mukha ni Kaye ang nakikita ko.

Mag aalas kwatro na ng umaga , bumangon na lang ako at nagluto na , konti na lang pala ang bigas namin at ulam , mamimili na lang ako mamaya. Sabado naman ngayon.

" Good morning Kuya , ang aga mo naman gumising , Wala ka naman pong pasok. " Sabi ni Cindy

" Hindi ako makatulog baby. Maraming gumugulo sa isipan ko. " Sabi ko

" Katulad ng ano Kuya ? Bakit ka nag iisip masyado , tatanda ka kaagad niyan. "

" Hindi mapigilan baby e. Maupo ka na d'yan at ipagtitimpla kita ng gatas. " Sabi ko at sumunod naman siya kaya nagtimpla ako ng gatas niya at kape ko.

" Kuya , pupunta ba tayo mamaya sa palengke ? Nakakamiss na pumunta doon e boring po dito buong linggo Kuya. "

" Mamaya bibili tayo ng coloring book at krayola , bibili din tayo ng papel at lapis mo para matuto ka lalo magsulat para kapag papasok ka na ay magaling ka na. Ayos ba yun ? " Tanong ko

" Ayos na ayos syempre kuya , isasama po ba natin si ate Kaye ? " Tanong ni Cindy

" Oo , kung gusto niya e 'di isasama natin siya. " Sabi ko sabay higop ng kape , sinangag ko ang natirang kanin kagabi at nagluto ng itlog at tuyo.

" Kuya , ang bango ng ulam , nagugutom na po ako. " Sabi ni Cindy

" Sige , Kain ka na. Ipaghahanda na kita ng agahan. "

" Hindi ka pa po ba sasabay ? " Tanong niya

" Maya maya na ako , hihintayin ko na lang ang ate Kaye mo. "

" Sige po kuya. " Sabi niya at nagsimula ng kumain.

" Good morning. " Bati ni Kaye na kakagising lang

" Good morning. " Bati ko din

" Good morning ate Kaye , Kain ka na po. " Sabi ni Cindy

" Maya maya na , hindi pa ako nagugutom e. " Sabi ni Kaye

" Kape ? Gusto mo ba , ipagtitimpla kita. "

" Sige. " Nakangiti niyang sagot

Ipinagtimpla ko nga siya at paglingon ko sa kanya ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

" Ito na. " Sabi ko at inabot sa kanya

" Salamat. " Sambit niya

" Pupunta kami sa palengke Kaye , sasama ka ba ? " Tanong ko

" Oo Naman , maganda ba dun ? Anong gagawin natin doon ? " Tanong niya

" Bibili ng bigas at ulam saka ng ibang kailangan dito sa bahay. "

Mysterious Girl Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon