CHAPTER 1

115 7 1
                                    

CHAPTER 1

CLYDE MATTHEW's POINT OF VIEW ★

Kakarating ko lang dito sa bahay pero nasa isip ko pa rin ang babaeng nakita ko kanina. Sino yun? Bakit kilala niya ako? Kanina ko lang siya nakita at mukhang bago lang siya dito sa lugar namin.

"Hi Kuya, may pasalubong ka ba sa akin?" Tanong ng batang kapatid ko pero hindi ko siya pinansin dahil nasa isip ko pa rin ang babaeng yun.

"Kuya! Kuya Clyde Matthew!"

"Oh, ano yun? Pasalubong ba, may binili akong lollipop" Sabi ko

"Lollipop na naman? Wala na bang iba Kuya? Butas na ang ngipin ko kakakain n'yan e." Reklamo ng kapatid ko.

"Bukas baby bibilhan kita ng biscuits, 'yan lang kasi ang natirang pera sa akin e, naglakad na nga lang ako pauwi e." Sabi ko

"Ba't kasi si Ate Monique na lang lagi ang binibilhan mo ng kung anu-ano Kuya, Wala ba siyang pambili e 'di ba mayaman sila?" Sabi ni Cindy, bunso kong kapatid.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina, ang sakit naman na seryoso ako tapos niloloko niya lang pala ako. Hindi naman ako nagpanggap na mayaman e ibinibigay ko lang talaga lahat ng hinihinge niya. Sana pala matagal ko ng nalaman na niloloko niya ako para yung mga perang ipinambili ko ng mga luho niya ay ipinambili ko na lang ng mga gusto ng kapatid ko.

"Kuya, magluto ka na po. Gutom na ako. Kanina pa ako hindi kumakain e." Sabi pa ni Cindy

Nagtungo ako sa maliit naming kusina at nagluto ng pagkaing sakto lang sa aming magkapatid.

Dalawa na lang kami ni Cindy.

Si Mama? Hindi na siya bumalik simula nung umalis siya tatlong taon na ang nakakalipas, ang sabi niya ay pupuntahan niya ang Papa namin pero hindi na siya bumalik.

Kuya, antong ulam natin?" Tanong ni Cindy sa akin

"Gulay baby, ano'ng gusto mo? Isawsaw na lang natin sa bagoong?"

"Opo Kuya, masarap po yun. Kuya, puwede po ba akong humiram ng lapis at papel mo? Magsusulat lang po ako." Sabi ni Cindy

"Sige. Kunin mo doon sa bag ko." Sabi ko

Mag-isa lang dito sa bahay ang kapatid ko kapag nasa school ako. Six years old lang siya at mag-isa lang siya palagi dito sa bahay namin, malapit na sa gubat. Hindi ko kasi siya puwedeng isama sa school e bawal dahil Scholar lang ako at baka mawala pa ang Scholarship ko kapag ginawa ko yun.

"Kuya, kain na tayo." Sabi ng kapatid ko. Ganito lang kami palagi at minsan natutulog din akong gutom dahil siyempre uunahin ko ang pagkain ng kapatid ko.

"Matulog ka na baby, gabi na oh."

"K-Kuya, babalikan pa kaya tayo ni Mama? Hindi ba niya tayo love kaya iniwan niya tayo?" Tanong ng kapatid ko, hindi ako nakasagot agad.

Ano'ng sasabihin ko?

"Ahm baby, 'di ba nandito naman si Kuya? Bukas magwo-work ulit si Kuya pagkatapos ng klase tapos masarap yung pagkain natin. Okay? Sige na, matulog ka na." Sabi ko

"Kuya, tingnan mo yung mga ilaw oh. Ang dami-dami nila, ano'ng tawag d'yan?" Tanong pa niya

"Alitaptap 'yan Cindy. Sa gabi lang sila lumalabas."

"Bakit po may dala silang ilaw?"

"Kasi madilim, baka bumangga sila." Tumatawa kong sagot.

Natawa din ang kapatid ko. "Ang corny nun Kuya." Sabi niya, matured na siya mag-isip dahil tinuturuan ko na siya. Mahirap na dahil baka kung ano ang mangyari kapag wala ako sa tabi niya. Labag sa kalooban ko ang iwan siya mag-isa dito kapag pumapasok ako pero wala naman akong magagawa.

Mysterious Girl Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon