INVU

283 5 0
                                    

"Friday night is just toooo awesome, kaya naman girls,

let's parteh parteeehhhh!!!!" Si hailey sabay shot.

" Wohooo!!! cheers, magsaya tayo hanggang umaga!!!" 

Yeah right,.. lasing na rin pati si Trisha.

Ayoko namang mag mukhang KJ kaya, uminom na rin ako.

Pero si Annika... 

?

asan siya? lagi naman siyang nawawala eh, 

" Who told em' na tayo ay gossip, mean, selfish, perfectionist

ect, etc... Let's prove em' wrong, kasi tayo ay"

Nag chorus kami... HATE-ers.

H para kay hailey, A kay Annika, T kay Trisha, at E...

Sa akin. El, inshort for Ella.

" Wala nang demons at feelers. 

We hate INVU, Curse you all!!! lahat kayo!!! Go To Hell!!!"

Sigaw ni Hailey sabay diin nung mga words.

Ah, ang INVU nga pala, worst enemy naming

lahat, pero sa totoo, sila lang. Hindi ko kasi sila kayang kamuhian

eh, lalo na at isa sa kanila ang taong nagpapatibok ng puso ko...

Ewan ko ba kung bakit naging kagalit namin sila.

Hmmm, kailan nga ba??? 

Siguro nung natapunan ni Von ng Tea si Hailey,

O, nang natalo ni Nic si Trisha sa Quiz bee???

Pwede rin nung pina iyak ni Ian si Annika sa stage.

Basta ang alam ko, hindi ko malilimutan ang araw na naging kami...

ng Prince Chaming ko. Si Yuu...

Pero siyempre, secret ko lang to. Isa kasi sa rules ng HATE-ers na

NO BOYFIEEESS, allowed. Si HAiley ang nag decide nun, kaya hindi na kami umangal...

7 years na yung relationship namin, na nag simula nung grade 3 pa lang ako... naaalala ko pa yun.

---------------------------------Flash back---------------------------------------------------

Pasko noon, birthday din ng kaisa isang anak ni Tita Chery at Tito Roldan. Family friend sila namin, at business partner din.

Matagal ko ng kilala si Yoo, ang anak nila pero malimit kaming mag-usap, tapos habang nag lulunch sina Mommy, niyaya niya ako sa labas ng Mansion. Sumunod naman ako.

" Yoo, ano bang sasabihin mo???" Sabi ko habang kumakain ng Lolipop.

Imbes na magsalita siya ay hinalikan niya ako sa cheeks.

" Bakit mo ginawa yun Yoo?" Pinahiran ko pa yung pisngi ko.

" Nanood kasi ako kahapon ng Movie eh, nakita kong hinalikan ng boy ang girl, tapos nagkababy sila." Kinuha niya yung braso ko.

" Halika, punta tayong hospital, tingnan natin kung may baby ka na..."

" Ayoko pang magkababy, sabi ni Mommy bad ang magkababy kung bata ka pa..."

Tapos umiyak ako, sinubukan ko ring pumalag pero pumara siya ng taxi. Habang sa loob kami  ng taxi, iyak lang ako ng iyak, pero siya parang wala lang. Nakikinig lang siya ng music sa phone niya.

Nang makarating na kami sa hospital, hinarangan kami ng guard. Hindi raw pwedeng gumagala ang mga bata sa hospital ng walang guardian.

Sinagot siya ni Yuu ng, 

" Hindi na ako bata. May anak na nga ako eh, pupunta kami ng obygyne, Titingnan namin kung buntis na siya." Tinuro niya ako.

Humalakhak lang si Manong guard ng malakas. Ako naman, tumigil sa pag-iyak. Nakita ko kasi si Doc Mitch, ang pediatrician ko. 

" Doc!!!" Sigaw ko tapos pumunta ako palapit sa kanya at nag hug.

" O, baby girl, anong ginagawa mo rito??? at sinong kasama mo?" sinubukan niya akong buhatin pero pinigilan siya ni Yuu.

" Dahan dahan lang po, buntis po siya." Sabi ni Yuu.

Hindi alam ni Doc Mitch kung matatawa ba siya o magagalit...

" Ha? Paano? Sino? " Sunod-sunod na tanong niya. Halatang nagpapanic.

" Si Yuu po, sabi niya may baby na raw sa tummy ko. Hinalikan niya po ako." Umiyak ulit ako.

" Hindi na po ba ako baby kasi may baby na ako? Magagalit po ba si Mommy?"

" Ano pang nangyari maliban sa hinalikan ka niya???" 

Nangangambang tanong ni Doc Mitch, habang si Yuu, kumakain na ng lolipop. Ewan ko nga kung saan niya kinuha...

"Dinala po niya ako sa likod ng bahay..." Sabi ko habang nagpipigil ng iyak

" Huwwwwaaaat!!!!!!!! tapos??? may nangyari??? ano? Sabihin mo???" Hindi makapaniwalang tanong ni Doc Mitch.

" Hinalikan ko siya. " Sabi ni Yuu.

" Yun lang talaga???" Tanong ni Doc Mitch.

" Opo..." Sagot ko.

" Hay, mga bata talaga... saan mo naman nalaman na kung hahalikan mo yung girl ay mabubuntis???" Tanong niya kay Yuu.

" Sa movie po..." Sagot ni Yuu.

" Huwag niyong gagayahin ang mga napapanood niyo ha? Masama yan. Hali na nga kayo, papara ako ng taxi." Sabi ni Doc Mitch.

"Teka, hindi pa po namin alam kung may baby na kaming dalawa..." Pagmamatigas ni Yuu.

Yumuko si Doc Mitch at hinawakan kami sa ulo...

" Alam niyo, kung mamahalin at aalagaan niyo ang isa't isa, magkaka baby kayo... Hmmm, mga 15 years from now siguro... 9 years old pa lang kayo eh," Sabi ni Doc Mitch. Tapos nakita kung kumaway siya. Hayan na pala ang Taxi,.. Pumasok kami para magpahatid sa bahay nina Yuu. Pero bago yun, nagkiss muna ako kay Doc Mitch, tapos may ibinulong siya kay Yuu. Ewan lang kung ano.

Ng nasabahay na nila kami, tinanong ko siya kung panu namin palalakihin ang baby 15 years from now. 

" Ang tagal pa nun. Gusto ko lang naman magkababy tayo para may kalaro na ako dito. Baka matanda na tayo pag lumabas siya at hindi na ako naglalaro..." Sagot niya.

Umiyak uli ako.

" Teka teka? bakit ka naman umiiyak???" Tanong niya sa akin...

" Pababayaan mo na ako? Iiwan mo ako tulad nung iniwan ni Daddy si Mommy???" Tanong ko sa kanya

" Siyempre hindi, " May kinuha siya sa bulsa niya." Kita mo tong ring?" Isang plastic na singsing, libre ata sa mga bubot...

" Ingatan mo ito ha? Dahil simula ngayon, boyfriend mo na ako. Hindi kita iiwan tulad ng iba, at tulad nung iniwan ng lalaki ang bida... Mamahalin kita para sayo, at sa baby natin... Okay ba???"

Tapos kiniss niya ako ulit.

Hindi ako umiyak o nagalit, dahil alam kong maliban kay Mommy, may isa pang tao na nagmamahal sa akin... At siya ay si Yuu.

I.N.V.UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon