" Hey, El. Something's wrong? kanina ka pa walang imik diyan eh."
Concerned na tanong ni Hailey... Hay. Kung alam mo lang
kung gaano kalaki ang problema ko. Hmm, pano ko kaya sasabihin
sa kanya ang balak ni Yuu?
" Eh kasi, ummm. Hailzzz, kung, ummm..."
Breathe in, Breathe out. wohooo!!! heto na. sasabihin ko na.
Pero bago nun, kinuha ko muna sa paper bag yung cake.
May class pa sina trisha at Annika kaya kaming dalawa lang ang
magkasama. Andito kami ngayon sa tea shop, kung saan nagmula
ang away nina Hailey at Von. Mas mabuti rito kasi pwede siyang
sumigaw kung saka-sakali, mukhang wa pake naman ang mga tao dito eh,
kaya okay lang.
Hmm. Heto na.
" Hailey, may nagpapabigay sayo..."
Binigay ko sa kanya ang cake ni Yuu. Swerte talaga niya.
Biruin niyo, ginawan pa siya ni Yuu ng sulat...
At gusto ko talagang malaman kung anong laman nun.
" kanino namang freak galing to'" tanong niya...
" basta, basahin mo na lang... may sulat o."
Binuksan niya yung sulat na nakatape sa may box.
For sure, andun yung pangalan ni Yuu kaya kumunot
ang noo niya. Shock siguro. Aba eh, dapat lang!!!
sa libo-libong babae ay siya pa na bestfriend ko ang nagustuhan ng
nag-iisa kong prinsipe.
D;
Tinikman ko yung tea. Hmm. bitter. kasing bitter ng mood ko ngayon.
Pero hindi dahil kay Hailey ha? Hindi ko naman pnersonal ng ganun
ang mga bagay. lalo na pag involve yung mga bestfriend ko,
Pero ewan ko ba kung bakit nasasaktan ako. Siguro nga na
nagseselos ako sa kanya.
Wow, selos agad?! kakabreak lang namin eh.
Tiningnan ko pa kung itatapon na ba niya ang cake,
kasi irerescue ko to at kakainin.
Pero ...
hindi niya tinapon at bunuksan niya ito,
humingi siya ng plates...
huwaaat?!!!! kakainin niya?
Wow naman, iba talaga ang charisma ng Prinsipe ko.
Biruin mo, napapayag niya si Hailey na tanggapin yung cake?!! ano kaya ang laman
ng sulat?
Siguro napakasweet. Kasing sweet nung cake.
Weird.
" Himala hailey! Hindi mo tinapon yung cake kahit
alam mo na kung kanino galing..." Sabi ko
pero sa totoo, gusto kong malaman kung ano yung laman ng sulat.
Imbes na sumagot siya ay nag smile lang siya sakin.
Yung tipong sweet pero mukhang hindi naman siya kinikilig.
Something's wrong.
" Hoy, hailey... scary nung smile mo ha.
ano yung laman??? sige na please, sabihin mo."
" AYOKO!!! secret ko na yun.
Tulad mo? marami ka ring SECRET di ba???" Sabi niya
Iba na talaga to'. May mali na talaga.
Ano ba yung laman ng sulat?!!!!
" Huh?!! Anong ibig mong sabihin HA-hailey???"
" Don't be scared, hindi ako galit."
Sabi niya, habang kinakain ang cake.
I knew her since elementary, and I know
kung may masama siyang plano.....
Kailangan kong mag-ingat.
HMfp!
