Nakapagdesisyon na ako, na after ng class, tatanungin ko na si Hailey
about sa status nila ni Yuu, at kung pwede, ay about din dun sa letter...
" Hailz! Buti naman nakita kita..."
" Buti din at nakita kita, coffee tayo El?"
" Sure,"
-coffee shop-
" Ano nga ba yung sasabihin mo?"
" Uhm, ka-kayo na ba ni Yuu?"
splash.
wrong timing yata ako, naibuga niya yung coffee ng wala sa oras,
" HUH?!!!! bakit kami? akala ko ba kayo...'
akala niya kami? paano niya nalaman na...
" ha? bakit?"
sinabi ba sa kanya ni Yuu and tungkol samin? huraah! naalala ba niya?
" Uhm, never mind, btw, bukas na pala ang flight ni Yuu noh? "
" Flight? saan?"
" Hindi mo ba alam? dun na siya sa England mag-aaral... Ah, sorry
ako lang pala yung sinabihan niya, kaya girl, quiet ka lang ha?"
what?!! dun na siya mag aaral? so ibig sabihin, iiwan niya ako,
at ang masaklap pa, ay si Hailey lang ang sinabihan niya nun, ako, ako na girlfriend
niya at naging parte din ng buhay niya ay hindi...
nag paalam na ako kay Hailey at nagdahilan na may aasikasuhin, pero san ba ako
ngayon pupunta? Hindi naman pwedeng kay Trisha o Annika kasi'hindi naman sila
makakarelate.
So naisip ko, mag bar ng mag isa,
Hindi ko alam kung nakailang bote na ako pero... Ang saya nito, hindi ko
na naalala yung sakit, woooh. Sige, ella, magsaya ka lang...
Shocks. Wala pala akong kasama, so, sinong mag ddrive para sakin?
hindi na ako makatayo. LAsing na talaga ako,
Uuwi na ako? NO! uuwi ako tapos ano? pag gising ko ganito pa rin?
Isa parin akong kawawang nilalang na umaasa sa wala?
tapos bukas, aalis na si Yuu. Iiwan na niya ako,
SIya lang ang buhay ko tapos mawawala pa?
" Isa pa kuya!"
iinumin ko na sana pero may pumigil sakin, tapos, kinuha niya yung baso
at hinila ako palabas.
Hindi ko alam kng sino siya, hindi na ako nakakapag isip ng maayos,
epekto ba to ng alak? Siguro nga, sana magka amnesia na lang ako para
hindi na ako nasasaktan ng ganito.....
Nasa labas na kami ng club, hindi ko na kayang tumayo kaya napasandal na lang
ako sa isang kotse...
Katapusan ko na ata,gagawan ba niya ako ng masama???
Hinahawakan pa rin niya ako, nasa magkabilang side yung kamay niya,
inshort na trap ako...
kahit hindi ko na kayang dumilat ay pinilit ko pa rin...
Yuu, tulungan mo ko,
Tapos, nasilayan ko ang mukhang matagal ko ng hinahangad...
YUU.
" ANO bang problema mo? ha? Ella?!!!"
" Bakit? maypakealam ka? wala naman di ba? so please lang, iwan mo na ako..."
" OO kasi girlfriend kita!"
woah.
" Girlfriend? eh bakit mo niligawan si Hailey?!! alam mo rin palang
tayo eh... ni Hindi mo nga siguro alam kung kelan yung anniversary natin
o kung ilang years na tayo! ang alam mo lang ay paasahin at saktan ako!
Kaya I hate you! galit ako sa yo YUU! ginulo mo lang yung buhay ko.
kaya kakalimutan na kita! "
*kiss
Nananaginip ba ako? si Yuu, he kissed me...
mas lalo na akong nahilo, wait huwag muna! ayo ko pang matumba, climax na to eh!
No way...
then, evrything went black xD
![](https://img.wattpad.com/cover/2065954-288-k119276.jpg)