Chapter 5: Palusot

44 4 2
                                    

Chapter 5

Mendeleev's POV

" Oh, ma , ok na po ba yung porma ko ? "

" Oo naman anak ! Bagay sayo tong polo mo ! Tsaka yung bagong gupit mo ! Manang mana ka talaga sa tatay mo "

" Pabango naman ma oh ? Para talagang magustuhan ako ni Joyce ! "

" Panigurado yan, nak. Di ba Mendy ? "

Huh ? Ako ba ? Nainterrupt ako sa pagbasa ng story sa wattpad, (My Guardian Angel)..

" Ah, ma ? Di ba ang bata pa ng kapatid ko para diyan ?? I mean, 10 years old palang yan ma, pagliligawin mo na ?! Isang dekada palang tinatagal niyan sa mundo noh ?"

" Anak, di naman kasi to simpleng puppy love lang eh. Di ba Dalton ? " tumingin siya kay Dalton sabay Hi-Five. Haaiist.. kawawa naman kapatid ko.

"Eh kasi naman si ate, " singit ng magaling kong kapatid " Si ate, BITTER!"

"Anong bitter ? Tumigil ka nga diyan ! Gusto mong hambalusin kita ?! Wala ako sa mood makipag lokohan ah ! "

Tumakbo siya paikot ng Corridor ng University, dito nagstastay si Dalton tuwing umaga, since Professor naman dito si Mom and here ako nagaaral. Asan na ba ako ? Ah oo tumakbo siya then hinabol ko siya with matching libro na pamukpok.

"Ate Bitter ! Waaah ! Haha !" Finally nahabol ko siya and nakatikim siya. Huh, akala mo ? Tinadtad ko siya ng hampas, sayang nga di puumutok ulo ng Epal kong kapatid.

" Aray ! Eh, totoo naman eh ! Di ka pa rin maka get over sa break up niyo ni Tyron !"

Natigilan ako bigla. Ako, di makamove on ?! Excuse me.. Hmmf.. Tagal na kaya nun . Matagal niya na kong sinaktan. Matagal nya na kong niloko. Matagal ko na siyang --- minahal.

My mom breaks the silence, " Oy, Dalton naaman kasi. Halika nga dito. " lumapit nga sya kay ma, wala na. Sira na araw ko. " Dalton, nak. Di ba sabi ko sayo ' don't say bad words ? ' di ba ? Sorry ka sa ate. " Declared as 'bad word' ang 'Tyron' sa amin.

" Sorry na ate "

Ngumiti ako, sabay simangot " Good luck na lang kay Joyce! " Then ginulo ko yung buhok niyang isang oras niyang inayos. Takbooooo !

***

Haisst.. Stress free sana ang day na to, may program kasi kaya half day lang kami. Asan na ba ang DSLR ? Nabuwiset na kasi ako sa kapatid ko. Past is past. Tsaka ano eh.. Tapos .. basta ! Hay nako. Di na tuloy siya nawala sa utak ko.

Pababa na ko ng stair ng may narinig ako sa baba. Nasa hagdan pa ako, sumilip ako ng onti. May kumakanta, pero di ko pa rin makita kung sino,

I wanna make you smile whenever your sad

carry you around when your arthritis is bad

Shet, naalala ko si Daniel Padilla ko ! Pero, sino ba kasi yun ? I stepped another step pababa. Pagkasilip ko, si Meir pala. Siya ? Kumakanta ?

All I wanna do is grow old with you

I'm sure matutuwa ang DSLR pag nalaman nila to, I will take a picture of him first. Nung napicturan ko na siya gamit yung phone ko, zinoom ko. Then zoom. At isa pang Zoom. May pagkamysterious pa rin siya. And may itsura siya. Di ko napapansin, ang tagal ko na palang nakatitig sa picture niya.

Nakatitig pa ako sa phone ko nung may nanggulat sa akin, si Kyle Anne pala, President ng student council. Napatili ako ng bahagya sabay tago ng phone ko. Di niya pedeng makita yung picture niya, baka sabihin niya stalker ako noh. The bad news is tumigil din sa pagkanta si Meir. Oh my, what if nakita niya kong nakasilip sa kanya ?

Hinatak ko si Kyle paakyat agad-agad making sure di kami mahahalata. At di pa kamo ako nakuntento, hinatak ko pa siya sa nearest room.

" Uy, Mendy ano bang trip mo ha ?"

Aw, anong palusot ko ? Ahm.. maling galaw baka parusahan pa ko ni Ms. President. " Ipis ! Ah, oo .. kasi may ipis ! Tapos, ano .. nilayo ko lang siya sayo. Oo. Hehe. " Ipis ? yun talaga ? hayaan mo na nga, sana lumusot.

"Ipis ? Ah, ok " Hooh.. Good thing. " Ah wait Mendy ! "

Oh, may pahabol pa. " Ano yun ? "

" Ano yung tinitignan mo sa phone mo kanina ? Patingin ! " sabay habol sa phone kong nasa left hand ko pa . What ? No ! Makikita niya eh ! Tinaas ko yung kamay ko, para di niya maabog. Buti nalang pinagpala ako sa height. Ha ! " Mendy, patingin ! Sige na ! Crush mo noh ? "

Oops ! Naabot niya. Nakita niya ! Hala ! Wala na akong palusot ! Oh no, tinitigan niya yung pic. Zinoom pa ! Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Napa-facepalm nalang ako. Sabi niya, " Bakit mo naman kailangang itago ? Eh Daniel Padilla lang naman pala."

Nanlaki mata ko bigla. Anong sabi niya ?? Information Loading - ⅔%

Hinarap niya sa akin yung phone. Picture nga ni Ford nung nasa Dos Concert niya. Pero, Pe.. Pero .. ?

" Akala ko naman kung ano ! Haha ! " sabi ni Kyle Anne.

Information loading 100% .. Ah, naswipe ko nga pala yun nung tinaas ko. Genius ko talaga. Hinablot ko yung phone ko, delikado na eh. Umupo kami, sabi niya " Pero alam mo, ang akala ko ko talaga kasi, si Meir yun ! Hahaha ! Yung cute guy ? Baliw na ata ako. "

May point ka dyan, hehe. Muntik mo na nga kong madale eh. Pero, anong care niya sa kanya ? Gusto niya si Meir ? Ano ka ba naman mendy ! Ikaw ang walang care. So, what naman di ba ?

Nagkwentuhan nalang kami all the time, about sa upcoming album ni Dj. Mag-iipon nga ko. Then may narinig pa kaming footsteps, si Meir.

Bago pa siya makalapit , eexit nalang ako. Play safe. " Ah, Kyle. Sige mauna na ko. May program pa diba ? Manonood lang ako, bye. "

umexit ako sa left part ng building, countering the place kung nasaan si Meir. Pero, kahit ginawa ko na yun.. Nakasanggi ko nanaman siya !

" Ay, sorry. " Bakit ka pa kasi dito dumaan ?! Teka, bakit mendy? Sayo ba yung building ? Aba sumasagot ka pa ah ?! Nababaliw na ata ko. Bakit ko nga ba siya iniiwasan ?!

Anyways, nung nagkabanggaan kami, bumaba agad ako malihis lang sa kanya.

" Uhm, Mendeleev ?"

Oh, ano na naman ba ? Lumingon ako and SHOCKS ! Nasa kanya yung phone ko !

" Why do you have -- a picture of mine ?? "

*-*

KatsumiIvy ~

Kaway kaway ! Hi sa Bestfriend/non biological sister kong dyosa si Kyle Anne Marie Pasno !! :* follow her sa watty -> ilysmpadilla

medyo feel ko gumawa ng horror story ah, :3 next tym .. Si Mendz nga pala sa top :)

Suggestions ? Comment ! Vote !! thenkyaaah ..

Project: Lie For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon