PROLOGUE
Sa pagiging inlove mo nasasaktan ka dahil LOVE na yan pero sana yung mga seryoso para din sa mga taong mga seryoso, yung mga maloloko para sa mga manloloko at sana sa mga katulad ko makahanap ng totoong pagmamahal "It would be cute if you felt the same, but i still remember the feelings i felt when i first started talking to you."
CHAPTER 1
Isang iglap nainlove ako sa isang lalaking kahit minsan hindi ko nakitang nakikihalubilo sa mga babae pero para sa kin gustong gusto ko sya yung personality nya para sakin naiiba sa mga lalaking nakilala ko matalino sa math, magaling magitara, mahilig sa old music gayang AIR SUPPLY lagi ko yun naririnig pagpinapatugtog nya, ako nga pala si Dorine Morales mahilig ako sa K-POP gaya ng EXO, GG, 2ne1 at SUPER JUNIOR pero gusto ko din ng mga music nila DAVID POMERANZ kasi ang sarap pakinggan mafefeel mo yung bawat words and meaning . Pero isang araw August 18,2014 monday, simula ulit tumibok ang puso ko ng ganito na parang maririnig ng buong klase at dahil yun sa taong hindi ko akalain na sa kanya ulit titibok tong puso ko. Hindi ko alam kung bakit nangyari yun UNEXPECTED FEELINGS kala ko hanggang dun lang yun.
August 20,2014 wednesday .Kinausap ako ni Ramsic Casquejo, yan ang pangalan nia unique no?!, pero bigla nya kong kinausap dahil sa dala kong project namin
"Ganda naman ng gawa mo." sabay ngiti
"ha? hindi no."
"Yung ibon parang Twitter" sabi nya sabay tawa
Sabi ko nalang sa sarili ko "Oo nga no." Dahil para nga namang twitter hahhaha , at dun nagend ang conversation namin pero kahit saglit lang yun kinilig ako ang sarap sa pakiramdam kaya ang saya ko nung araw na yun. Pag katapos nang klase sabay sabay na kaming umuwi nila Sam at A ngel at kwinento ko sa kanila yung naging feeling ko kay Ramsic .
Sana maging maganda ang araw ko para bukas .
CHAPTER 2
Ang saya ko pagpasok sa room. Pero nagdidiscuss na c Sir nung pumasok ako late din nun si Xyra , nasaktan ako sa mga kwinento nya konti nalang tutulo na luha ko gustong gusto nya pala si Ramsic, isang iglap nagbago yung mga nararamdaman ko puro sakit dahil kinuha daw ni Ramsic ung number nya at nagkakausap sila ng matagal ako hanggang tingin nalang... Makalipas ang oras uwian na
"Bakit ang tamlay mo Dorine?" Tanong ni Carla
umiiling lang ako na ang ibig sabihin ay wala naninibago sila sakin kasi lagi akong madaldal pagmagkakasama kami pero nung araw na yun ang saklap..
August 22,2014 Nagdala ako ng book kasi mahilig di ako magbasa ang dinala ko ay yung REINCARNATION OF LUCIFER papunta na kami ni Aprille sa school , pagdting ko sa room upo agad at binuksan yung libro at nagbasa, at may nagsalita sa likod ko.. bumilis anaman tibok ng puso ko.
"Seryoso magbasa .. "
napatingin ako sa likod at si Ramsic pala, at ngumiti sya sakin pagtalikod ko kung ano ng expression ng mukha ko sa sobrang kilig, nasa timing din to.. ayey.. sobrang saya ko na nung araw na yun Lord THANK YOU po ..