I.
BEEEEEP!! BEEEEEP!! BEEEEP!!!
Naririnig ko ang busina ng mga sasakyan dahil sa pag tawid ko ngunit wala akong pakialam...
Patuloy lamang ako sa pag lalakad at hindi ko alam kung saan ako papunta .. Suot suot ko pa rin ang damit na inihanda ko para sana sa date namin ng pinaka mamahal kong si Christian.
Pinaghandaan ko pa naman sana ang gabing ito ngunit di ko inaasahan ang bubungad sa akin pagkadating ko sa tagpuan namin..
FLASHBACK
"Ma!!!!!" Naririnig ko ang bilis na pagtakbo ni mama paakyat sa kwarto ko. "C-claire!! Bakit? Anong Problema????" Hinihingal na tanong ni mama. "Whooowww!! Ma! Chill ka lang .. Kasi Ma ano ..uhmmm ..kasi ... waaaaahhhh!!! Di ko po alam kung anong susuotin ko sa date namin ni Christian.. Alam mo naman diba ma minsanan lang yun kung magyaya kasi nga busy sa school so kailangan maganda ako ngayon kaso nga poooooo ... Di ko alam kung anong damit ang pipiliin ko......*sniff* Ma... tulong naman pleaseee????"
" Hay na kong bata ka!! Akala ko naman kung napano ka!!! O siya! Asan ba yong mga damit mo at matingnan ko?"
"YEHEYYYY!!! thank you ma!!! you are the best mom in the world!!!!" sabay lundag at hug. " oo na.. oo na!! wag ka na mambola!!" sabay halik sa pisngi ko.
"Ito po ma oh ... " Sabay pakita sa mga damit na nkakalat sa kama ko. Tiningnan naman ni mama isa isa yung mga napili ko at mukhang hindi nya gusto ang mga yun .. " Masyado naman yatang revealing at sexy ang mga iyan anak ... di kaya ginawin ka nyan?" Tiningnan ko na man ang mga damit.
" Ma naman!!! Ano gustong damit ba ang ipapasuot mo sa akin?? Uso kaya yan hehehehe ..."
Hindi ako pinapansin ni mama. Patuloy pa rin sya sa pag hahanap ng damit para sa akin habang ako naman ay inuumpisahan ng ayusin ang sarili ko.
"Saan ba kayo pupunta ni Christian?"
Napatingin ako bigla kay mama.
" di ko pa po kasi alam na eh!! pero dont worry na behave naman kami eh!! mabait kaya si Christian loves ko .."
Nasa gitna ako ng pag di daydream ng biglang itinapon ni mama ang damit sa mukha ko.
"Aray ma!! Masakit yun ha!"
"hahaha ang oa mo kasi anak!sukatin mo nga yan mukhang maganda yan oara sayo!"
Napatingi naman ako sa damit. Ito yung damit na binigay ng aking bestfriend na si Adrian nung debut ko. Hindi ko pa nga ito nasusuot. Isa itong White Knee length tube dress. Sinukat ko agad ang damit sa CR. Pag kakita ko sa sarili ko namangha ako sa ganda ko ay este sa damit pala. Para akong isang Goddess! Chos!!!
"Ma!!! OMG!!! OMG!!! ang gandaaaa koo!!" Para akong tanga na nag tatalon sa kwarto.. " Che! yung damit ang maganda hindi ikaw!" Bigla naman akong napalingon sa pinto at nakita ko doon ang pinaka alaskador kong best friend si Adrian.
"Hoy panget!! Tumahimik ka jan!! Baka nakakalimotan mong nasa pamamahay kita?."
"oh! tama na yan!! Ang ganda mo ngayon anak mana ka talaga sa akin. hahahah"
" Bleeehhh Adrian! anyway thanks ma!! you are the best!!" Lumapit ako kay mama at binigyan ko sya ng mahigpit na yakap at kiss.
"susss.. nag lalambing pa! Oh siya mag handa ka na! Ikaw adrian pumunta ka sa kusina tulungan mo akong mag luto!!" sabay talikod at labas sa pinto. "OPO auntie!!" Bigla naman akong niyakap nitong pangit kong bestfriend "ang ganda mo ngayon bes! Pag pinaiyak ka talaga ni Christian gigibain ko talaga pag mumukha nun!"
Niyakap ko rin sya pabalik sabay sabing" dont worry bess!! di yan magagawa ni Christian!" pero yun ang inakala ko .
Pagka dating ko sa restaurant na sinabi ni Christian kung saan kami mag kikita, agad ko syang natanaw sa malayo. Nakaharap sya sa salamin habang nakapamaywang. Napakalalim ng kanyang iniisip kaya naman naisip kong surpresahin siya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at bigla ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi, "Hi Babe! How are you?" Unti unti akong nilingon ni Christian at niyakap nya ako ng mahigpit. " I am glad that you came Claire." Medyo kinabahan naman ako sa tono ng kanyang pananalita kaya lang isinantabi ko yun. " Why babe? May problema ba?" Unti unti akong humiwalay sa yakap nya at pilit kong tinitingnan ang mga mata nya ...
May nakita akong mga luha sa mga mata nya ...
Akala ko perfect na ang lahat.Masaya naman kaming nag umpisa. Di ko akalain na ang dahilan pala kung bakit syanakipag kita sa akin ay para sabihing " Sorry Claire! I cannot pretend anymore. I do not love you anymore! Im..... I am inlove with someone else.. Lets end this now.. I an sorry!!" after saying those words he left me dumbfounded. He did not wait for me to utter some words. I just silently cried.
Kaya eto ako ngayon ..... Nakatayo sa isang rooftop. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako dito.
Should I end this pain now?...