II.
Nararamdaman ang lamig ng hangin na humahampas sa aking katawan. Patuloy pa rin akong umiiyak. Napatingin ako sa baba at nakikita ko ang mga nag gagandahang ilaw mula sa mga bahay smat buildings.. Napa tawa ako.....
Napatawa ako sa naisip ko na kikitilin ko ang buhay ko para lamang sa isang napaka walang hiyang lalaki. Napatawa ako ng malakas habang umiiyak..Siguro kung may makakita sa akin dito iisipin nilang baliw na ako. Sinigaw ko lahat ang sakit na nararamdaman ko.
"aaaaaaaahhhhh!!!!! WALANG HIYA KANG HALIPAROT KA!!! ANG PANGIT PANGIT MONG UNGGOY KA!!!! WALANG HIYA KA!!!!!!!! AKALA KO MAHAL MO AKO !! AKALA KO OKAY LANG ANG LAHAT!! BAKIT GANYAN KA!!! BIGLA MO AKONG INIWAN!! *sniff* MASAKIT ! ALAM MO BA YON!!! NAPAKA GAGO MO!! MATALISOD KA SANA!!! URGHHHHHH!!!!! NAKAKINIS NAKAKAINIS NAKAKAINISSSSSS----"
"PSH!!!! PWEDE TUMAHIMIK KA?!!"
Napatingin ako bigla sa likod ko. Namangha ako sa nakita ko parang nakita ko sa totoong buhay si damon salvatore!! Automatic na huminto ang mga luha ko.
" Kung gusto mong mag pakamatay tumalon ka na agad!!! Hindi yung sigaw ka ng sigaw jan!!! Napakapangit ng boses mo!! Nkaka distorbo ka !" Napatunganga ako bigla ba labg tumalikod ang lalaki.
"Sandali!" Huminto naman sya bigla sabay lingon. " Bakit?"
"Uhm ano .. *snifff* sorry. Naantala ko yata ang tulog mo.. di ko sinasadya ... sorry huhuhuhuhuhu sorry huhuhuhu" Napa hagulgul na lang ako bigla. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng bigla kong naramdaman ang init ng bisig ng lalaki. Napatingin ako sa kanya bigla. Kumuha sya ng panyo sa buksa at binigay nya sa akin.
" eto panyo.. punasan mo luha mo. kumakalat ang make up mo."
Bigla na man akong nahiya at dalu daling pinunasan ang mga luha ko. Napabitiw naman ang lalaki sa pag yakap sa akin at umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya ng bigla syang nag salita.
" Alam ko masakit yang nararamdaman mo. Pero Naisip mo ba na kaya iniwan ka ng lalaking iniiyakan mo ngayon ay dahil may darating pang mas bagay para sayo... Huwag mong ikulong ang sarili mo sa isang tao na walang ibang ginawa kundi ay saktan ka. Napakalaki ng mundo. Bata ka pa Nas marami ka pang makikita na mas mabuti pa sa kanya at hinding hindi ka sasaktan."
Napatunganga ako hababg nakikinig sa mga sinasabi nya ... Nag karoon ako ng pag kakataon na tingnan ang mukha nya . Napaka amo ng mga mukha nya .. matangos ang ilong at mayroon syang maninipis na nga labi .. Napaka ganda ng kanyang pilik mata .. Habang nasa gitna ako ng pag titig sa kanya ay napalingon sya bigla sa akin. Mas lalong lumitaw ang kanyang kagwapohan. Bigla tuloy akong nahiya sa kanya.
"pabayaan mo na ang lalaking iyon. Hindi sya karapatdapat para sa iyo. Sorry sa inasal ko kanina ha.... uhmm sige alis na ako." Bigla na lang syang tumayo at dahan dahang nag lalakad palayo sa akin.
"S-s-sandali!! anong pangalan mo?"
Lumingon ang lalaki sa akin kumaway. Nag patuloy sya sa kanyang pag lalakad hanggang sa nkarating sya sa may pintuan ng rooftop. Dali dali akong tumayo at akmang pupuntuhan sya ng bigla syang nagsalita.
"Andrei. Andrei ang pangalan ko. Wag kang mag alala mag kikita tayo ulit Claire."
Bigla na lang syang nawala sa harap ko.
"Salamat Andrei. Pero teka kilala nya ako?"
Dali dali akong tumakbo papuntang pinto at bumaba ako sa hagdanan. Kahit anong bilis ko ay hindi ko na sya nakita. Napatingin ako sa kamay ko at nakita ko ang panyo na binigay nya sa akin napangiti ako sa nangyari. Pansamantalang nakalimotan ko ang sakit na nararamdaman ko.
" Andrei.... sino ka ba?"