TANGA: Umasa sa Paasa

23 1 0
                                    

Tanga (pangngalan)

:: nadapa dahil hindi tinitignan ang dinadaanan

:: bumagsak sa test dahil hindi binasa ang instructions

:: naiwanan ang payong kahit alam nang uulan ng malakas

:: naniwala sa mga sinabi ng taong paasa

:: umasa kahit na alam na walang tiyansa

IkawTanga ka ba?

---------------

Story 1:

"Minessage ako ni crush!"

Bakit ba ang gwapo niya?

Ang galing niya pa magbasketball. Ang ganda pa ng boses niya. Ang galing pa maggitara. Nakakaamaze magdrawing. Ang talino pa.

Siyana. Siya natalaga.

Gising na gising siya nang nagsaboy ng talento si God eh. Samantalang ako? Nganga.

"Hoy Sab! Gising!"

Napabaling ang ulo ko kay Juls. "Gising naman ako ah?!"

"Nagdedaydreaming ka na naman kase!"

"Walang pakialamanan!"

Pinanuod ko na lang ulit si Crush habang nagpapractice sila ng mga kagrupo niyang magbasketball. ShootANG GALING MO TALAGA KARL!

"Wag ka ng umasa diyan kay Karlito! May gusto na daw yang ligawan!"

Halos mapugot na ang ulo ko sa bilis ng pag-ikot nito paharap sa kanya. "ANO?!"

Buti na lang talaga hindi kami maririnig ng mga tao dito kahit nagsisigawan kami. Malawak naman 'tong court eh, open pa.

"Bingi lang te?! Linisin mo nga tenga mo! Kaloka.", sabi niya with matching rolling of eyeballs pa. Dukutin ko mata niya eh.

"Gaga! San mo nabalitaan yun?!"

"Narinig mo naman pala tas tatan-- ARAY! BAKIT NAMAMATOK KA?!"

"Saan nga kase?!"

"Basta dun sa mga kaklase niya. Narinig ko lang. Ang sakit mo mambatok!"

Binatukan niya rin ako. Putspa, gusto ata nitong mawalan ako ng ulo. Wala na ngang laman 'to eh.

Tinitigan ko siya ng masama. Madala ka sa tingin!

"Sorry! Ganti lang!", sabi niya habang nakapeace sign pa.

Kaloka.

MAY CRUSH NA CRUSH KO! THIS CANNOT BE HAPPENING! Hashtag iyak.

x x x x x

Pagdating na pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto at binuksan ang computer ko. Log-in sa Facebook at diretso sa profile ni Crush.

Halos mabiyak na puso ko dahil sa mga love quotes na nakapaskil sa timeline niya.

Totoo nga sabi ni Juls!

Bigtinafriend.

Scroll lang ako ng scroll. Nakakafrustrate naman! Walang pangalan na minemention! Sino kaya yung maswerteng babaeng yun?

R-A-N-D-O-MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon