Sapagkat ikay mahal ko

1 0 0
                                    


By : Rhose

Nang ika'y aking nakilala,
Mundo ko'y nagbago nalang bigla,
Di ko maipaliwanag kung ano na,
Pintig ng Puso ko'y kakaiba.

Nagsimula tayo sa umpisa,
Di maipaliwanag lubos na ligaya,
Sa kunting oras na ika'y nakilala,
Ikaw sa akin subrang napamahal na.

Di man ako ganon ka perpekto,
Pinaramdam mong ako'y espisyal na tao,
Ika'y parating nandyan sa lungkot at ligaya,
KAsa kasama ko sa tuwina.

Sa ngayon ito lang ang alam ko,
Ika'y para sa akin at ako'y sayo,
Sakim man kung tawagin nyo,
Di masisisi sapagkat ikay mahal ko.

LOVE AND PAIN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon