Song Inspiration: Ikaw Parin by Juana (pakiplay nalang yung nasa gilid if evuuh)
First time kong gumawa ng One Shot..kaya pasensya na kung magiging mahaba ito. Sana pagtyagaan niyo nalang, iyan lang ang nakayanan ng utak..at sana ay madagdagan ko pa yan sa FUTURE..ohyeah! haha. :D
at last na note..kung mapapansin po ay hinugot ko ito sa One and Only You ni Erin_nessa, parang side story lang. :D
(http://www.wattpad.com/story/1987002-one-and-only-you-one-shot)
_____________________________________________________________________________
*ring ring ring*
tinignan ko ang phone ko..si Maui..tumatawag for the nth time, leche lang..
di ko namalayan na napindot ko na pala ang green button..
"HOY ERIN!!" nailayo ko bigla ang phone ko sa tenga ko, sigawan daw ba naman kasi ako.
"oh problema?" irritated kong sagot sa kanya.
"wala naman..hehe, asan ka na ba? kanina pa kasi ako tawag ng tawag sa'yo, but you won't pick up." pag nga naman sinuwerte kang magkaroon ng kaibigang malakas ang sapak eh ewan ko nalang.
"andito ako sa greenbelt."
"gandahan mo regalo mo sa akin..hehe." pakiremind nga ako guys kung paano ko naging bestfriend ito?
"tse, ikaw na masaya!" bitter ba? ikakasal na kasi sila ng kanyang one and only na si Ian, edi sya na talaga diba..this year lang na-engaged sya kay Tom..pero ang papakasalan ng bruha ay si Ian. Nyahaha, ngarag yan ng bawiin ang invitations, dami kasing drama nung dalawa.
I smiled bitterly.
"osha, may gown fitting sa Saturday! remind ko lang..baka mag MIA ka bigla."
"sus, ako pa ang mawala?"
"isasabay na kita para sure..hehe, san ka pala tutuloy ngayon?"
"sa condo.." then there was a sudden pause between us..we both know.
"Erin?" I could sense na may gusto pa siyang sabihin pero sumegway na ako..
"oo, pupunta ako..sige na masyadong maraming tao sa mall, wag mong dagdagan ang stress ko..haha" pagtataboy ko rito.
"ok! bye na nga, take care, I'll call later okay!?" I could imagine her face..haha, then the line went off.
Almost 7pm na ako nakarating sa condo..sakit lang ng katawan ko..andaming tao kanina, ayokong nagsha-shopping pag ganun..sobra stress at sakit ng ulo na binibigay sa akin eh..tapos eto may jetlag pa, yung mga baggage ko papatulong nalang ako iakyat dito mamaya.
Binagsak ko na sa sala ang mga paperbags para idiretso sa kusina yung mga grocery items ko.
Pinagpagan ko muna ang mesa, grabe lang 3 years akong nawala ganito ng kadumi ang bahay ko, parang kasindumi na ng mgaa haunted house..Ipinatong ko na dun yung mga pinamili ko saka ko binuksan ang cupboard at isinalansan lahat ng mga items doon..umpisahan ko ng maglinis mamaya..
Pagkaakyat naminn g guard at ng isang janitor nung mga maleta ko, hinarap ko naman ang paglilinis.
Linis. Punas. Mop..
Gusto ko ng maayos at malinis na bahay..gusto kong burahin lahat ng masasakit na ala-ala dito.
di ko namamalayan napapadiin na ang pagma-mop ko..hehe, sorry naman.
almost 10 na ng matapos ko ang paglilinis, pati yung kwarto at restrooms di ko pinaglagpas syempre.
Pabagsak akong naupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryKung ano lang ang pumasok sa utak ko. Di ako palagawa ng one shot dahil pag nag isip kasi ako siguradong may kasunod, kaya sana ay mabasa niyo ito. :D