First Note

13 0 0
                                    

First Note

Apollo's POV

" Hoy Ares! Iba nanaman yang babae mo ah! Nasan na si Aphrodite? " Pinandilatan ako ng mata ni Ares. Hahaha. Eh bakit ba? Concern lang naman ako dun sa babae niya, at syempre sakanya rin. 4th year na kaya kami! Baka makabuntis pa to XD

Tinignan din nung babaeng yun ng masama si Ares :)) Patay kang bata ka XD

" Lubayan mo nga ako Apollo. Baka di kita matantsa upakan nalang kita bigla. Bilis! Layas! "

Umalis nalang ako. Baka umiyak pa si Ares pag sinapak ko eh. Bwahahahah.

Oo nga pala! Wag natin kalimutang ipakilala ang napakagwapong si AKO. Hahahahah. Anyways, ako nga pala si Apollo Sy. Oo, tatay ko si Henry Sy, at ako ang tigapagmana ng SM. Pero syempre sa panaginip ko lang yun XD

Isa lang akong normal na tao, 16 yrs. old, at isang graduating high school student. Hindi man ako nasa top 10 sa aming paaralan, nasa top 10 naman ako sa mga heartthrob sa school ;) Syempre nagbibiro lang ako. Humble akong tao, kahit madaming nagsasabing gwapo ako, salamat lang ang tugon ko. BWAHAHAHAHAH.

Wala akong masyadong seryosong nasabi pero alam kong gets niyo na yun XD

" Apollo! Apollo! " Napalingon ako para tignan kung sinong tumatawag sakin. " Aaaaaaaaaaah! "

*bugsh*

" Aray! " Kung nagtataka kayo kung anong mangyari, natisod siya. Pano tumatakbo kasi. Buti nalang nasalo ko.

" Ok ka lang Jazz? " Itinayo ko na siya ng maayos.

" H-ha? A-ah eh... Oo. " Nakayuko siya sa harap ko pero kita ko yung pamumula ng mukha niya.

" Jazz sigurado ka bang ok ka lang? Namumula yata yung mukha mo. "

" Ha? N-namumula? Wala yun. Ano ka ba. Nabigla lang sa pagkatisod. Haha-ha-ha. " Mukhang pilit na ewan yung tawa niya. Ano bang ginawa ko? o.o

" Ah. Eh, bakit mo nga pala ako tinatawag? "

" Wala. May pupuntahan kaba? Pwedeng pasama ako sa library? Kung ok lang ah pero kung ----- "

" Tara na nga! " Inakbayan ko sya at nagsimulanh maglakad. " Ang dami mong sinasabi. Wala ka lang palang makasama. "

[[@ the library]]

Hayy. Grabe. Ang tahimik talaga dito. Kahit gusto ko tong binabasa ko. Parang ... *yawn* inaantok ako. Pinatong ko yung ulo ko sa libro na nakapatong sa lamesa. Pag nakatulog ako. Bahala na.

" Jazz. Is that you? " May narinig akong boses ng babae. Ang ganda ng accent niya. Ang ganda ng boses.

" Daphne? Ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito? " Pinakinggan ko lang yung paguusap nila.

" I transferred here. And I was really surprised to see you. " Ayokong tumingin sakanila. Ayoko lang. Wag niyo akong pakielamanan.

" Are you staying here for good? "

" Probably. Oh. Wait. *whispers* Who is this guy? " Bumulong pa. Rinig ko naman XD

" He is Apollo. My---- "

" YOUR BOYFRIEND?! " Napatingala ako dahil sa boses niya. Una kong pinansin yung mga tao sa paligid namin. Tumingin lang sandali tapos bumalik na sa ginagawa nila. Tsaka ako napatingin kay Daphne.

..........

O.O

..........

" Excuse me? Why are you staring at me? " Nabalik ako bigla sa realidad. Hindi ko alam kung anong nangyare.

Pero nung nakita ko siya, parang huminto lahat ng bagay at sya lang nakikita ko. Parang may biglang tumama sakin at nag-iba ang pagtingin ko sa mundo. Naging hugis puso ang mundo ko. Puta XD ANG CORNY!

" Sorry. Sorry. " Inayos ko ang sarili ko at sinara ang librong binabasa ko kanina.

" Ah Daphne. Siya nga pala si Apollo. He's just a friend. " Tumingin sakin si Daphne. Tumayo ako bilang respeto.

" Apollo Sy. " Inilahad ko ang kamay ko para makipag shake hands.

" Daphne Rain Bo. " Tinignan lang niya yung kamay ko at hunarap na siya kay Jazz.

" Jazz. I need to go. May kailangan pa kasi akong asikasuhin eh. I hope na maging classmate kita. Bye. " Kumaway sila sa isa't-isa at umalis na.

" Jazz. Jazz. Jazz. Jazz. Jazz. Jazz. Jazz. " Iniyugyog ko pa siya dahil naka tingin siya sa libro.

" Aray. Aray. Bakit ba? Hahahhahaha. " Maton talaga to. Kaya kaibigan ko to eh XD Hindi kasi siya katulad ng ibang babae na, BABAE na nga BABAE pa. Gets?

" Yung babaeng yun? Sino yun? Ano mo siya? " Para akong batang ewan dito. Di ko siya kayang palampasin.

" Ah. Si Daphne? " Parang nag-iba yung facial expression niya. " Nagpakilala naman sayo ah diba? Daphne Rain Bo nga. " Tinuloy na niya yung pagbabasa niya.

" Ano mo nga siya? "

" 2nd cousin ko. Mother side. " Kamag-anak niya pa. Ang swerte ko ♥

" Kamag-anak mo yun? Sabagay, maganda ka din naman eh. Nasa lahi niyo :)) " Tahimik lang siya at hindi na sumagot. I complimented her, right? Wala man lang, 'haha. Salamat.' Okaya. 'Corny mo'.

Pagkatapos ng vacant time namin, sabay na rin kami ni Jazz na pumasok sa room. Pagkapasok namin, maya-maya dumating na din ang teacher namin.

" Good afternoon Ms. Perez, we're glad to see you. " Naramdaman ko nalang na nakatulala na pala ako. Kasabay na pumasok ni Ms. Perez si Daphne. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko.

" Good afternoon everyone. Please take your seats. "

" Thank you. " My classmates answered in unison.

" Pol. Ok ka lang ba? " Napatingin ako kay Jazz. Hindi ko parin pala inaalis ang pagkakahawak ko sa dibdib ko kaya inalis ko na agad XD

" Ha? Wala. Nangati lang :)) " Nakita ko namang natawa si Jazz.

" Kadiri ka talaga. " Nagbubulungan lang kami niyan XD Eh kasi naman, nasa harap na si Miss, nagda-daldalan pa kami.

" Everyone, please welcome your new classmate. Another addition to this wonderful class. You may introduce yourself. "

" Good afternoon everyone, I'm Daphne Rain Bo. I'm from the US, but I decided to transfer here in the Philippines, for good. Hope we can all be friends. Thank you. " She ended her introduction with a sweet-shy smile.

I think I'm falling~ falling in love with youuuuu~

BACKGROUND MUSIC YUN PARA ASTIG!

" Daphne, you may sit in that chair beside Mr. Sy. " Wh-what? O.o

You may sit beside Mr. Sy ...

Beside Mr. Sy ...

Beside Mr. Sy ...

Mr. Sy ...

Mr. Sy ...

Teka? MR. SY? AKO BA YUN? Apollo SY. HALA AKO NGA. KATABI KO SI DAPHNE ♡w♡ Ang bait naman sakin ni Lord. THANK YOU PO!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untuned MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon