Prolouge

2 0 0
                                    


Don't Plagiarize! Plagiarism is A Crime.

Warning: This is a work of fiction. The characters,places,events and etc. are only product of authors imagination. If there's a similarity in real life or not it's only coincidental.

Enjoy! And God bless!

Prologue

"Cash, bilisan mo! Hindi na natin maabutan si Andrick," sigaw ko sa 'king kaibigan

I have a crush and he's a varsity player in our University. He will be having his final game right now. And I want to watch it before it ends.

"Alright! Kalma ka lang dyan girl! 3rd quarter palang daw, text sakin ni Ajata." sabay tago ng phone niya sa kanyang bag

"Kahit na!" I reasoned out

Hinablot ko ang kanyang kamay at agad na tumakbo papuntang Coliseum.

"Go! Andrick!" nasa labas palang kami ay dinig na dinig na namin ang mga sigawan ng mga babae

Agad naman kaming nagmadali papasok sa Coliseum.

I was amazed while watching him dribbled the ball. He's in 3-point line and it's only 1 minute left before the quarter 3 ends.

"I-shoot mo na, Drick!" sigaw ko na dinig sa buong Coliseum kahit maraming nagsisigawan. And I get so many attentions and he also tilted his head towards my direction.

Instead of shooting the ball in the ring he passed it in his teammates para ito ang mag-shoot and that makes me embarrassed. Tanginaaa! Nakakahiya.

And after their game ako ang pinag-uusapan. Topic ako dito, topic doon.

"So assuming ang g*gang si Pyre! Hahaha," tawa ng isa kong schoolmate

"Yeah, alam mo yun? Akala niya susundin ni Vaughn ang sinabi niya?" ang sabi naman ng kausap niya

Dinig na dinig ko ang kanilang pinag-uusapan at alam kong narinig din ito ng aking mga kaibigan, Cashmere and Ajata.

"Alam mo Pyre? Konti nalang masasampal ko na yang mga pakialamerang yan eh!" nangangalaiting sabi ni Ajata

"Hayaan mo na," kalmado kong sagot

"Anong hayaan? Aba-aba nag-papa ka santa ka na naman? Hindi yan pwede!" singit naman ni Ajata

"Nag assume naman talaga ako,guys.. Tama naman sila,"

"Sinasabi ko naman sayo na tigilan mo na yang kahibangan mo,Pyre! Napapahiya ka lang lagi sa mga ginagawa mo! Hindi ka naman niya pinapansin! Ki-ramiraming lalaki dyan,oh?!" singhal ni Cash

"Eh, siya ang gusto ko..." sabi ko

Matagal ko nang gusto si Andrick,simula noong grade school palang kami ay humahanga na talaga ako sa kanya. He's 2 years older than me.He's not only good in sports but also in academics, minsan nga nag-champion siya sa isang quizbee. Pero kahit anong papansin ko sa kanya, wala paring epek!

Pumunta kami sa Cafeteria ng campus, masikip ngayon kasi maraming outsiders, it's our sportfest week. Malapit narin ang katapusan ng klase. And I'm happy that next school year ay magiging 2nd year college na ko!

Umupo kami sa pinaka-corner na upuan.

"Guys, what do you want? I'll order for us nalang." presinta ni Cash

"A vegetable salad is fine, and samahan mo narin ng applejuice." ako

"Akin yung tuna waffle and choco sundae," sabi naman ni Ajata

"Hilig mo talaga sa fatty foods ano?" sabi naman ni Cash

Ajata just rolled her eyes then sat beside me. Umalis narin naman agad ni Cash para umorder.

USELESSWhere stories live. Discover now