Kabanata 1

4 0 0
                                    

Unlove

I was wearing my usual outfit but I added a black jacket on it. Wearing a varsity cap that I bought last week at penshoppe. Parang stalker na ko sa suot ko. But I promised him that I will avoid him,and never see him again if possible. And its only 1 month left before I'll leave this University. Pupunta akong America para doon nalang ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Hindi rin naman sayang dahil malapit narin ang summer.

It's been 2 weeks since we last talk, I always see him  but I did my best to avoid him para wala nang problema. Nakikita ko siya, pero di niya ako nakikita. At hindi na rin ako nanonood ng mga laro niya.

"Sabihin mo na kasi kung ano ang nangyari,Pyre?" pilit sa akin ni Ajata

Nandito kami ngayon sa isang bench malapit sa building ng susunod naming klase.

"Wala nga," sabi ko

"no bayan! " nakasimangot na siya ngayon

Gusto ko mang sabihin sa kanila, pero ayokong kaawan nila dahil sa mga naging maling desisyon ko.

"She can tell us when she's ready, Ajata." kalamado namang saad ni Cash

Alam na ni Cash ang tungkol sa nangyari sa canteen, but not on our date. Kinuwento ko sa kanya.

"Fine," bigong sabi ni Ajata

Matapos ang huling klase namin ay nagpaalam ako kina Cash at Ajata na pupunta ng library para magbasa, dahil dun wala masyadong mga tao at maiwasan ko din siya.

I was reading "The fault in Our Stars", ng biglang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha.

He's here!

Ba't pumunta siya dito? Alam kong minsan lang siya pumunta ng library, at nagkataon na ngayon pa ha?

Agad naman akong yumuko para hindi niya ako makita at sinubukan pang magtago sa likod ng malapit na bookshelf, kung di ko lang narinig ang kanilang pinag-uusapan.

"Tol, hindi ko na nakikita si Pyre na umaaligid malapit sa'yo ah? Anong ginawa mo?" natatawang sabi ng kaibigan niya, Elysium sa pagkakatanda ko

"Gago," sabi niya nalang

"Hahaha, ganda pa naman nun,tol! Kung ako ang nasa posisyon mo at may ganun ka ganda na desperada na makuha ako? Papatulan ko 'yon! Sayang!" nanghihinayang pang sabi ni Elysium

"Hindi ko siya gusto. Ayoko sa kanya. May gusto akong iba."

Aw! Pinipigilan ko lang ang pag-iyak subalit kumawala sa akin ang isang mahinang hikbi. Agad namang bumaling sa'king kinaroroonan sina Andrick at Elysium.

Tumayo ako para umalis at lumabas na ng library. Hindi ko na kaya, ngayon ko lang napagtanto na pagod na ako, pagod na pagod na pala ako. Masakit pala marinig mismo sa kanya na may gusto siyang iba at hindi ako 'yun.

"Okay lang yan,Pyre. Konting tiis nalang mawawala na siya sa landas mo. Aalis ka na papuntang America. Makakalimutan mo din siya."

Paalala ko sa aking sarili para maging maayos ang pakiramdam ko kahit konti.

Mabilis akong tumakbo para lumabas ng campus pero agad namang bumuhos ang ulan ng napakalakas.

"Tang.....i......na..," ako

Basang-basa na ang damit ko, kung tatakbo ako ay wala namang magbabago, hindi naman tutuyo ang damit ko kapag tumakbo ako,diba? Nilakad ko nalang papunta sa parking lot, pero agad namang may humablot sa braso ko, laking gulat ko ng malaman kung sino 'to.

"Nion?", I asked

He smiled genuinely at me, nakatulala ako lang sa kanya. Matagal-tagal ko na ring hindi siya nakita.

USELESSWhere stories live. Discover now