CHAPTER 2

230 13 0
                                    

CHAPTER 2

                  "Wow! Sa akin ho ba ang lahat ng ito? " namamanghang tanong ni Aya ng makita ang tatlong makukulay na bestida at tatlong pares ng shorts at blusa.

                      "Kasya ba iyan sa akin? " pamimilosopo namang tanong ng matanda.

                      "Ang lola naman..! " nakalabing wika ni Aya.

                 "Sa iyo nga iyan. Ipinadala ng tiyo mo. Para may pamalit ka daw sa mga luma mong damit. "

                      Bakas sa mukha ng dalaga ang kasiyahan ng ilapat isa-isa sa balingkinitang katawan ang mga damit.

                    "Hala! Maligo ka na at isuot mo ang isang ito. " tukoy ng lola niya sa isang kulay rosas na bestidang may maliit na terante lamang sa balikat.

                       "Pero Ima naligo naman po ako kahapon! " angal ng dalaga.

                     "Eh ano naman? Kelangan ba pag naligo ka na kahapon, hindi mo na kelangan maligo ngayon? Tingnan mo nga ang itsura mo? Mukha kang gusgusin sa suot mo.. " anang matanda bago pinasadahan ng tingin ang luma niyang suot na bestida.

                       "Pero Ima.. "

                       "Walang pero-pero Ayanna..! Ang dalaga dapat araw-araw naliligo. "

                       "Ima.. "

                       "Hindi ka ba maliligo? Kukurutin ko ang singit mo?! "

                      "Maliligo na po.. " nagdadabog na tumayo mula sa kinauupuan at nagtungo sa banyong kanugnog ng bahay nila.

                       Naglalakad si Ayanna sa tabing dalampasigan nang mapadako siya sa grupo ng mga batang naglalaro. Kasunod pa rin niya ang asong si Kidlat.

                       "Ate Aya! " sigaw ng isang batang babaeng nasa edad anim.

                       "Uy Miya.. " aniya dito.

                       "Wow ate Aya ang ganda mo naman ngayon. Bagay sa'yo ang damit mo. "

                       "Talaga? " nanlalaki ang matang wika ni Aya at hinawakan pa ang suot na bestida.

                       "Oo, ate! "

                       "Pinadala sa'kin ni Tiyo Armen 'to kanina eh. "

                       "Buti ka pa, may tiyo na namimili ng mga damit mo. Sa akin wala. "

                       Napangiting hinawakan ni Aya ang ulo ni Mia.

                       "Wag kang mag-alala, pag nakapunta na din ako ng Maynila bibilhan kita ng damit! "

                       "Talaga Ate Aya? "

My Innocent Angel(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon