CHAPTER 8

73 0 0
                                    

          At dahil sa pangyayaring iyon, nagpasya si Johann na iuwi na sa mansyon si Sherie kasama si Aya.

At tulad ng inaasahan, gulat na gulat nga ang daddy niya sa pagdating niya kasama si Aya, ngunit higit naman ang pagkagulat ng mommy nya pagkakita sa dalaga.

           "Ma, Pa, si Aya." pakilala niya kay Aya.

            "Aya, what hijo?" tanong ng daddy niya. "Is she a daughter of one of my kumpadres?"

            "I wish I know her surname 'pa. But I'm afraid, I don't.." nakayukong saad ni Johann.

            "What do you mean? You don't know her surname?!

            "It's a long story 'pa.. I'll tell it to you over dinner. For now, I wanna have some rest."

           "Welcome home hija." yumakap ang daddy nya sa dalaga. Ngunit ang mommy niya.

           "Ma?" pukaw ni Johann sa pagkakatahimik ng ina. "..is there something wrong?" tanong niya.

           Animo naman pinamulahan ng mukha ang ina. "W-wala hijo.. I'm just a little bit shocked about her." tukoy nito kay Aya. "S-saan mo sya nakilala?"

           "Ma? Can we talk about that later? We're both tired." bago niya sinulyapan ang anak na natutulog na sa dibdib niya.

          Nanatili lang nakamasid sa paligid si Aya. Walang kibo habang palipat-lipat ng tingin sa mga nag-uusap.

           "Oo nga pala. Aya, si Mrs. Maya Vallejo, ang pinakamabait at pinakamagandang mommy sa buong mundo sya ang mama ko." pakilala ng Johann sa ina.

           "K-kumusta po kayo?" bahagyang yumuko naman si Aya sa mama ni Johann.

          "P-pwede ko ba syang mayakap?" nangingiming tanong ng mommy niya.

           "Hayy! Longing for the daughter again.. " nagbibirong wika ni Johann bago iginiya si Aya sa harap ng ina.

           He could see the longing upon her mother's expression as she hold the girl tight.

           He can't blame her. He knew her mother very much since he was 10 years old. And he knew even the smallest details of her mother's secret,.. that even his father doesn't able to know!

           Ikinuwento ni Johann sa mga magulang ang lahat maliban na lamang sa mga katarantaduhan sangkot ang kapatid. His parents loves Yuan very much. Isang matalino, kagalang-galang at mabait na lalaki ang tingin ng mga magulang nya dito.

           Walang pakialam ang mga ito sa mga nagsusulputang salita na ikinakabit ng mga tao sa pangalan ni Yuan. Iniisip nilang mga walang magawa at naiingit lang sa kanila ang may gawa ng mga tsismis ukol sa kakambal.

             No one can blame them, especially their mother, Yuan appears to be an angel infront of their parents, as if nothing's happening around.

            Hinayaan nya na lang! Kung alam lang ng mga ito ang kademonyuhan ng kapatid nya.

           Yuan happens to be a loving, caring and responsible son to their parents and a brother and a bestfriend to him.. Until Clarisse came into the scene.

           Yuan was the first one who meet Clarisse. They became bestfriends for almost two years, and when he met her, love spreads into the air. He court Clarisse and became his girlfriend. But they made the biggest mistake!

           They never let Yuan know, what was happening between him and Clarisse.

           Umasa si Yuan sa pagmamahal ni Clarisse. He misunderstood every sweetness Clarisse had given him.

             Hanggang sa matuklasan nyang ikakasal na si Clarisse sa kakambal nya and she even bearing Johann's child in her womb!

            Galit na galit si Yuan sa nangyari. That even the world tastes the flowing anger in his heart.

           Nagrebelde sya. Hindi sa mga magulang nila kundi sa kakambal nya at kay Clarisse.

          He makes them feel the bitterness of revenge his heart was searching for. He even kidnapped clarisse on the day of her delivery to Sherie.

           But because of his love to Clarisse, he sent her to the hospital instead and moved away from them.

          And when Clarisse died, Yuan mourned! He blamed Johann for her death. He even hated Sherie for bringing Clarisse into her death.

           Pati ang walang kamuwang -muwang na bata ay nadamay sa galit nya!

            Maganda ang kwartong pinagdalhan sa kanya ng mama ni Johann. Halos kasinlaki rin ng kwartong pinagamit sa kanya ni Johann sa condo unit nito.

             Kumpleto rin sa mga gamit na halos noon lang nya nakita. Mga gamit na kakaiba.

           May sariling banyo rin sa kapareho ng banyo nya sa inalisang condo. Meron ding napakalaking batya nayari sa bato at ang buton na lumikha ng ulan na tinatawag ni Johann noon na shower.

            Mga karangyaang ni sa panaginip ay hindi nya inaasahang makikita nya.

           Ang higaan nya ay ubod ng lambot na halos lamunin na sya tuwing humihiga. May manipis na kurtinang nakapalibot sa higaan na animo kulambo. May bubong rin ang higaan nya. Sa isang banda ay isang napakalaking kabinet na may napakalaking salamin.

         Napapaligiran ng salamin ang kwarto kaya't kitang-kita nya ang hardin at ang napakalaking tubig na animo dagat. Nakita nyang may lalaking nakatayo malapit doon na animo may hinuhuli, gamit ang mahabang bakal na may net sa dulo. Napangiti siya. Naisip na marahil humuhuli ito ng isda.

           Bigla ring napawi ang ngiti sa mga labi nya nang maalala ang nangyari. Mga pangyayaring nagpapagulo sa utak niya.

             Ang pagsulpot ng isang lalaking kamukha ni Johann at ang pamimilit nitong isama siya, sa kinaroroonan raw ng lola niya. Ngunit nag-aatubili pa rin syang sumama rito. Naramdaman nyang may kakaiba sa pamamaraan ng pagsasalita nito na kahit kelan hindi nya narinig kay Johann. Si Johann na sa tuwing kakausapin sya ay animo laging may pagsuyo. Ngunit ang sa lalaking kamukha naman nito ay may bangis.

            Laking pasasalamat nga nya ng dumating si Johann at iligtas sya sa kamay nito!

           Hanggang ngayo'y ramdam ni Aya ang higpit ng hawak ng lalaki sa mga braso niya.

           Napasulyap siya sa brasong kanina lamang ay hawak nito. Bakas pa rin dito ang mga kamay ng lalaki. Namumula ang parteng hinawakan nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Innocent Angel(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon