CHAPTER 6

154 22 0
                                    

Chapter 6

Allysa's POV

"Hey! Hey! Hey! Walang magtatangkang saktan siya or else guidance," sabi nag isang lalakeng umakbay kay Ms. Espasol at Ms. Pulboron.

"Christopher at Andrew? Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Celine sa kanilang dalawa.

"Mr. Vice Pres.?" Tanong ni Espasol at sa pagkaka-alam ko si Andrew ang tinutukoy ni Espasol

"Bobo ka ba? syempre dito kami kumakain, tanga naman neto," Sigaw ni CJ kaya nagsitinginan naman ang mga estudyante na nandito sa cafeteria.

"Watch your mouth Mr. Arboleda, don't try to say some bullshit words of yours to my friend," Pagbabanta ko kay CJ.

"Woah take it easy girl. Wala naman kaming ginawa na masama sa inyo ihh," sabi ni Andrew.

"Are you deaf Mr. Lopez? Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ng kaibigan mong maliit?" Sabi ko sa kanya.

"Nang-iinsulto kaba?" Tanong nang CJ.

"I'm just saying the truth Mr. Arboleda" Sabi ko.

"Pasalamat ka at kuya mo si Sebastian kung hindi ay baka masaktan na kita, know your place Ms. I'm not a gentleman," sabi ni Christopher at tumingin siya sakin nang masama.

Ako pa ang tinatakot nya? huh! Well di nakakatakot yang maliit mong mata, tusukin ko pa yan ih.

"Ano naman gagawin mo? ipa-patay ako sa kay Jason?,ipapasuntok kay Andrew?,o di naman kaya Aalipinin mo ako" hindi ko na talaga mapigilan tong bibig ko, naiinis na talaga ako sa kanila lalo na tong CJ na toh bwesit! kainis!

"Well kung tutuusin kaya ko naman lahat yang gawin sayo pero hindi yan ang gagawin ko sayo wala sa tatlong yan ang pagbabasehan ko" sabi ni Christopher at tiningnan ang ibaba ko. Mabuti nalang at naka jogging pants pa ako.

"Bastos ka! Letse!" Sabi ko at pinaghahampas sya.

"Ang dumi ng utak mo ah, as if naman papatulan kita. Tingnan mo nga yang mukha mo parang inapakan ng kabayo," Sabi ni CJ sa akin.

"What's happening here?" sabi nang kakadating lang na si Aaron, thank god my saviour is here.

"Ang maliit mong kaibigan Mr. Salvador ay naghahanap nang gulo, gusto atang lumiit pa," Sabi ko sabay sinuot ang namimilosopo kong ngiti.

" Kami? naghahanap nang gulo? Tinutulungan kana nga ehhh," angal ni Christopher sa sinabi ko.

"Sinabi ko bang tulungan nyo kami? I can handle it myself, Mr. " sabi ko sa kanya at pinandilatan sya ng mata.

"Pwes kung di mo kailangan nang tulong namin bahala ka diyan. Girls your free to hurt them," sabi ni Christopher.

Aakmang sasabunutan na ako ni Ms. Espasol nang inunahan kong hablutin yung buhok nya. Nagulat na lamang ako na marinig ko ang malamig na boses ni Aaron.

"Stop it, Kung ayaw nyong parusahan kayo ni Jason," sigaw ni Aaron.

"What's happening here?" sabi nang kakarating lang na si Jason.

"They're hurting Allysa," pagsusumbong ni Aaron.

Well hindi naman physically but emotionally, at saka inunhan ko naman kaya fair lang.

"Then, bakit nasa buhok nya yung kamay ni Allysa?" Tanong ni Jason.

"The two of you go," Pagpapa-alis ni Jason sa kay Ms. Espasol at Ms. Pulboron kasama na ang mabait nilang tuta, kaya tinangal ko na ang kamay ko sa buhok ni espasol.

Bakit Bestfriend ko pa? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon