2
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa alarm clock ko.Alas-sais na at kailangan konang bumangon dahil may pasok pa ako sa trabaho.Dahan-dahan akong bumangon sa hinihigaan ko para diko maistorbo sina Ate Eleiza at Ayesha, mamaya pang seven pm ang pasok ni Ate Eleiza, isa siyang call center agent.Si Ayesha naman ay nag-aaral pa lamang kasalukuyang nasa ikatlong baitang ng kolehiyo.
Pagbangon ko ay agad akong bumaba para tumulong kay Tita na maghain ng almusal, pagbaba ko palang ay naaamoy kona ang mabagong aroma ng kape.
"Goodmorning tita!"masaya kong bati.
"Goodmorning"balik na bati niya sakin."Halina dine at kumain kana, para di ka malate."wika ni Tita.
"Maaga pa naman po ta"sabi ko.
"Oo nga maaga pa, pero pag nagising na yang kapatid mo ay baka mag-unahan na naman kayo sa pagkilos"sambit ni Tita.
"Sabagay"sabi ko nalang.
Umupo na ako sa hapag at nagsimula ng kumain, humigop muna ako ng kape para mainitan ang sikmura ko.Tapos nun ay nag-umpisa nadin akong kumain.Pagkatapos kong kumain ay siya naman pagbaba ni Ayesha mula sa taas, kagigising lang nito at gulo-gulo pa ang buhok.
"Goodmorning"bati niya.
"Morning"bati ko."kumain kana dito, tiran mo si Ate Eleiza ah"pang-aasar ko, malakas kase siyang kumain.In short matakaw.
"Grabe ka sakin ate, ang dami-dami niyan sa tingin mo mauubos ko yan?"tanong niya.
"Bat hindi ba?"pabalik na tanong ko din.
"Sabi ko nga"tanging sagot niya nalang."Asan si Tita?"tanong niya.
"Naliligo na.Bakit?"
"Wala naman.Akala ko naka-alis na"
"Sige na kumain kana diyan, at baka malate kapa.Akyat na muna ako kukuha muna ako ng susuotin ko"paalam ko.
Pagka-akyat ko sa kwarto ay dumiretso agad ako sa drawer at kumuha ng damit na isusuot ko pang trabaho.Isa nga pala akong Sales Manager sa isang kilalang clothing brand,di gaano kalakihan ang sweldo pero sapat na para makatulong sa pamilya.
Pagka-kuha ko ng damit ay agad akong lumabas ng kwarto at bumaba na para maligo, naka salubong kopa si tita na kakatapos lang maligo.
"Maligo kana dun, at baka unahan ka na naman maligo ng kapatid mo"wika niya.
"Opo"sagot ko nalang.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Ayesha na nagsusulat.
"Ngayon ka palang gumagawa ng assignment mo?"tanong ko.
"Nakagawa nako kagabi ate,tinatapos ko nalang ngayon"wika niya.
"Pagtapos mo magsulat,wag ka agad maligo pagpahingahin mo muna yang kamay mo.Baka mapasma ka"utos ko.
"Aye aye Ate!"sagot niya.
Agad naman akong pumasok ng banyo para maligo na,hindi nako masyadong nagtagal dahil baka malate ang kapatid ko.Matapos ko ay agad akong lumabas, nandoon na si tita at nakabihis ng uniporme.Mukhang paalis na.
"Alis kana ta?"tanong ko.
"Oo, mag-iingat kayo dito ah"wika niya."Ayesha yung mga bilin ko, wag mong kalimutan"wika naman niya sa kapatid ko.
"Opo Tita"sagot niya.
"Bye tita, ingat po"paalam ko sabay halik sa pisngi, tapos nun ay tumungo nako sa kwarto para mag-ayos.
Pagkapasok ko sa kwarto ay ganun parin naman, tulog parin si Ate Eleiza.Kinuha ko ang blower para agad matuyo ang buhok ko, tapos nun ay bumaba ako para dun nalang mag-ayos dahil natutulog pa si ate,ayokong maging bastos.Naging mabilis lang ang pagkilos ko para pagtapos ni Ayesha ay aalis na kami, sabay kaming pumapasok dahil nadadaanan naman namin ang eskwela nila papasok sa trabaho ko.Maya-maya pa ay natapos nadin ako,kasabay nun na bumaba si Ayesha at handa na sa pag-pasok.

BINABASA MO ANG
I Love You Idol|ON-GOING|
RandomChoosing between limelight or love? 03/03/19 [TagahangaSeries#2]