1

4 0 0
                                        

1

"Kamusta audition mo?"tanong ko kay Ghrey na kauuwi lang galing audition.

"Ayun sabi tatawagan daw ako"nakasimangot niyang sambit"lagi nalang ganon!tatawagan pero wala naman nangyayari"wika niya.

"Ayos lang yan,darating din yung swerte mo love"pagpapalakas ko ng loob niya.

"Sana nga"sambit niya at biglang yumakap sa akin."sana magdilang anghel ka love"malambing niyang sambit.Niyakap ko nalang din siya ng mahigpit,kahit sa isang yakap lang ay maramdaman niya parin ang suporta ko sa kaniya.

"May audition kapa bukas diba?anong oras ka uuwi"tanong ko, kasalukuyan kase siyang nasa bahay namin at binisita ako.

"Give me five minutes"sabi niya habang nakayakap parin sakin.Hinayaan ko muna siya sa mga bisig ko.Lumipas nga ang limang minuto ay kumalas nadin siya sa pagkakayakap sakin, sabay tayo"una nako love, see you tomorrow"sambit niya sabay halik sa noo ko.

Inihatid ko siya hanggang sa labas ng bahay at nagpaalam nadin."Take care 'kay?"paalala ko.

"I will boss!"sambit niya at sumaludo pa.

"Sige na at baka gabihin kapa"kunyareng pagtataboy ko.

"Sige na nga! Tinataboy mona ko eh"nagtatampo niyang sambit.Niyakap ko nalang siya at bumulong"i love you"bulong ko. Sapat na para mawala ang kaunti niyang tampo.

Sumakay na siya sa kotse niya, hinintay ko siyang maka-alis bago ako pumasok muli sa loob ng bahay.Naabutan ko si Tita na naghahanda na ng lulutuin para sa hapunan.

"Nakauwi na ang nobyo mo?"tanong ni tita.

"Opo.Kauuwi-uwi lang po niya"wika ko.

"Bat di mo nalang dito pinakain?"tanong niya ulet.

"Hindi napo gagabihin nadin kase siya,malayo pa byahe nun eh"paliwanag ko."Akyat po muna ako sa kwarto ta"paalam ko at tango nalang ang sinagot niya sakin.

Simple lang ang buhay namin,hindi kami mayaman hindi din naman mahirap,nakakaya naman naming lagpasan ang bawat araw ng pagsubok ng buhay.Si tita ang nakakasama ko sa bahay dahil nasa ibang bansa ang mga magulang ko, pareho silang ofw magkaiba lang ng lugar, si mama sa canada at si papa naman ay sa kuwait.Kasama ko sa bahay ang isang pinsan kong babae at ang nakababata kong babaeng kapatid.

Nakilala ko si Ghrey ang nobyo ko ngayon sa isang Mini Concert noon sa MOA,talaga naman di mo maiiwasang hangaan ang looks niya,sobrang gwapo nito at matangakad pa.Galing siya sa isang mayamang pamilya,mayaman sila pero hindi masama ang ugali ng pamilya niya,tanggap nila ako kahit nagmula lang ako sa simpleng pamilya.Pangarap ni Ghrey na maging artista noon pa man,bukod sa looks ay may talent din naman siya magaling siyang kumanta,isa sa mga bagay na lalo kong minahal sa kaniya.

At ayun nga patuloy parin siya sa pag a-audition kahit saan pa man,sadyang hindi pa siguro dumadating yung swerte niya.Ako ang kauna-unahang fans niya kapag nagkataon,susuportahan ko siya kahit anong mangyari.

"Ate kamusta na yung audition ni Kuya Ghrey?"tanong ni Ayesha,ang nakababata kong kapatid.

"Sa ngayon... Hindi pa dumadating yung swerte niya"sagot ko.

"Don't worry ate, sure naman ako na kapag naging artista yan si kuya ghrey ay sisikat yan ng bonggang-bongga!"pagpapalakas ng loob na sambit ng kapatid ko.

"Kaso Ae,dika ba natatakot na baka biglang dumating yung araw na sisikat siya pero sa huli kapalit nun ay iwanan ka?diba kase usong-uso na yan sa mga artista ngayon,kailangang iwanan yung nga karelasyon nila pala sa career nila"wika ng pinsan kong siAte  Eleiza,mas matanda sa akin ng isang taon.

Sa totoo lang dumating na ako sa punto na yan,pero diba nga sabi ko kahit anong mangyari susuportahan ko siya."Natatakot....pero ganon naman talaga siguro eh,kapag mahal mo handa mong gawin ang lahat para sa kaniya"maramdaming sambit ko.

"Sabagay"wika ni Ayesha.

"Pero sis!wag ka masyadong mag-pa ka martyr,hindi nakakaganda"biro ni Ate.

"Hindi'noh!alam ko naman yung limitasyon ko,edi kapag pagod na ar hindi na kaya,suko na"wika ko.

"Basta Ate andito lang kami ni Ate Eleiza sa oras na masaktan ka"sambit ni Ayesha.

"Yes sis! Wag kang mahihiyang magkwento sa amin ah"sambit ni Ate Eleiza, sabay yakap sa akin.

"Ang drama niyo guys!wag muna natin isipin ang mga bagay na yan 'kay? Sa ngayon lets enjoy our life to the fullest"pagbabago ko ng mood,sumang-ayon naman sila at nag change topic nalang kami.

Sa katunayan niyan kanina habang sinasabi nila sakin ang mga yun, takot at lungkot lang ang naramdaman ko.Gusto kong umiyak pero buti nalang sabi ng utak ko na wag ka munang iiyak! Hindi pa nangyayari, kalma k muna.Kaya sa huli imbis na umiyak ay pinasaya ko nalang ang sarili ko.

Nagkukuwentuhan lang kami ng kung ano-ano ng biglang may kumatok.

"Mga binibini luto na ang pagkain,magsibaba na kayo at tayo'y kakain na"tawag ni Tita mula sa labas ng kwarto namin.

"Wait lang Ma! Bababa na kami"wika ni Ate Eleiza.

Nang marinig namin ang pagbaba ni Tita ay agad nadin kaming sumunod sa kaniyang bumaba,naamoy agad namin ang mabangong ulam na niluto niya.

"Mukhang mapaparami na naman ako ng kain nito ah"wika ko.

"Ako din, amoy palang masarap na"wika naman ni Ate.

"Nakuu! Kayo talagang mga bata kayo oh, nambola pa"nahihiyang tugon ni tita"sige na magsikain na kayo at baka lumamig pa yan"wika niya.

"Di kapa kakain ta?"tanong ni ayesha.

"Kala koba na sasabay ka samin"ate eleiza.

"Dapat naman talaga anak, eh may biglang pinagawa sakin yung boss ko, kaya unahin ko muna ito at baka mawalan ako ng trabaho kapag babagal-bagal ako"paliwanag ni tita.

Nalinawan naman kaming lahat, tapos nun ay nagsimula na kaming kumain at si Tita naman ay tumungo sa kwarto niya.Naging masaya naman ang naging hapunan namin, dahil napaka lakas ng sense of humor nitong kapatid ko na talaga namang magpapasakit ng panga at tiyan mo kakatawa.Matapos naming kumain ay naghugas na si Ayesha ng pinagkainan namin dahil siya yung naka toka sa araw na ito,isa-isahan kami sa paghuhugas ng pinggan at pagdating naman sa gawaing bahay ay tulong-tulong kami.

Umakyat na muna ako sa kwarto para kumuha ng damit dahil maglilinis pako ng katawan, pag pasok ko sa kwarto ay nakita kong umilaw ang phone ko, hudyat na may nagtext sa akin. Agad ko itong tinignan, galing kay Ghrey.

Love♥

Goodnight love,i love you sleep well.

Laman ng message niya, agad ko naman siyang nireplyan.

To:Love♥

Goodnight din love,sweet dreams i love youuu!.

Pagtapos ko siyang replyan ay agad nadin akong bumaba at nagtungo na sa banyo.

~~~~~

A/N

This is my new on-going story,i hope you will like it.Thank you!

@iamsammyday

I Love You Idol|ON-GOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon