Shine’s POV
Nagpunta kami ni Krish sa canteen, bumili kami ng ice cream, nawala naman na yung lungkot ko. Pero ramdam ko parin yung guilt dahil sa ginawa ko kay Steven. Mali bang tapusin ko na agad yung samin para dina siya lalong masaktan? Matigas din kase ulo ko e. Alam ko namang ganito yung kahahantungan ng relationship na to e, sumige pa rin ako.
Nagsasawa na ko sa ganito. Sa ganito kong ugali. Sa una masyado kong mahal, masyado akong masaya. Pero hindi ko alam yung dahilan kung bakit bigla bigla na lang manlalamig ako. -____-
Pumunta na kami sa classroom ni Krish. Andun na yung tatlo.
“Shine punta pala tayo mamaya sa office. Apply ule tayo for DL.” –Lara
Hindi kase automatic yung na pag pasok yung grade mo for Dean’s Lister, kasama ka na agad. Samin kailangan pa iaaply.
“Sure.”
Alam kong nagtaka sila kung bakit hindi ako makulit at parang walang gana ngayon. Magtatanong na sana si Belle pero tinignan siya ni Krish na parang ibig sabihin “I’ll explain later”.
3 hours class kami ngayon. Pero hindi din naman na consume nung prof yung time. Kaya maaga yung lunch break naming. Dumeretso na kami ni Lara sa office then yung tatlo hinintay nalang kami sa canteen.
Sinalubong kami nung secretary ng Registrar’s Office.
“Ms. Sevilla, pumunta ka raw sa Registrar office, may sasabihin daw si Mam sayo.”
“Ha? Sige po. Kukuha lang po kami ng application form tapos dederetso na ko dun.”
Nag nod lang siya. Bakit kaya? Balita ko bago yung head ng Registrar Office e.
“Shine bakit ka pinapatawag? Eto na pala yung form oh. Bukas na daw natin ipasa.”
“Ewan ko din e. Sige, una ka na. Hintayin nyo nalang ako sa canteen. Saglit lang naman siguro yun.”
Nag nod lang siya tapos nauna na. Ako naman nagpunta na ng Registrar Office. Kinakabahan tuloy ako, wala kasi akong idea kung bakit ako pinapatawag e.
“Excuse me mam, ako po si Yunica Sevilla, sabi po ni Mam. Grace pinapatawag nyo daw po ako.”
“Oh. Have a seat Ms. Sevilla.”
Umupo ako then may kinuha siya dun sa drawer niya then inabot sakin.
Birth Certificate ko. Anong gagawin ko dito?
“Ms. Sevilla alam mo naman sigurong bago lang ako dito, and I have checked all the records and documents of all the students.”
Nakinig lang ako sa kanya.
“And I found out that your birth certificate is fake. That’s why I want to talk to you.”
“Pero mam, ngayon lang ako nagkaproblema ng ganito. Kahit nung high school and elementary wala naman pong ganitong problema.”
“I know, kase kung nung una palang nalaman na to, for sure hindi ka nakakapasok ngayon. Mukhang original yung birth certificate mo but I used to work sa NSO kaya I know which one is real and which one is fake. Talk to your parents about this then come back to me. That’s all Miss Sevilla.”
“Sige po mam. Thank you po.”
Dumeretso na ko sa canteen. Naguguluhan ako. Pero baka may mali lang, kausapin ko nalang si mama mamaya.
“Shine, tagal mo naman. Gutom na kami. Oh nag order na kami. Treat daw ni Belle ngayon e.” –Kaye
“Oh besfren ano sabi sayo n imam?” –Krish
BINABASA MO ANG
He is my Everything, I am he's nothing
Teen FictionLife is full of twists and turns. Minsan kung kelan nagbabago ka na tsaka ka naman paglalaruan ng tadhana. It's my first story here sa wattpad. please support. :))