Adrian’s POV
“I love you Kristel.”
“I love you too JB.’
Paulit ulit sa utak ko yung mga narinig ko kanina. Kanina ko lang siya nakitang ganun kasaya. At dahil dun nasasaktan ako. Nasasaktan ako ng sobra.
I’m Adrian Nyelle Go. Third year tourism student sa isa sa pinaka malaking private school dito sa bansa. Taga Quezon city ako pero dapat taga Makati talaga ako. Pero simula nung bata pa ako dito na ako sa Q.C mas okay kase dito, kahit maliit yung bahay kasama ko naman yung lolo’t lola ko. Sa Makati kase palaging wala si daddy at mommy. Busy sila sa business naming kaya puro katulong yung madalas kong kasama dun. Kahit pa napakalaki ng bahay naming sa Makati, bihira kong umuuwi dun.
Kristel Kim Gonzales is my bestfriend since first year high school. Taga Q.C din siya, same school kami nung high school and until now. She was the reason why I took up tourism, para sundan siya. Prinsesa kase kng ituring ko so Kristel. Okay din naman na ito yung course ko kase travel agency and airline ang business namin. Pinilit ko talagang maging blockmates kami ni Tel.
I love Kristel since then di ko alam kung kelan nag start maging more that friends yung nararamdaman ko sa kanya pero I’m sure more that friends itong feelings na to. I never tell her about this, takot akong masira yung pag kakaibigan namin at mawala nalang siya sakin kung sakaling malaman niya to. Maraming nag sasabi na parang more that friends kami, pero ganito lang talaga kami. Super close. Until nga nag simula nang mawala siya sakin...
*Flashback
“Tel napapansin ko palagi kang masaya.”
“Masama bang maging masaya Adrian?”
“Hindi yun. Nagtatampo lang ako, parang di mo kase shinishare yung reason.”
“Sus! Ang bes ko. Parang bata. You’ll know it soon.”
“Okay.”
Hindi na ko nag pumilit malaman kung ano man yun. I trust her at alam kong may good reason siya bakit ayaw pa nyang sabihin sakin nung panahon na yun yung dahilan ng mga ngiti niya. Hangang sa nangyari nga yung kanina...
Nagpunta ako nun sa Drama Club Room. Member ako ng Drama Club pati na rin si Tel. Naiwan ko yung notebook ko kaya bumalik ako sa room.
Narinig ko yung boses ni Tel. Kaya di ko napigilang makinig sa kung sino man yung kausap niya. Nag paiwan siya dito kanina kase may mga stuffs pa daw syang tatapusin.
“Tel hangang kelan ba natin itatago to?”
“Alam mo naman yung reason ko diba?”
“Oo. And I understand. Gsto ko lang talaga na ipaalam sa lahat na akin ka na.”
“Hahaha. Ikaw talaga.”
“I love you Kristel”
“I love you too JB.”
Hindi ko na kayang marinig pa kung ano man yung pag uusapan pa nila. Umalis na ko agad sa school. Hindi ko na hinintay pa si Tel para ihatid siya tulad ng ginagawa ko araw araw. Sa ngayon hindi ko pa siya kayang harapin.
*End of Flashback
Ayun pala yung reason kung bakit lage syang masaya. Napapadalas na din yung mga panahong madalas bigla nalang sya nawawala. May tiwala ako kay Kristel. Alam ko naman kaseng di siya gagawa ng ikakapahamak nya kaya nung mga panahon na yun di ko na inalam pa yung dahilan ng mga pagbabago nya.
Dumating na yung panahong kinakatakutan ko. Yung panahon na may ibang lalake na papasok sa buhay niya. Maganda si Tel, kaya kahit nung high school palang kami marami na talagang nanliligaw sa kanya. Pero strict ang parents nya at wala rin naman siyang pakelam sa mga ito kaya lagi naming busted yung mga lalaki. Nasanay akong ako lang yung guy na lageng nasa tabi nya, hindi ko napag handaan yung ganitong pagkakataon. Bestfriend nga lang pala ako. Gusto ko man syang iapagdamot wala akong karapatan.
BINABASA MO ANG
He is my Everything, I am he's nothing
Ficção AdolescenteLife is full of twists and turns. Minsan kung kelan nagbabago ka na tsaka ka naman paglalaruan ng tadhana. It's my first story here sa wattpad. please support. :))