Nakaupo ako sa isang table sa canteen namin habang sinasagutan itong assignment namin sa math nang bigla kang dumating, "Hi" sabi mo.
"Hi din!" sagot ko naman, kilala kita ha ikaw yung makulit na taga kabilang section. Ba't kaya nya ko pinansin?
"Gusto mo tulungan kita dyan?" nakangiti mong sabi. Ay sows jusko po ang cute nya magsmile, joke bawal pa. Naalala ko ssc ka pala kaya pwede mo akong matulungan dito. "Osige " sakto naman na tumunog ang bell bago mo pa ako matulungan, kainis. "ay, Filipino time na, mauna na ako ha?" at bumalik na ako sa room namin.
____________________
"Hayyyy nakakapagod naman ang araw na 'to" Humiga ako sa kama ko ng naka uniform pa at binuksan ang cellphone ko, nakita ko na in-add mo ako sa fb, dali dali naman kitang inaccept. Mga ilang minuto ang lumipas, nakita ko sa notification ang pangalan mo. "Uy hiii!" reply ko sayo. Nagtuloy tuloy ang chat natin hanggang madaling araw, ang sarap mo pala kausap hahaha.
Araw araw na tayo magkachat, mula umaga hanggang sa pagtulog ko, lagi tayong magkasama sa school, kapag mag la-lunch, hinahatid mo ako lagi pauwi. Hindi ko nga alam kung nililigawan mo ba ako o ano, wala ka namang sinasabi sa apat na buwan nating paguusap.
_____________________
"Oh, di mo ata kasama si Ryan ah" sabi ng kaibigan ko. May research pa syang dapat tapusin kaya hindi ko na inaya.
"May gagawin yun eh." Bakit kaya nya natanong? Di naman talaga kami masyadong magkasama ngayon ni Ryan dahil hell week ngayon tsaka next next week quarterly exam na kaya busy talaga.
Pumasok kami sa National Bookstore, may bibilhin kaming mga materials para sa project namin, yes masipag 'to eh!
"Ahh, ilang buwan na pala kayo nag-uusap?"
Ang weird talaga nito ngayon. "apat na buwan na."
"Tagal na rin pala no? imposibleng hindi ka nahulog sakanya sa apat na buwan nyong magka-usap" Sabay kuha ng cardboard at cartolina. "Alam mo ang weird mo ngayon, san ba nanggagaling yang mga tanong mo? hahaha."
"Wala, may nalaman kasi ako tungkol sakanya" kinakabahan naman ako sa nalaman nya putcha. "Ano naman yun?" nakangiti kong sabi, tryin' to be chill kahit kabado.
"Teka anong magandang kulay? yellow or blue?" Ano ba naman 'to oh! pabitin. Kinakabahan na ako dito oh.
"Uhm, yellow nalang."
Kumuha siya ng yellow colored papers at tsaka pumunta na sa counter para mag bayad. Ang dami naming pinamili, sana naman magbigay ng pera yung kagrupo namin.
Saktong mahaba ang pila kaya matatanong ko yung tungkol kay Ryan. Puro mga daltonians din ang nandito. "So tin, ano yung sinasabi mo kanina?"
"Ah yung tungkol kay Ryan? napapansin ko kasing sobrang lapit nyo na sa isa't isa, kung hindi ko kayo kilala at nakita ko kayong magkasama, aakalain kong mag jowa kayo."
"Ay 'di naman, tropa kami nun eh!"
"Tropa nga ba talaga?" Haha bat parang iba pinapalabas nito.
"Ilang buwan na nga ulit kayong magkakilala?""Apat." sabi ko, diretsuhin nya na kasi. Parang ewan 'to.
"Malapit na din matapos," Anong malapit na matapos?
"Hindi ba nag kukwento sayo si Ryan tungkol sa nililigawan nya sa room nila?" Okay. Nabigla ako, anong nililigawan? sabi nga nya ay wala syang natitipuhan sa room nila.
"Wala, tsaka paano mo nalaman yan?" Hindi nya sinagot ang tanong ko.
"May nililigawan sya, last year pa. At ikaw, pinagt-tripan ka lang nung magt-tropang yun. Sila Rex? Ej? Miggy? Sila sila ginagamit account ni Ryan, minsan sila yung nagchachat sayo,"
"Teka paano mo nga nalaman yan?" kanino nya nalaman yung mga kwento nya? Nagpipigil na ako ng luha, buti nalang magaling ako dun.
"Kay Ej, nadulas eh. Sabi ko naman sayo wag mo sila ientertain kasi mga siraulo yan. Maraming kalokohan yan. 5 months, dapat mahulog ka kay Ryan, pag nahulog ka may prize si Ryan. Oh diba parang mga bata, at ikaw ang laruan nila."
Wow, di ako makapaniwala. Inaamin ko nasaktan ako kasi nagkaroon na ako ng feelings kay Rr. Pagkatapos nya mag kwento tumahimik na ako.
"Katie, dito na ako. Bukas ha? practice. Ingat ka." Sasakay na sana sya sa tricycle pero humabol pa ng sasabihin. "Sorry nabigla ata kita kanina. Ingats!" Nag babye naman ako sakanya at sumakay na sa jeep. Hay, diko alam sasabihin sakanya bukas.
Earphones on muna.---------
"Katkat! hintay!" lalo ko pang binilisan ang paglalakad, ayoko muna magsalita about sa nalaman ko, baka 'di ko mapigilan sarili ko.
"Ang bilis mo naman maglakad." sabay akbay sakin. Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko at 'di sya pinansin.
"Uy ba't 'di mo ako kinakausap? uy Katkat may problema ka ba?" Wow ang galing pala nya umarte.
"Wala masama lang pakiramdam ko." Pag ito hindi pa umalis, tatadyakan ko na 'to. "Gusto mo dalhin kita sa clinic? baka may lagnat ka na." Ilalagay niya na sana ang kamay nya sa noo ko nang tapikin ko ito. Katie pigilan mo sarili mo.
"May problema ba? ang init ng dugo mo ngayon."
"Wow, paano mo nalaman?" putcha talaga.
"Hahahaha baka may dalaw ka lang, anong gusto mo? bibilhan kita." sabi nya habang nakangiti.
"Napakagaling mo din umarte ano? grabe, may award ka na teh. Ba't di mo ilibre nililigawan mo?" Huli, kita sa mukha nya na nagulat sya pero agad nyang binago 'to.
"Ha? anong nililigawan?" sige ideny mo pa maganda yan.
"Jusko Ryan, idedeny mo pa kitang kita na sa mukha mo. Tutal matatapos narin naman yung bet nyo kaya hintayin ko nalang, kunwari hindi ko alam na pinagpustahan nyo ako. Okay ba yun?" lumabas din, now you're looking at me with a 'shoot-nalaman-nya' face. Got you boy.
"P-paano mo n-nalaman?"
"Oh boy, wala ka ng pake kung kanino ko nalaman." Aww wala siyang makukuhang prize, so sad.
"Look, im so--" di ko na pinatapos, baka mahaba pa eh.
"Oops, tinapos ko agad ang bet nyo, sorry not sorry wala kang prize!" and umalis na ako, play it cool.
It's so ironic that i can be strong outside but inside my heart is tearing by pieces. I may look like strong, but honestly im fragile too. As i turn my back to him, tears begin to fall on my face.
why is it always me? why is it always me who get broke? why?
________________
first one-shot story ko 'to. haha sorry medj di maganda. thank you! xoxo ❤