Chapter 9 Mission Accomplished... Already??

112 4 3
                                    

A/N: Eto napilitang mag-UD 

Hahahaha

Wala na kasi talaga akong balak i-UD to...

Eh kaso wala nang ibang magawa eh

Kaya basahin niyo na lang...

Nalulungkot ako pag walang nagbabasa nito eh :/

________________________________________________

Chapter 9 Mission Accomplished... Already?

One day, Two days, Kalahating Linggo, Isang Linggo, Dalawang Linggo, Isang Buwan.. Dalawang Buwan

Ambilis ng paglipas ng Oras

Wala na akong ibang inatupag kundi bahay at aral na lang

Si Dot pati yung Smael na yun??

Hindi ko alam pero sila na ata..

Wala na naman akong paki :\

At ngayon...

Andito na naman ako sa lumang Legacy Room

Monthly Meeting uli...

Ano na naman kaya ang sasabihin ni mokong?

"Salamat sa pagpunta mga BB.." Nga pala nabalik na sa BB yung name ng grupo namin dahil nga sa nangyaring gulo...

"Dalawang buwan na ang lumipas simula nung huli tayong nagmeeting...

Walang nangyayaring paglago kundi lalo tayong umuunti... Lubusan ang pagpapasalamat ko sa mga nanatiling tapat..

Pero mukhang.... Kailangan na nating itigil tong grupong ito..."

Walang naimik..

Lahat seryoso..

Mukha na kasi kaming pamilya dito..

Kahit walang batas o anumang layunin ang grupo..

Dama namin ang isa't-isa..

"Boss" May naglakas loob na magsalita..

"Oh bakit??"

"Kung maalala niyo po ako... Ako yung dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang grupo..."

Tiningnan ko yung nagsalita.. Hindi ko kasi nagets yung sinabi niya... Siya pala yung nagbuko sakin kay Dot..

"Oo naalala kita... Wag mo na sisihin ang sarili mo.. Lahat tayo may kasalanan.. At isa pa... Nangyari na yun, wala nang mababago.."

"Eh Boss, Paano naman po si Kuya Harold??"

"Yun pa ang isang dahilan kung bakit ako nandito sa harap ninyo... Simula sa araw na ito.. Pinapawalang bisa ko na ang dare na ibingay namin sayo Harold...

Malaya ka na.. :)" Ugok talaga tong si mokong -_-

Kung ano pang pinagsasabi... eh ano naman kung malaya na ako??

"Wala na ba kayong katanungan?? Mukhang matatagalan uli bago tayo magkaroon ng meeting... Hindi naman talaga mawawala ang BB... Magpapahinga lang muna tayo sandali..

At siguradong pagnagbalik tayo... Lagot satin ang mga Smaelites na yun.."

"Mokong!" Nagtaas ako ng kamay at tumingin sa kanya ng may pangaasar

"Oh Harold?? May sasabihin ka...?"

"Bigyan niyo ako ng panibagong Dare.. ;)"

"Huh?? Anong sinasabi mo..."

"Basta bigyan niyo ako ng bagong Dare.. Oh mga BB, diba dyan kayo magaling?? Bigyan niyo ako ng bagong hamon.. dali!!"

"Bakit di na lang bakla ang pagtripan mo.." Finally may nagsalita sa dulo... pero nkahood siya kaya di makita mukha..

"Tumayo ka.. Ikaw na nagsasalita.." Sabi ni mokong sa kaniya...

Pag katayo niya, Tinanggal niya ang hood niya... Syempre sino pa ba?? Isang asungot ang nakapasok dito sa lumang Legacy Room...

Si Smael... Tumayo ang lahat ng BB... Naghahandang magkakaroon ng gera dito, kahit si Lester susugod na nang harangin ko siya bigla...

"Sige... Payag ako diyan sa Hamon mo... At sa panahon na magawa ko yun... Syempre hindi naman wala lang ang paghihirap ko, malamang kailangan may gagawin ka..." Sabi ko sa kaniya ng buong-buo ang ngiti..

"Ano ba gusto mo?? Pera? Pagkain? Damit? Ano... Lahat bibigay ko.."

"Hindi kelangan yang inaalok mo... Kaya ko yang bilhin lahat..."

"So anong hinihingi mong kapalit?"

"Pag nagawa ko yung Dare mo... Tatanggalin mo ang grupo mong Smaelites..."

Ngumisi lang ang asungot...

"But wait there's more... Dahil alam kong mahilig ka makisalo... Ibibigay ko na din sayo yung baklang mapapaasa ko... At kung pwede lang, Ibalik mo yung akin... ^_^ Diba marami kang pera?? Bili ka nang babae diyan

sa tabi-tabi... O baka naman kulang... Sabihin mo lang, dadagdagan ko... Hindi yung mangaagaw ka nang babae ng iba.. Ano deal?? Wala ka nang poproblemahing grupo.. May BADING ka pang kalaguyo :)"

Tumawa ng malakas ang lahat ng nasa loob ng lumang Legacy Room...

Nilubos ko na ang lahat ng masasabi kong pangungutya sa kanya...

Ngayon napatulala siya at di makapaniwala sa mga nasabi ko..

"Oh ano?? Papayag ka ba... O duwag kang matalo.."

"Papatunayan ko sayong hindi mo kayang gawin yun!" Sabi niya habang asar na asar umalis palabas ng lumang Legacy Room...

Nakangiti ang buong BB

Nakipag-appear ang mokong..

Simula na nang paghihiganti ko...

Smael maghintay ka lang ^_^

Sigurado papaibigin ko ang sinumang baklang makita ko..

Ibibigay sa kanya..

Ay babawiin ang totoong mahal ko...

Si Dorothy Madayag =)

__________________________________________________

A/N: Oh ayan...

Ginandahan ko na yan ah...

Sana naman magcomment kayo..

Vote na din para masaya..

Pagumabot ng 30 comments saka ako maga-update..

Kaya paki-endorse na lang sa iba...

Nga pala may kasalukuyang ginagawa akong One-Shot

~TINIDOR~ ang title..

Abangan niyo na lang din...

Dedicated pala sa long long friend ko nung grade 6

si ayen ^_^

Salamat sa pagbabasa :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You Three [ILY3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon