VIRUS #1💻

0 0 0
                                    

3 years ago

Rain POV

"ANU BA PAKAWALAN NIYO AKO DITO!!!"

Sigaw ko yan everyday tatlong araw na ako sa seldang to kasama ng ibang nakaselda. I was kidnapped pero ang pinagtataka ko bakit hindi sila nanghihingi ng ransom. Binibigyan din naman nila ako ng makakain. Masasarap pa nga eh pero hindi manlang nila ako binihisan. Diba dapat sagad sagad na kung papatayin din naman nila ako.

Yes you hear it right kaya daw ako nandito dahil isa daw ako sa papatayin. Hindi ko nga alam saang lugar ito basta noong dinukot nila ako sa graduation party ko nagising ako na nandito na sa loob ng seldang ito. Nakasuot pa din ako ng dress yung heels ko tinanggal ko na mga ses kasi masakit sa paa, pati mga kolorete ko sa katawan naiwan nalang ay relo at kwintas na bigay ni lolo. Dito ko tinitignan kung ilang araw na ako dito. Malayo ako sa mga ibang nakaselda ako yung pinakadulong kulungan. Daig ko pa ang preso dito mabuti pa sila may ligo time ako wala puro lagkit time.

Sana matonton agad nila ako. Hindi ko alam kung saang lugar na to pero bago mamatay yung tracker na nilagay ko sa relo ko ay sana ma-trace na ng kapatid ko kung nasaan ako. Kailangan ko magpakatatag.

10pm na pala pero hindi ako makatulog. Sabi bukas daw ako tatanungin ng boss nila kaya maghanda daw ako. Madilim na dito pero may naaninag akong naglalakad.  Maingat na nagalalakad pa punta sa direksyon ko shet baka ito na yung pag-asa ko kaya hindi ako sisigaw. Wag lang sana manyakis to.

"Rain"

Tawag niya dito sa gilid ng selda ko. Teka bakit familiar boses nito tsaka boses babae.

"Sino ka? ikaw ba pinadala ng kapatid ko? Wag ka lumapit jan sa selda may kuryente yan"

Totoo natry ko na nakuryente kasi ako nung nagpumilit ako lalabas ang sakit ng katawan ko pagkagising.

"Si Zsam to"

"Zsam omg iligtas mo ako dito please"

"Makinig ka Rain itatakas kita dito pero hindi pa ngayon, masiyadong mahigpit ang mga nagbabantay sa labas, kailangan mong magpanggap na di mo ako kilala kapag nailabas ka dito, sa araw kung kailan ka papatayin saka kita itatakas mas maluwag ang security noon, tibayan mo loob mo basta pangako ko itatakas kita dito"

"Pangako yan Zsam aantayin kita"

Naiiyak na ako. Edi papatayin nga talaga nila ako.

"Pangako mag-iingat ka dito"

Pagkatapos noon ay umalis na din si Zsam. Maniniwala ako sa pangako niya. Aantayin ko siya.

Maaga ako ginising ng mga panget na alagad na to. Kahit inaantok pa syempre gigising aarte pa ako eh preso lang ako dito. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip bakit nila ako papatayin.

Naglalakad kame ngayon papunta sa isang kwarto. Hawak hawak ako sa kamay ng dalawang panget na alagad na to.

Pinaupo nila ako sa bangko bago iniwan. Infairness walang gapos sa kamay. Inaantok pa talaga ako. May lamesa naman sa harap tapos may upuan din. Sumubsob na muna ako dahil inaantok pa ako.

"WAKE UP!!!"

"aray bakit kailangan sumigaw sa tenga!"

Sigaw ko sa kung sinong impaktong lalaki na bumulabog sa pagtulog ko. May binagsak siya sa papel sa harap ko at pabagsak na umupo.

"Draco?"

Ngee bakit naman andito si My Loves.  Tsaka bakit ang sama ng tingin niya sa akin. Siya ba nagpa-kidnap sa akin? Pero bakit naman niya gagawin yun? Hala baka nalaman na niya na ako yung nagpapadala ng cookies sa kaniya.

Virus Eject 💙Perfect #5💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon