My Favorite Regret (One Shot)

156 1 1
                                    

"Will you be my favorite regret?

The one i could never forget?"

Naaalala niyo pa ba kung sino ang puppy love niyo? Eh yung first love at true love niyo? Malamang sa malamang, kahit isa sa mga yan ay di niyo makakalimutan. Paano naman kaya kung ang puppy love, first love at true love mo ay iisa? Weird no? Pero posible yun, di nga lang para sa lahat.

First year high school ako noon nang una  ko siyang makilala. Unang beses ko pa  lang siya nakita, alam ko na siya na. Siya ang babaeng mamahalin ko nang tunay.

Hindi talaga kami close ni Mia noong first week ng klase. May sarili kasi siyang group of friends. Samantalang ako, tahimik lang at nagmamasid-masid. Hanggang sa isang araw,  naging groupmates kami sa isang subject. Nagkakwentuhan kami, kulitan at kung anu-ano pa. Tinuring ko siya na bestfriend at ganun din naman siya sa akin. Sa isip-isip ko, baka may chance ako para lalo pang mas mapalapit sa kanya. Pero di ko magawa-gawa ang plano ko. Kasi naman, may boyfriend si Mia. Kaya eto ako ngayon, palihim na may pagtingin sa kanya.

Lumipas ang mga araw at lalo pa kaming naging close. Kinukwento niya sa akin ang mga nangyayari sa kanya sa bahay nila at kung paano siya hindi pinapahalagahan ng boyfriend niya. Nalungkot ako nang malaman kong ang babaeng pinakaiingatan ko ay binabalewala lang ng boyfriend niya. Kaya nung mag-break sila, sobrang saya  ko noon.

Akala ko may pag-asa na ako sa kanya. Pero bago matapos ang taon, niligawan siya ng isa sa mga kaklase namin. Hindi ako kumibo. Hindi ako nagreklamo. Dahil alam kong wala akong laban sa kanya. Sino ba naman ako? Di naman ako gwapo. Patpatin ako at walang ipagmamalaki.

Second year high school. Nalipat ako ng section. Nahiwalay ako kay Mia pero palagi ko pa rin siyang pinupuntahan sa classroom nila. Ayokong mawala ang closeness naming dalawa. Pero nagulat ako sa  isang balita na galing mismo sa kanya.

“Josh, kami na ni Ram.”

Hindi ako nakapagsalita. Ngumiti lang ako ng napakalapad kahit sa loob-loob ko, nasasaktan ako. Sana lang, ingatan ni Ram ang pinakamamahal ko.

Ilang araw hindi ako pumunta sa classroom nila. Ilang linggo, tiniis kong wag siyang kausapin. At ilang buwan akong nagpanggap na hindi ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko silang masaya na magkasama. Gustuhin ko mang hindi na siya kausapin, hindi ko magagawa. Kahit sobra akong nasasaktan, masyado ko siyang mahal para layuan siya.

“Josh, bakit di ka na lang humanap ng iba?” tanong ng bestfriend kong si Jerico.

“Hindi ko rin alam eh.” Yun lang ang sagot ko sa kanya.

Ang totoo niyan, may babae akong nagugustuhan sa klase namin. Pero dahil torpe ako, pinabayaan ko na lang. Nalaman kong gusto niya rin ako kaya hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at niligawan ko siya. Naging kami sa loob ng anim na buwan pero naghiwalay din kami sa di pagkakaintindihan. Marahil hindi kami ang para sa isa’t isa.

Pinagpatuloy ko lang ang buhay. Third year high school na ako at hindi na katulad ng dati na may nilalambing akong girlfriend, naiinggit ako ngayon sa mga taong may lovelife. Ginawa ko na lang ang lahat ng makakaya ko para maging mabuting mag-aaral. Isang araw ay naisipang tumakbo ng mga kaklase ko sa Student Council elections. Gusto ko rin sanang sumali pero buo na ang partido nila. Moral support na lang ako. Laking gulat ko nang isali nila bilang secretary si Mia. Simula noon, lagi akong sumasama sa meeting nila. Doon ko nakuha ang cellphone number ni Mia. Pero sa di malamang dahilan, hindi na nagpapakita si Mia sa meeting at dahilan para palitan  siya sa posisyon niya. Tinetext ko siya pero di siya nagrereply. Simula noon, di ko na siya ulit nakita.

Fourth year high school nang makasama ko ulit siya sa isang club. Kahit sandali lang yun, naging masaya ako kasi muli ko na naman  siyang naka-usap. Inasahan ko rin siyang pumunta sa JS Prom pero kahit na anino, di ko nakita. Ilang araw bago ang graduation, nakasalubong ko si Mia sa field. May inabot siya sa akin na sulat. Nasa loob nito ay isang mahabang kwento at larawan na iiwan niya sa akin para sa nalalapit naming paghihiwalay.

AYOKONG MAGPAALAM. Yan ang nakalagay sa harap ng sulat.

Joshua Bautista,

Hello Josh! Salamat for being my bestfriend nung 1st year, kung di tayo siguro nagkalayo ng section siguro tayo pa rin magbestfriend ngayon. Pero proud ako sayo. You’re still my Palits forever. Sana ako pa rin ang Palita mo ha? Salamat sa masasayang memories natin before. Hinding-hindi ko yun malilimutan. Naging magkalayo man tayo, naniniwala pa rin ako na ikaw lang ang Palits ko. Kahit magkaroon ako ng kapalit sayo, still ikaw pa rin. Alam mo naman ako, basta pinapahalagahan ko ay papahalagahan ko forever. Minsan nakakatampo ka kasi di ka namamansin, pero okay lang yun. Naiintindihan naman kita eh, baka busy ka lang.  kaya ingat ka palagi ah? Nakatago pa rin yung mga letter mo at yung tula mo. Salamat dun ah? :) penge akong picture.

Mia Antonino

Palita :)

Hindi ko akalain na ganun niya ako pinahalagahan. Na kahit sandali lang kami nagkasama, naging importante ako sa buhay niya. Na nagmarka ako sa buhay niya, hindi man bilang boyfriend pero ang kauna-unahan at kaisa-isa niyang lalaking matalik na kaibigan.

Summer after high school nang muling magkrus ang landas namin. Nakatambay kami noon ng barkada ko sa labas ng bahay nila nang makita ko siyang lumabas mula sa bahay ng kabarkada ko. Hindi ko alam kung tatawagin ko siya o papabayaan ko na lang siyang hindi ako makita. Pero tadhana nga naman nang tawagin siya ng barkada. Di  nila alam na kilala ko si  Mia.  Nagulat siya nang  makita niya ako. Nagkausap kaming muli. Nagkulitan at doon ko nakuha ang number niya.

Simula noong gabing iyon ay lagi na kaming magkatext. Minsan, nakikita ko siya  sa bahay ng  barkada ko. May practice pala sila doon para sa senakulo. Inimbitahan niya akong  manuod sa event nila, contest pala iyon. Nangako akong papanoorin siya. Ang ganda niya sa mismong gabi na iyon. Lalapitan ko na sana siya noong tapos na yung contest pero nakita kong kinausap siya ng ex-boyfriend niya. Nalungkot ako at nakaramdam ako ng takot. Paano kung magkabalikan sila? Mawawalan na naman ako ng pag-asa. Kung kailan nabuo ko na  ang plano ko kung paano ko siya liligawan.

Pagkatapos ng gabing yun, nagpatuloy lang kami sa pagtetext. Nalaman kong kinamusta lang siya ng ex niya. At doon ko rin nalaman na may nanliligaw rin sa kanya.

Beep.

New Message

Palits, miss na kita. :( pakita na sa akin! I love you! :)

Palaging may ganito sa tuwing magkakatext kami. Ayaw ko mang aminin, pero kinikilig ako. Sana  totoo lang lahat ng sinasabi niya sa akin. Na yung I love you niya ay hindi na bilang kaibigan kundi ka-ibigan. Dahil sa  tuwing magrereply ako sa kanya ng  I love you too ay buong puso ko itong tinatype.

Nang mangyari ang pinakamalas na araw sa akin. Naglalakad ako sa malapit sa palengke. Pupunta ako noon sa computer shop para mag-upload ng pictures noong graduation. Sa kasamaang palad, may lalaking humarang sa akin at tinangay ang lahat ng gamit ko. Hindi ko na ulit nakausap si  Mia. Nawalan kami ng contact sa isa’t isa. Nandoon na kami eh. Konting tulak na lang, aamin na ako.

First year college ay plain na plain. Naging busy ako sa pag-aaral. Bihira akong magbukas  ng Friendster ko. Pero isang araw, may natanggap akong message galing kay Mia.

Palits, kamusta ka na? Kaya pala di mo na ako tinetext. Ayos ka na ba? Eto pala number ko: 0921*******. Ingat palagi! Imy. Ily! :)

Hindi na ako nagdalawang isip. Kinuha ko ang number niya at tinext siya. Bumalik kami sa dati. Yung masaya at laging naglalambingan.

Beep.

New Message

Wag mo nang itetext si Mia, tito niya ito. Nakakagulo ka lang sa kanya.

Nagulat ako sa nabasa ko. Kaya simula noon, hindi ko na ulit siya tinext. Nang tignan ko ang Friendster profile niya, may status siya.

“I’m off to Malaysia with him. <3”

Gumuho ang mundo ko. Simula noon, pilit ko na siyang kinalimutan. Nabalitaan ko na nag-asawa na siya. Siguro nga ay haggang dito na lang kami. Ang mga pangarap kong binuo kasama siya, naglaho ng dahil sa pagsama niya sa iba. Siguro nga pinagsisisihan kong hindi ko siya niligawan. Pinagsisisihan kong naging torpe ako. Higit sa lahat, pinagsisisihan kong minahal ko siya.

Pero sino ba naman ba ako para makalimutan ang kauna-unahang  babaeng nagbigay ng meaning sa salitang love. Ang aking puppy love, first love at true love. Yes, I regret loving her. But I regretted regretting it. Siguro nga, dumaan lang siya para bigyang kulay ang buhay ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang Palita ko. Si Mia. My favorite regret.

My Favorite Regret (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon