•••••••
"Hello Jessica ? " sagot ko agad habang naghahanap ng masusuot.
"Clariese! Hayy salamat naman at sinagot mo, nasan ka na ba? Nagsisimula na ang party rito!" sigaw nito at rinig ko pa ang ingay sa cellphone nito siguro ay lumayo siya saglit para makausap ako.
"Hah?! Oo sandali magbibihis na ko wag kang mag-alala pupunta ako dyan." taranta kong sabi
Ibinaba ko muna ang hawak kong cellphone at niloud speaker pagkatapos ay nagbihis ako tutal ako lang naman mag-isa sa Apartment na ito.
"Ok sige! Hihintayin kita rito tumawag ka kapag malapit o nasa labas ka na ng mansyon ah para masundo kita! Ayy oo nga pala nandito na si Mr.Chavez! 'babe wanna dance?!' Oh sure wait a minute,besh hurry up ah babush!" pagkasabi na ay agad na niyang tinapos ang tawag kaya naman dali dali kong kinuha ang six inch heels sa ilalim ng kama at sinuot sabay kuha ng make up kit dahil may kaputian ako ay hindi ko na pinakapal pa ang make up ko just a light make up simpleng pulbo at liptint lang ok na at daling kinuha ang pouch ko sa kama at takbo palabas ng apartment.
Agad kong inalabas ang bayad para taxi driver paglabas ko ay agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Jessa mga ilang ring ay sinagot na niya.
"Besh! Where are you na?" sigaw nito pagbungad kaya naman bahagya ko pang inilayo ang phone sa tenga ko piling ko nabingi ako sa tinis ng boses.
"Here. Sa labas ng mansyon sa may tawid naka red dress ako jes dalian mo at nilalamok na ko rito. " natawa pa ito sa sinabi ko, well it's partly true may lamok rito.
Nakita ko si Jessa palabas ng gate kaya naman agad akong tumawid papunta sa kanya ng makita ako ay ang laki ng ngiti ng gaga kung hindi lang talaga ito importante ay hindi ako pupunta I hate parties.
"Akala ko hindi ka darating eh you know besh you hate parties like this, " natatawa pang asar nito na sinuklian ko ng irap.
"Kung hindi lang ito para sa trabaho ay hinding hindi ako pupunta!"inis kong sabi na lalo niyang kinatawa.
"Halika na nga baka magbago pa isip mo at umuwi ka pa eh. " sabay hatak nito sakin papaloob ng makapasok kami ay agad akong nagtakip ng tenga dahil sa ingay ng musika na dumadagundong at amoy ng alak.
I brushed my nose. Argh. Kaya ayaw ko talaga pumunta eh.
Hinila niya ako papunta sa mga babae at lalakeng nakaupo sa may isang pabilog na mesa ng makarating ay agad na nagsitinginan samin, sakin na agad kong kinailang.
"Guys come on, Don't stare to my bestfriend like that! Haha. Oh by the way Clariese this is Jerry, Carmen, Robert, Beverly, Timothy, Kyle, Regine, Dianne and my boyfriend Dan, and guys this beautiful lady beside me is Clariese my bestfriend." pagpapakilala ni Jes sa kanila kaya naman kinawayan ko sila marami kasi sila.
"Nice to meet you all." yumuko pa ko para iwasan ang mga titig nila sakin.
"Ah oo nga pala guys wait lang ah may pupuntahan lamang kami ni Clariese saglit lang babalik din kami." paalam niya sa kasamahan sabay hila naman sakin papalayo huminto kami sa malayo layo sa table ng mga kaibigan ni Jessa.
"Why? Anong gagawin natin dito? " taka kong tanong sa kaniya
May nakita akong isang table na sigurado ako na mga businessman/ woman ang narito dahil sa ayos at postura palang nila. May itinuro si Jessa na nasa midst 30's na lalake.
"You see that man? That's Mr.Chavez, the owner of the Restaurant near in our school ayon sa nakalap ko ay kaylangan pa nila ng isang Waitress dahil kulang pa sila. Diba kaylangan mo ng part time job?" sabi nito na kinatango ko.
YOU ARE READING
Billionaire's Baby
RomanceTwo people met in unexpected events. Boundaries are crossed. Regrets. Love. Betrayal.