Prologue
-
Para sa iba, ang pag-ibig ay isang medalyang iyong napagtagumpayan mula sa isang labanan o pagsubok.
Habang para sa iilan ito'y isang walang hanggang paghihintay para sa kanilang minamahal.
Ngunit para sa kaniya isa itong sikreto na mismong sarili niya hindi niya matuklasan.
Itiniklop ko ang librong patapos ko nang basahin at tiningnan ang oras sa aking relo na halos hindi na makita ang numero dahil sa ilang ulit nang nahulog at nagkakaroon ng guhit-guhit sa mukha nito.
"Alas tres na" bulong ko sa aking sarili. Agad akong tumayo mula sa lilim ng isang punong manga at pinagpag ang aking damit.
Tinahak ko ang daan pabalik ng eskwelahan at habang naglalakad ako alam kong may mga matang nakasunod sa akin.
Hindi ko na pinapansin dahil alam kong parehong mga mata na naman ang nakasunod sa akin. Hindi ko na pinansin dahil sanay na ako sa ganito bagkus ay pinagpatuloy ko lang ang paglalakad.
Nang makita ko na ang silid na dapat pasukin ko ay may nakabangga akong isang lalaki dahil nagkasabay kaming pumasok sa loob. Dinig ko ang hiyawan ng mga kaklase ko na nasa loob dahil sa nangyari.
"Ano ba'yan, pangit ka na nga, bulag ka pa" singhal sa akin ng kaklase kong nakabanggaan ko. Yumuko na lang ako ako at dumiretso sa locker ko.
Kagaya ng ginawa ko kanina, nagbibingi-bingihan na lang ako sa mga usap-usapan at mga bulung-bulungan nila patungkol sa akin.
Inayos ko na lang ang buhok ko para matakpan ang kanang bahagi ng mukha kong pinandidirihan ng lahat. Palaging nakalugay ang buhok ko para hindi matakot yung iba sa akin dahil kapag natatakpan ko ito, maayos naman ang mukha ko at malimit nila akong tinutukso. Kaya minsan One-sided yung tawag nila sa akin.
Maraming nagsasabi ang ganda ko sana kung wala lang ang mga kulubot at peklat sa mukha kong ito. Ang sabi naman ng iba baka na engkanto daw ako kasi mahilig akong gumala sa gubat habang ang iba naman ay inaakalang sinabuyan ako ng muriatic acid kaya nagkaganito ang isang bahagi ng mukha ko. Swerte ko na lang daw kasi hindi buong mukha ko ang naging ganito.
Kahit ano mang sabihin nilang dahilan patungkol dito hindi ko na lang pinapansin. Hindi naman magbabago ang paningin nila kung malalaman nila ang kaototohanan kaya deadma na lang ako.
Kinuha ko na lang ang mga gamit ko para umuwi na. Wala na kaming klase at tapos na din ako magbasa kaya uuwi na lang ako. Naglalakad na ako palabas nang may bumangga sa akin at tumilapon sa damit ko ang juice na hawak hawak niya.
"Oops. Should I say sorry to you?" sarkastikong sabi niya. Gaya ng mga ginagawa ko hindi ko na lang siya pinatulan sa halip ay umalis na lang ako.
Dumaan ako sa kakahuyan para makaiwas sa mga tao. Ayoko kong may makasalubong sa akin ng ganito ang ayos ko at isa pa gusto kong maglublob muna sa may talon na madadaanan ko mamaya.
Tiningnan ko ang basag kong relo. Alas singko trenta pa lamang hindi naman siguro magagalit si tatay kung gagabihin ako ng kaunti.
Nang matanaw ko na ang talon agad akong umakyat sa mga batong nakatumok sa gilid nito. Tinago ko yung bag ko sa likod ng mga naglalakihang dahon. Hinubad ko yung uniform ko at iniwan ang cycling shorts at puting sando. Umapak ako sa dulo ng batong iyon saka tumalon at hinayaang mahulog ang katawan ko sa malamig na tubig. Napasigaw ako sa sobrang lamig dahil parang binuhusan ako ng yelo.
Kahit sa maikling oras gusto ko tumakas sa mga mapanghusgang mga mata ng tao at sa matatalim na salitang nanggagaling sa bibig nila.
Binubulag sila ng kanilang sariling mga mata. They refused to see the truth. Ang katotohanang hindi sa pisikal na kaanyuan nakabase ang lahat ng bagay.
Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko? Ito na ang nakikita ng lahat. Ito na ang mukhang kinagisnang kantiyawan ng lahat. Masakit man minsan pero wala din naman akong choice.
Nagimbala ang aking masayang pagliligo ko sa talon nang makarinig ako ng mga yapak ng mga tao. Sa ilang taon ko na dito alam ko na ang tunog ng yabag ng tao sa hayop at alam ko din na parang hindi maganda ang susunod na mangyayari.
Luming-linga ako sa paligid at kinutuban akong hindi lang isang tao ang nandito kundi marami sila. Agad akong kumilos ngunit napatigil ako ng makarinig ako ng putukan.
Naaninagan ko ang tatlong naka-itim na lalaki mula ulo hanggang paa nila at kapwa sila may hawak na baril. Puro kalibre kuwarentay singko ang bitbit nila. Alam ko iyon dahil meron nun si tatay sa bahay.
"Huwag mo na kaming pagtaguan!" narinig kong sigaw nila. Dahan dahan lumangoy sa gilid ng talon. Kailangan kong umalis dito dahil baka madamay ako sa gulo.
Nang malapit na ako sa may gilid ng hinuhulugan mismo ng tubig biglang may tumakip ng bibig ko at hinila ako sa loob ng talon. Pilit akong kumakawala ngunit walang wala ako sa lakas ng mga bisig niya.
"Huwag kang maingay. Maririnig nila tayo" naramdaman kong nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa basa kong balikat.
Sino siya?
Siya ba ng hinahanap ng tatlong lalaki na iyon?
Nang maramdaman kong naging maluwang ang pagkakatakip ng bibig ko ay agad kong tinabig ang kamay niya para sana kumawala ngunit bigla niyang nahuli ang isa kong kamay at hinila niya ako pabalik kaya napasubsob ako sa dibdib niya.
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya ng magtama ang aming mga tingin. Alam kong matatakot siya sa mukha ko dahil ganun naman ang reaksiyon nila sa tuwing makikita nila ako.
Inaasahan kong sisigaw siya ngunit napatulala lang siya sa akin kaya naguluhan ako. Agad na hinawakan ko ang mukha ko at doon ko lang nalaman kung anong mali sa akin.
Shit!
Agad kong tiningnan ang sarili ko sa malinaw na tubig ng talon at nagulat sa mismong nakita ko. Ang bobo mo talaga Anna!
Hindi maari. Walang pasabi ay agad akong tumalon at lumangoy palayo sa talon. Dali-dali kong dinampot ang gamit ko at tumakbo ng mabilis.
"Sandali!" dinig kong sigaw niya. Mabuti na lang at wala na ang tatlong lalaki na iyon dahil naka alis ako nang walang problema.
Hindi ko na siya nilingon pa. Hindi niya na dapat masilayan ulit ang totoo kong mukha. Ang mukhang pinakatinatago ko. Ang mukhang ako lang at si tatay ang nakaka-alam.
-
jymoongray
BINABASA MO ANG
Beautiful Mischief
General FictionKatotohanan bang maituturing ang isang bagay na matagal mo ng pinaniniwalan? Sabi nila "To see is to believe" ngunit papano na lang kung ang lahat ng nakikita at pinaniniwalaan mo ay pawang kasinungalingan? Buksan ang mga mata, huwag basta bastang...